Chapter 2

1077 Words
II Sumulyap mula sa labas ng bintana ng kotse si Grace nang ihinto ni Nathan ang kotse nito sa labas ng presinto, kinabahan siya at napaisip kong bakit siya roon dinala ng detective. Muli siyang tumingin kay Nathan at ngumiti ng tipid. “Anong ginagawa natin dito sa trabaho mo?” Pinapakita niya sa binata na kalmado siya pero pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso niya. Nginisihan naman siya ng binata animoy nababasa kong anong kinikilos at iniisip niya. “Bumaba ka na lang at sumunod sa akin sa loob, sasabihin ko sayo pag-nasa loob na tayo,” saka na unang bumaba ng kotse si Nathan. Lalong kinabahan si Grace, “siguro naman hindi niya ako ikukulong dito diba,” bulong niya sa kanyang sarili sabay hawak sa dibdib na animoy pinapakalma ang sarili at sumunod naman siya sa pagbaba sa binata. Nakasunod lang siya likuran ng binata habang palinga-linga sa paligid. Pumasok sila sa isang silid sa pinakadulong pintuan ng pasilyong nilalakaran nila, pagkapasok nila roon, isang binata lamang ang naghihintay sa kanila na mas matangkad pa ng kaunti kay Nathan, tanging lamesang metal at apat na upuan lamang ang laman ng silid. Humarap si Nathan kay Grace, “siya si Austin, nagtatrabaho siya bilang miyembro ng forensic team, Austin siya naman ang kapatid ko si Grace.” Pakilala ni Nathan sa dalawa. Hindi naman masyadong pinansin ni Grace ang binatang si Austin dahil sa kaba niya at sila’y nag-si upo. “So anong gagawin natin dito?” Tanong ni Grace sa dalawa niyang kasama. Kinuha ni Nathan ang folder na hawak ni Austin at inabot naman kay Grace, binigyan naman ng dalaga ang dalawa ng tingin na may halong pagtataka kong para saan ‘yon na siya namang naintindihan ni Nathan. “Basahin mo at ipapaliwanag ko sayo kong para saan yan,” kalmadong saad ni Nathan. Huminga ng malalim si Grace at tinuon ang pansin sa hawak na folder saka niya ito binuksan. Bumungad sa kanya ang mga magkakaibang litrato, ang una ay isang babae at lalaki na mukhang magkasintahan, kuha ito sa labas ng isang malaki at magarang mansyon, animoy masaya at walang problema sa lawak ng mga ngiti nito. Ang isa naman ay isang binatang nakasimangot at seryoso sa buhay, nakasuot ito ng corporate attire, malayo sa binatang nakita niya sa unang litrato kahit iisa lamang ito, ang mga sumunod naman ay litrato ng isang silid na gulong-gulo, may mga litratong kuha sa isang banyo at ang pang huli na siyang kinagulat ni Grace at bitawan niya dahil isang bangkay na wak-wak ang bibig ng isang dalaga na halos hindi na makilala. “Ano ba yan?” Bulong niya na lalong nagpakaba sa kanya dahil sa kakaibang kilabot na naramdaman niya, hindi na niya muli pang tinignan ang mga litrato. “Ang magkasintahan sila Jude Santillan at Odessa Reyes, isang taon ang nakalipas ng bilhin ng binata na si Jude ang Gray House, isang linggo lang ang nakakalipas nang mangyari ang krimen, pinatay ang kasintahan niyang si Odessa sa mismong loob ng bahay nila na hanggang ngayon ay hindi alam kong sino ang suspek.” “Sabi sa imbestigasyun walang nangyaring pangloloob sa bahay, lasing din ng gabing ‘yon si Jude, kaya siya ang naging number suspek sa nangyari pero sa tuwing tatanungin namin siya tungkol sa nangyari nong gabing ‘yon sinasabi niyang nagkaroon sila ng alitan at hanggang doon na lang ang naalala niya, wala nang iba.” “Naikayat ang kaso na ito sa korti, kinasuhan siya ng magulang ng kasintahan niya pero walang nangyari, mayaman ang pamilya ni Jude kaya naipasara nila agad ang kaso na ga’nun kadali, hanggang ngayon humihingi pa rin ng hustisya ang pamilya ni Odessa,” kwento at paliwanag ni Nathan kay Grace na nakatulala lang sa kinauupuan. “Kong ga’nun paano ako nasali dito?” Pagtataka ni Grace. “Pagkatapos ng pangyayare at maisara ang kaso, biglang nawala si Jude, hindi siya lumabas ng bansa at mukhang nagtago lang para makaiwas sa nangyari, nalaman naming babalik siya sa Gray House, hindi namin alam kong bakit, kaya hangga’t hindi namin nalalaman kong sino ang tunay na may gawa nito, si Jude ang suspek namin, naghahanap din siya ng bagong magiging housekeeper ng bahay, ikaw ang magiging housekeeper niya, mas marangal ang trabahong ito at matutulungan mo pa kaming malaman ang sagot,” paliwanag naman ni Austin. Nagulat si Grace at napasulyap kay Nathan na wala man lang balak ibahin ang sinabi ni Austin, “teka totoo ba ‘to?” Tumango-tango naman si Nathan, “ipapaliwanag ko pa sayo kong ano pa ang kailangan mong gawin.” “Teka hindi pa ako um-oo sa balak ninyo!” Aniya ni Grace pero ni hindi man lang siya pinansin ng dalawa. *** Pabaling-baling ang ulo ni Jude sa kanyang unan habang ang isang kamay naman niya ay mahigpit na hawak ang dulo nito, pawisan siya at hindi maipinta ang mukha niya dahil sa kanyang panaginip sa mga oras na ‘yon. Nakikita niya ang kanyang kasintahan na naliligo sa sarili nitong dugo sa isang bathtub, pulang-pula at punong-puno, “Dessa,” bulong niya habang tinatawag niya ito sa kanyang panaginip. Pilit na nilalapitan kaso hindi niya magawa, para itong lumalayu sa kanya kahit na anong lapit niya sa bangkay ng kasintahan, “Dessa!” Sigaw niya pangalan nito hanggang sa magising siya sa paulit-ulit na bangungot na dumadalaw sa kanya sa tuwing matutulog siya. Bumungad sa kanya ang madilim niyang silid, malamig ang pawis niya at hingal na hingal. Sinapo niya mukha bago siya umupo sa kama at inalis ang kumot na nagtatakip sa katawan niya. Tanging pajama’ng suot lamang ang suot niya sa tuwing natutulog pero nagising siyang pawis na pawis. Kinapa niya ang switch ng lampshade saka niya ito binuksan para magkaroon ng ilaw sa silid niya. Isang taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin siyang nilulubayan ang masamang panaginip na nangyari sa kanila noong gabing ‘yon, lalo na sa kanya dahil doon, marami siyang pinagdaanan dahil sa pangyayare ‘yon. Wala pa rin siyang maalala nang gabing ‘yon kahit na anong gawin niya. Pinagmasdan niya ang orasan na nasa ibabaw ng nightstand, makikita sa orasan na ika-anim na ng umaga kaya agad na siyang bumangon, lumapit siya sa kurtina ng bintana at buksan ito para silipin ang nasa labas, nag-aagaw ang liwanag at dilim mula sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD