EPHRAIM leave Zacheuss and went to Romania. Masama kasi ang pakiramdam niya at nag-aalala siya para sa mga magulang ni Zacheuss. Hindi niya gustong pumunta si Zacheuss sa Romania kaya kailangan niya itong patulugin. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para makatulog ito ng mahimbing pero paggising nito, maaalala na nito ang lahat tungkol sa kabataan nito. Lumabas si Ephraim sa portal pero kaagad siyang naglaho nang makita ang ilang Balck Vampires sa paligid ng palasyo. Nagtaka siya. Anong nangyari? Bakit may mga Black Vampires rito? Pinakiramdaman ni Ephraim ang buong paligid. Hindi niya maramdaman ang presensiya ni Alliah at Vladimir kaya alam niyang wala ang mga ito sa palasyo. Hinawakan niya ang puno na nasa tabi niya. She's a Forest Nymph so she has the ability to communicate with tr

