Chapter 65
UMAGANG-UMAGA pero nakahilata kami sa kama habang natutulog siya, nakaidlap din ako sandal ngunit nang makaramdam ako ng gutom agad na akong tumayo, agad lang akong humagilap ng masusuot kong damit at agad kong nakuha ang malaki niyang long sleeve turtleneck na puti, tunipi ko ang sleeve nito na lumabas ang kamay at makahinga ako ng maayos sa may leeg. Lumabas na ako ng silid at hinayaan na lamang siyang magpahinga pa roon saka ako dumiretso ng kusina ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko roon.
Naapatras ako ng bahagya at nagtama ang mga mata namin nang tanggalin niya ang takip na hood sa ulo niya. Hindi ko alam ngunit bigla akong kinabahan lalo na ang seryoso niyang mukha, para gusto kong magtago kahit ilang saglit na para bang kailangan kong magpaliwanag sa kanya, para bang napakabigat ng kasalanan ko kung paano niya ako tignan.
Pero…napakalaki nga ng kasalanan ko sa kanila.
Nakaupo siya sa dulo ng lamesa habang nakadikwatro na upo.
“Kumusta na ang pamangkin ko?” Sarkastiko niyang tanong.
Napalunok ako at hindi alam gagawin, “susunduin mo na ba ako? Willing akong sumama, huwag mo lang silang sasaktan, sana wala nang gulo.”
Naningkit ang mga mata niya, “naalala mo na ba kung sino ang nagpa-umpisa ng gulo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo o sadyang nabubulak ka lang dahil sa pagmamahal sa kanya, hindi rin naman siya ang nakatakda para sa ‘yo, alam mo ba iyon?” Malambing ang tono niya ngunit seryoso ang mukha niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko at kung paano ko didipensahan ang sarili ko.
“Ayoko na nang gulo, tita,” pagmamakaawa ko sa kanya, “sasama ako ng walang gulo.”
Umiling siya, “hahayaan kitang manatili rito, Euphrasia Benjamin,” saka siya bumaba sa lamesa at dahan-dahan lumapit sa ‘kin.
Ang akala ko kung anong gagawin niya nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat ko saka siya bumaba sa ‘kin para pumantay sa tenga ko. Hindi ko inaasahan ang binulong niya sa ‘kin na siyang nagpagulat ng pagkatao ko.
Nang magising si Kalen, sabay na kaming kumain at nagkunwaring parang walang nangyari. Pinagsilbihan ko siya hangga’t kaya ko kahit pa kanina pa may bumabagabag sa dibdib ko, pinapakita ko lang na masaya ako sa bawat ngiti na binibigay ko sa kanya para hindi na siya mag-aalala sa ‘kin.
Totoo nga at hindi kami pwedeng magsama sa mundong ‘to, “Kal.”
Tawag ko sa kanya kaya agad naman niya akong pinansin nang kakaubos pa lamang niya ng isang basong tubig, ang aliwalas ng mukha niya na para bang wala siyang pinoproblema, masaya ang gising niya.
“Bakit?” Tanong niya sa ‘kin. Even though his not showing his smile nararamdaman kong masaya siya at ayaw kong masira iyon.
Naikuyom ko ang dalawa kong kamay sa ibaba ng lamesa habang nakapatong sa lap ko, “minsan ba naisip mo na hindi tayo kabilang sa kanya? Na normal lang tayong mga tao, magkakasalubong pa ba ang landas natin?”
Sandal siyang natahimik at siguro’y nag-iisip siya ng isasagot niya.
“Hindi ako sigurado, Sia, pero kung ako ang papapiliin at kontrolado ko ang tadhana, pipiliin kita kahit anong mangyari para lang magtagpo ang landas natin, lalaban ako, alam ko hindi ako perpektong nilalang at asawa pero gagawin ko ang lahat para makapantay sa lalaking gusto mo,” he said with his serene voice.
I think that’s the sweetest think than I love you.
Bakit ngayon ko lang narinig sa kanya ang mga ito? Napangiti ako, hindi na nagsalita pa, tumayo ako at lumapit sa kanya, natawa na lang ako.
“Wala naman akong standard sa lalaki, ikaw ang standard,” saka ko kinuha ang mga kamay niya at naupo sa lap niya, agad niya akong yinakap sa bewang at itinago ang mukha niya sa may dibdib ko, yinakap ko siya at we stayed that for a while.
Pagkatapos naming kumain agad siyang bumalik sa silid namin para magbihis habang naiwan ako sa kusina, nanginginig ang isa kong kamay habang hawak-hawak ko ang punyal na inabot sa ‘kin ni tita, hindi ko maatim na kailangan ko ‘tong gawin para hindi na siya madamay, para matahimik na sila, mas magandang wala na nga kaming koneksyon kung ito ang paraan para iligtas siya, ito ang gagawin ko. Huminga ako ng malalim saka ako naglakad patungo sa kusina habang nakatago sa likod ko ang punyal.
Nakabukas ang pinto kaya hindi na ako nahirapan saka ako pumesto ang likuran niya, parang mas gusto ko pang saktan ang sarili ko kesa ang saktan siya, nabigla ako nang humarap siya sa ‘kin na para bang nagtataka.
“Ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka?”
Napaatras ako nang bigla siyang lalapit, nanginginig ako sa hina hanggang sa mabitawan at malaglag ko ang punyal na hawak ko, parehas kaming napasulyap sa sahig at saka kami nagkatitigan. Gulat na gulat siya at hindi ko alam kung anong maari niyang gawin.
Hindi na ako makahinga sa sobrang kalabog ng dibdib ko.
“Patawad,” gusto kong maiyak ngunit pinipigilan ko ang sarili kong maging emosyunal, “patawad, Kalen, pero hindi ko gustong makasama ka habang buhay.”
Nabigla siya sa sinabi ko at ito na ata ang pinakamasakit na nagawa ko nang makita kong nasasaktan siya dahil sa ‘kin.
“Naawa lang ako sa ‘yo, pero hindi kita mahal, gusto kong makuha ang trono sa Templar para gawin ito---” magsasalita pa sana ako nang maging visible ang pilak na linya kung saan magkakabit ang koneksyon namin, unti-unti itong naging itim saka dahan-dahan naging abo hanggang sa maputol ito sa gitna.
“Kal?” saka ako tinignan siya sa mga mata.
Hindi ko na mabasa ang emosyon niya, “sapat na iyon para mawala ang koneksyon natin, Euphrasia,” kasing lamig ng nyebe kung paano niya bigkasin ang pangalan ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, napako ako sa kinatatayuan ko, ganu’n lang kadali?
NAKITA ko na lang ang sarili ko na tumakbo palayo, hindi ko nga alam kung paano ko nakayanan na tumakbo palayo sa kanya? Lumalabo ang paningin ko dahil sa ‘king mga luha, hindi niya ako nagawang habulin pero hindi ko gugustuhin na magpakita pa sa kanya, hindi ko akalain na mangyayari sa amin ito, hindi ko akalain na mangyayari sa ‘kin ito. Totoo nga na pagkatapos ng saya may kapalit na kalungkutan pero sa ‘kin mas mabagsik na sakit aking nararanasan?
Bumagsak ako paupo sa lupa nang hindi ko na magawang tumakbo, habang humahagulgol ako roon may kamay na yumakap sa ‘kin.
“Shhh, tahan na, Sia,” bulong niya habang nagpapatahan si tita Tabitha sa ‘kin, paulit-ulit lang niya akong hinahaplos sa buhok ngunit hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko.