Chapter 59 HINDI ako sigurado kung anong makikita mo sa loob sa oras na sumama at pumasok ako sa lumang abandonadong gusali na yon, naglaan sila ng daan para sa ‘kin saka ako sumunod kila Nikita nang mauna sila sa pagpasok, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, nakakamangha, nakakalula sa oras na makapasok at makatapak ako sa marble floor ng animoy temple, muli akong napalingon sa pinasukan kong pinto na ngayo’y itsurang double door na ito na gawa sa matibay na mahogany wood, napupuno ng magagarang kagamitan na mala pang palasyo at mga salaming bintana, kung kanina’y gabi nang pumasok ako mula sa bintana matatanaw na umagang-umaga habang winter ang klima sa puti ng nyebeng nasa labas. Dahan-dahan lumalaki na para bang buhay ang mga bulaklak na asul sa mga vase at may ilang p

