Kanina pa ako nakatunganga sa harap ng walk-in closet ko. Hindi ko alam kung anong isusuot kong damit para sa first date namin ni Lei. Nagkalat na nga ang napakaraming damit sa ibabaw ng kama pati sa sahig ay meron din. Hindi ko talaga alam kung ano isusuot ko. Ngayon lang ako naconscious sa pagpili ng isusuot kong damit dahil medyo tumaba ako. Halata na rin kasi ang maliit na umbok ng tummy ko. Nagkakahugis na kasi si baby. Mag tatatlong buwan na kasi siya kaya medyo nahahalata na rin. Hindi ko naman ito ikinakahiya, kaya lang hindi pa rin ako sanay na ganito na ang katawan ko. Ang hirap pala magbuntis. Mas maselan na ako sa pagkain ngayon, kapag may gusto akong kainin dapat nasa harap ko na talaga dahil kapag hindi ako napagbigyan ay magwawala at iiyak talaga ako. Kawawa nga si Lu

