I've never felt this kind of happiness before. Pakiramdam ko buong-buo na ang pagkatao ko. Buo ang pamilya ko at kasama ko ang babaeng mahal ko. Nandyan ang Daddy at Mommy ko na sinusuportahan ako sa lahat ng ginagawa ko. Katulong ko na kasi silang dalawa sa mga negosyong pinamana sa akin ni Daddy. Kaya naman nakakapagrelax na ako. Masayang-masaya ako dahil malaya na ako sa nakaraan. Si L naman ayun hindi pa rin nakakamove on kay tisay. Parang nag-aabang lang ng pagkakataon makaagaw. Just kidding. Balita ko may nililigawan na siya sa school and I'm happy for him atleast hindi na siya balakid sa landas ko. Si Sky nalang ang babantayan ko. Lol (Bakit ako nasali dyan?--->Sky) Yung kambal hindi ko na sila imemention, extra lang naman kasi sila. (Pag-iisipan pa ni Langit kung gagawan din

