Minsan Pa AiTenshi Part 25 Araw ng sabado, nag-ayos kami ni Joem ng mga gamit sa bahay. Bumili kami ng kaunting sako ng semento para ilagay sa sahig namin. Kapag umuulan kasi ay nababasa ang lupa at nagpuputik sa loob kaya't pati kami ay nadudumihan. Habang hinahakot namin palabas ang aming mga gamit ay hindi sinasadya na nabuklat ni Joem ang isang lumang bag, ito ang bag na dala ko noon sa kulungan, hindi ko na ito binuksan pa dahil halos nilimot ko na rin ang mga laman nito. Pero dahil literal na mausisa ang aking kasintahan ay binuksan niya ang bag at dito ay tumambad sa kanya ang aking mga lumang damit, nandoon rin ang uniporme ko sa pagiging preso. Mga biblya, rosaryo, mga libro at mga ala-ala ng aking mga kaibigan. Ngunit lahat ng nasa bag na iyon ay nakapukaw sa kanyang pansin a