Chapter 5

1077 Words
Chapter 5 NAPASINGHAP ako nang magising ako sa isang masamang at pamilyar na panaginip. Taas-baba ang dibdib ko at nanatili pa rin akong nakahiga sa munting kama ko sa silid na ibinigay sa ‘kin ni Nikita. Kung dati pahapyaw ang napapaginip ko sa nakaraan, hindi gaanong malinaw ngunit na malapit ako sa mismong mansyon kung saan nag-umpisa ang lahat mas malinaw pa siya sa dalisay na tubig kung paano ko siya nakita at animoy mas totoo na akala ko’y naroon pa rin ako sa pangyayari. ‘Nakaraan na lamang ang lahat, Sia, wala na sila ngayon kaya wala ka nang dapat ipag-alala,’ pagkukumbinsi ko sa sarili ko pero kahit anong positibo kong isipin iba ang nararamdaman ko sa gusto kong mangyari. Bumangon at naupo na ako sa kama, unang humarap sa ‘kin ang makapal na kurtina sa bintanang nakasara, lahat ng bintana’y nakasara, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung tinatamad ba akong buksan o natatakot lang ako sa maari kong makita sa dilim. Nakatabi lang sa tabi ng nightstand ang maleta ko at nakapatong naman sa dulo ng kama ko ang canvas bag na ginagamit ko. May maliit na kabinet sa tapat ng kama, sa kanan nito ang banyo ko at sa sa kaliwa naman ang munting study table. Wala naman masyadong kakaiba sa silid kumpara sa iba na halos mas maayos pa kesa rito ngunit mas pinili ko ‘to kesa umakyat sa taas. Sinuot ko na muna ang boho cardigan ko para maitago ang navy blue duster ko na below the knee ang haba, tinali ko lang basta ang buhok ko at lumabas na ng silid. Sa kanan ang silid nila Nikita at sa tapat naman ang kay Dario. Maliit na pasilyo patungo sa sala para makarating ka sa kusina. Habang naglalakad ako, natanaw ko sa bukas na pinto ang papalubog na araw at agad ako na nag-iwas muli na naman ako dinapuan ng kakaibang kaba. Wala pa ako sa pinto nang naririnig ko na ang mga pinggan at ingay ng boses ni Dario sa loob ng dining area. Nang makapasok ako hindi lang si Nikita at Dario ang naroon pati na rin ang isang matandang lalaki. Matangkad ito ngunit mas matangkad si Dario sa kanya na para bang matandang bersyon ng binata. “Andyan na pala ang senyorita,” masaya siyang bati, “ako nga pala si Ryan po ang asawa ni Nikita at ama ni Dario, mang Ryan na lang po,” pakilala niya.” “Sia na lang po, mang Ryan,” sabi ko sa kanya. Nakasuot siya ng long sleeve na red, nakailalim ang bahagyang maruming puting shirt at tattered jeans na pinarisan ng farm boots na natuyuan na ng mga putik galing sa labas. Makapal ang bigote niya na may ilang puti na rin at pati na rin sa buhok niya ngunit makisig ang katawan niya kahit pa may katandaan na. Nagtutulungan silang tatlo na mag-ayos para sa hapunan sa lamesang bilog, may nakahandang mga sariwang prutas, bagong lutong ham, roasted na native chicken dahil sa liit nito, vegetable salad at freshly baked na tinapay. “Halika na, Sia, naku ang daming hinanda ni mama na pagkain para sa ‘yo minsan lang naman kasi---aray! Ano ba, ma?” Hinimas-himas niya ang hinampasang braso sa kanya ni Nikita at saka ngumiti sa ‘kin ang ina niya. “Baka mawalan ng gana sa ‘yo si Sia kaya ‘wag ka nang maingay, halika na at sumabay ka na sa amin,” pagyayaya niya. Kahit pa paano gumagaan ang loob ko sa pamilya nila kahit pa ito ang una naming pagkikita, “salamat po,” saka na rin ako naupo sa tabi ni Dario, si Nikita ang naghain ng pagkain para sa ‘kin kaya nagpasalamat na rin ako. Ngayon na lang uli ako may nakasabay sa hapag-kainan simula nong nawala si tita, kahit pa paano hindi ako nag-iisa pero alam kong panandalian lamang ito. “Gusto mo bang sumama sa ‘kin mamaya?” Biglang tanong ni Dario habang may subo pang gulay sa bibig niya habang nagsasalita. “Hindi niya kailangan at magpapahinga pa siya sa susunod mo na lang siya yayain,” saway ni Nikita. “Bakit ano bang meron?” Tanong ko. “Sa buong week sa Caroline Province may pyestang nabuo noon, pyesta tungkol sa white wolf…” Natigilan ako at nabitawan ang hawak kong kutsara saka biglang nag-iba ang paligid sa kwento ni Dario. “Kasi simula noon naging tagapagtungkol siya ng probinsya na ‘to at sinugpo ang mga masasamang wolves na sinasabi nila. Simula nu’n wala nang gulo, mga biglang nawawalang dalaga o namamatay dahil hanggang ngayon nagbabantay pa rin sila sa paligid, kaya bilang pasasalamat sa kanila every first week ng November nagkakaroon ng pyesta para sa kanila,” paliwanag niya na para bang walang masamang nangyari sa pamilya ko. “Tumigil ka na nga,” tahimik na saway ni mang Ryan sa anak niya. Napasulyap ako sa kanilang mag-asawa at naroon na naman ang awa o lungkot sa mga mata nila habang nakatitig sa ‘kin. Para bang nababasa nila kung anong ibig sabihin ng mukha ko. “Opseyyyy,” saka tumahimik si Dario, “sorry, Sia.” Para bang may bumara sa lalamunan ko kaya inabot ko ang baso ng iced tea ngunit dahil sa kaba natabig ko ito, “naku sorry po.” “Hindi, ako na,” sabi ni Nikita at nagmadaling kumuha ng pamunas na basahan. Natapos ang hapunan dahil do’n, tinulungan ko na lamang si Nikita na magligpit ng pinagkainan namin kahit ayaw niya’y pinilit ko siya at ayoko rin magmukhang senyorita katulad ng sinabi ng asawa niya. Pagkatapos ko’y lumabas na lamang ako ng dining area at nakita kong naghahanda sa sala si Dario na agad niya naman akong napansin. Ngumisi siya, “sorry kanina, kamuntik ko nang makalimutan.” “Ayos lang, hindi ninyo namn kailangan mag-adjust para sa ‘kin,” huminga ako ng malalim, “aalis ka na ba?” “Oo,” mabilis niyang sagot. “Sasama ako.” Nagulat siya sa sinabi ko nang manlaki ang mga mata niya, “sigurado ka ba dyan? Gabi na at saka baka…” hindi niya tinuloy. Kung hindi ko kakaharapin ang takot ko baka nga habang buhay na akong nagtatago dahil sa takot ko simula sa nakaraang, umiling ako, “arte ko lang yong kanina, gusto kong sumama at malaman kung ano bang klaseng pyesta ang pinagmamalaki ng Caroline ngayon.” Tumango-tango siya ngunit nag-aalangan pa rin, “sige, kung yan ang gusto mo. Halika na at baka ma-traffic pa tayo papuntang bayan sa malamang nag-uumpisa na ‘yon ngayon. Basta kung sakaling sumama ang pakiramdam ko o ayaw mong ituloy maari naman tayong umuwi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD