Chapter 6

1293 Words
Chapter 6 SUMAMA na nga ako sa kanya, sa una’y nag-aalangan si aleng Nikita kong papayagan ba niya ako ngunit sa huli pinayagan niya kami at pinaalalahanan na mag-iingat kami. Bumungad sa amin ang maraming tao sa bayan, hindi pa kami nakakarating sa mismong bukana wala na kaming maparadahan kaya bahagyang malayo ang truck na ginamit namin, puno ng mga batang nakasuot ng maskara ng werewolf, itim man o puti, may ilang nag suot pa ng headdress na para bang wolfs, ilang beses akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili. Napapalamutian ng mga lantern sa gilid ng kalsada, mga maiingay na tambol, mga tree lights, mga nagtitinda ng mga inihaw na karne at mga minatamis na pagkain na kinahuhumalingan ng mga bata. ‘Malayo na ‘to sa nakaraan, hindi mo kailangan ikulong ang sarili mo sa nakaraan,’ muli ko na namang pangaral sa sarili ko. “Okay ka lang ba? Pwede na tayo umuwi kung gusto mo,” andyan na naman ang pag-aalala ng ibang tao. Exhale. Inhale. “Okay lang ako, Dario,” saka ako humawak sa laylayan ng damit niya, “pahawak lang baka mawala ako sa kumpulan ng tao, hindi ko na gaano maalala ang pasikot-sikot ng lugar,” wika ko. “Sige,” saka kami uli nag-umpisang maglakad. Humanap kami ng puwestong mapapanooran ng maayos, nakipagsiksikan pa kami hanggang sa makahanap kami ng puwesto, may ilang na inis pa kay Dario kasi pinilit niya na ro’n kami at wala naman silang nagawa sa katigasan ng ulo ng binatang ‘to saka lang ako bumitaw sa kanya. Parehas may taling harang at ilang tanod na nagbabantay sa magkabilang sidewalk para hindi kami makalagpas sa munting entabladong kalsada ng magpaparada. Papalapit na ang ingay kaya nagsilipan ang mga manonood na kasama namin at nagpalakpakan. Sa kabila nu’n hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid hanggang sa kosang napasulyap ako sa katapat na sidewalk. Bahagya akong magulat nang mapansin kong nakatitig din ang binata sa kabila, iyon yung binatang tumulong sa ‘kin kaninang umaga sa bayan na kamuntik na akong bagsakan ng mga regadong paninda, napakamisteryoso pa rin ng mga mata niyang mga asul at kung paano siya makatitig. Napawi ang atensyon ko sa kanya nang magsisigaw si Dario. “Ayan na sila!” Sobra siyang excited na nahahatak na niya ang suot kong cardigan. Tumapat ang mga performer sa puwesto namin at eksenang nakikipaglaban ang white wolf sa mga maiitim na wolves. Parang totoo dahil sa tuwing tatama ang mga kuko nila sa bawat isa nagkakaroon ng talsikan ng kunwaring dugo nila na ilang tumalsik sa damit kong suot. Napaatras ako sa gulat nang biglang umaktong nagwawalang baliw ang wolf na itim, kung hindi lang ako nahawakan ni Dario sa likod baka siguro nawalan na ako ng balanse at matumba. Ang lakas ng t***k nang puso ko… ‘Sinasabi ko sa ‘yo nakaraan na lang ‘yo, Sia,’ bulong ko sa ‘king isipan. Tumayo ako ng maayos at nagkunwaring ayos lang ako. Nagpahinga kami sandali at kumain ng ilang turo-turo na meron do’n nang matapos ang parada. “Punta na tayo sa Carmellin?” Tanong niya nang makainom siya ng iced tea. “Anong gagawin natin doon?” Nakakunot-noo kong nakatingala sa kanya dahil ako’y nakaupo habang siya’y nakatayo ng ilang layo lang sa ‘kin habang nakatanaw sa mga naglalakad na babae sa paligid. “Sasama tayo sa Hunting Party, sabi kasi nila na ganitong maingay at pinagdiriwang ang white wolf ay lumalabas daw ito sa mga ganitong pagkakataon. Bihiran man pero nagpaparamdam sila,” paliwanag niya. “Talaga?” Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinasabi niyang white wolf dahil ang huling kita ko sa wolf ay mga itim na pumatay sa mga magulang ko na hanggang ngayo’y hindi ko pa rin makalimut-limutan. “Oo, sige na, ito rin naman ang una’t huling experience mo kasi diba aalis ka rin naman na pagnabenta ang manor kaya lubusin mo na ang mga magagandang bagay dito pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo,” andoon pa rin na para bang sinasabi niyang nag-aalangan siyang gawin ang isang bagay na dapat ako ang magdedesisyon para hindi siya madamay kung sakaling may mangyaring masama sa ‘kin. May mga pagkakataon naman talaga na ayaw nating masisisi lalo na kung hindi natin nagusto o naipit lang tayo sa sitwasyon kaya naiintindihan ko siya. “Sige, ayos lang wala ka naman dapat ipag-alala sa ‘kin at saka tama ka minsan lang sa buhay ‘tong gagawin ko,” sabi ko kay Dario kaya sumilay ang ngisi sa mukha niya at liwanag. NADATNAN namin ang mga kakilala at kaibigan ni Dario na nag-aayos ng magagamit nila sa pag-Hunting Party. Isa-isa niya yon pinakilala sa ‘kin ngunit hindi ako madaling kumabisado ng mga pangalan at mas nakakabisado ko ang mukha ng isang taong nakakasalamuha ko. Binigyan nila kami ng gamit na pana’t palaso may ilang sibat ang hawak ngunit pinili kong huwag humawak ng mga ‘yon kaya hindi rin nila ako pinilit. Nasa bente katao ang pumasok sa mahiwagang Carmillen Forest, iba’t ibang hugis ng mga puno at laki. May mga maliliit, bilog na ilaw na dinikit sa katawan ng mga puno, trace para sa daraanan at kung sakaling mahiwalay ang isa sa amin alam namin ang daan pabalik. “Sumunod ka lang sa ‘kin para hindi tayo magkahiwalay,” wika ni Dario habang hawak niya ang pana’t palaso, hindi ko nga alam kung alam niyang gamitin ‘yon. Tumango na lamang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Parang may liwanag sa unahan ngunit nagagawa yon sa liwanag na nanggagaling sa kabilugan ng buwan. Tahimik lang kaming nakasunod, hindi ko na nga alam kung saan na ba kami papunta o malayo na ba kami sa mismong bayan? Hanggang sa huminto sila lalo na yung lider sa unahan. “Anong problema?” Tanong ilan sa kanya. Palinga-linga siya, “hindi ba ninyo nakita ‘yon?” Tanong lider sa amin na may pagkamangha sa mukha niya. “Ang alin?” Kunot-noong tanong ni Dario. “Ang puting lobo,” usal niya na siyang kinagmangha ng mga kasama ko. Nagtaka naman ako, baka guni-guni lang niya ‘yon. “Halika sundan natin!” Sigaw ng isang babaeng kasamahan namin. Nagmadali na sila at tumakbo kaya sumabay na rin ako sa pagtakbo. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatid ako sa bato, hindi ko na ilagan at nagawang mabalanse ang katawan ko kaya bumagsak ako sa lupa buti na lang naitungkod ko ang mga kamay ko ngunit napamura ako nang ang kamay ko naman ang nasaktan. Nagmadali akong tumayo ngunit mas kinagulat ko na sa isang iglap bigla silang nawala. Agad akong dinapuan ng takot sa pagbilis nang t***k ng puso ko sa kaba. “Dario! Dario!” Paikot-ikot ako sa puwesto ko at palinga-linga, paano nangyari ‘yon? May kung anong bagay na naman ang bumara sa lalamunan ko, dumaan ang malakas na hangin na siyang paghampas at nakagawa ng ingay sa dahon sa mga puno. ‘Jusko!’ Maglalakad na sana ako pabalik nang mapansin kong isa-isa namamatay ang mga maliliit na ilaw sa mga puno, hanggang sa tuluyang dumilim sa puwesto ko, gusto ko nang umiyak at maghisterikal pero hindi pwede. Nabigla pa ako at napasigaw nang sabay-sabay na umilaw ang mga bilog na ‘yon na nakasabit sa puno. Pagharap ko sa kabilang direksyon para akong tinakasan ng lakas at dugo nang makita ko ang kakaibang nilalang sa harapan ko. Hindi na ako nakakilos sa puwesto ko at nakatitig sa mga misteryoso niyang mga asul na mga mata. Ang mapuputi niyang palahibo, ang kulay itim niyang tenga, ang matutulis niyang kuko sa mga paa at ang matigas niyang katawan na pwedeng dumamba sa ‘kin para atakihin. Iba siya sa mga umatake sa amin noon ngunit alam kong hindi siya naiiba sa mga ‘yon. Kaharap ko ngayon ang sinasabi nilang white wolf.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD