Chapter 24 MULI niyang binalik ang babae sa pagkakahiga at inalalayan na makatayo. Isang malakas na palakpakan na naman ang ibinigay sa kanya ng mga manonood. Saka siya ngumiti sa lahat na para bang mapupunit ang labi niya, sumagi siya sandali sa pagsulyap sa puwesto ko, hindi ako sigurado kung nakita ba niya ako at muli siyang bumalik sa ginagawa niya. Pumasok ang babae sa loob ng kurtina at muling lumabas para ilagay ang maliit na lamesa sa gitna nito saka bumalik sa loob para iwan sa stage ang lalaking magician. Napasinghap sa gulat ang lahat nang mabitawan niya ang baston sa stage, naningkit ang mga mata ko nang mapansin kong para siyang umaakto ng baliw, pilit niyang hinuhubad ang tall hat niya ngunit hindi niya matanggal-tanggal. Nahila niya ito, naibato niya sa lamesa patayo at n

