I can't believe what he is doing right now. Tinitigan niya kasi ng masama ang lahat ng lalaking napapatingin sa akin. Para siyang lalamon ng tao sa paraan ng pagtingin niya sa mga lalaking kanina pa nakatingin sa table namin. I know they are all staring at me. Mapababae man o lalaki napapatingin. Hindi ko naman sinasadyang maging daring at center of attraction tonight. Gusto ko lang naman maging hot and sexy sa harap ng halimaw na ito para mas lalo siyang mainlove sa akin. Oo nangyari nga ang gusto ko, halos bumaha nga ng laway sa mansyon namin dahil sa kanya. Pero syempre joke lang iyon. Laglag panga lang naman siya kanina ng makita niya ako. Hindi ko inakala na ganun magiging reaksyon niya. Natatawa ako dahil halos lumawa ang mga eyeballs niya. Pakiramdam ko nga iba na naman tumatakbo

