PAGBABA NI Zacheuss sa private plane, nakita niya kagaad si Zayden na nakasandal sa bumper sa kotse nito. Nang makita siya nito, tumayo ito ng tuwid at kinawayan siya. Naglakad siya palapit sa pinsan niya. "I really can't believe that you came here." Sabi ni Zayden. Pekeng ngumiti si Zacheuss. "I'm here for my wife." "Ah?" Nagtaka si Zayden. "Si Ephraim? What happened?" Tanong niya pa. Hindi sumagot si Zacheuss at binuksan ang pinto ng backseat. Inilagay niya roon ang bag niya saka niya binuksan ang pinto ng passenger seat at pumasok, leaving Zayden behind. Napailing na lang si Zayden pero nawala ang ngiti niya nang may ma-realize siya. Zacheuss told him that he's here for his wife. That mean Ephraim is here in Romania. Napabuntong hininga siya. Kailangan niyang ihanda ang sarili dahi

