Chapter 1

1183 Words
Sa loob ng isang silid nakahiga si Jude sa gitna ng napakakalat na silid nila ng kanyang kasintahan, dumudugo ang likurang bahagi ng ulo niya na animoy hinampas ng matigas na bagay at ang walang malay niyang katawan ay nakahiga sa malamig at pulang-pulang likido. Isang minuto ang nakalipas nang umungol siya at bumaling-baling ang ulo niya, kosang dinala ng isang kamay niya sa ulo dahil sa sakit pa rin nito nang magising siya. Ramdam pa rin niya ang matinding sakit at ang katawan niya, nang idilat niya ang mga mata bahagya pang nanglalabo ang kanyang paningin. ‘Anong nangyari?’ Unang anong na pumasok sa kanyang isipan habang dahan-dahan siyang na uupo sa kanyang puwesto. Nilibot niya ang tingin sa buong paligid niya, takang-taka siya na gulo-gulo ang ayos ng silid ng kasintahan nila. Pilit niyang inaalala kong ano bang nangyari bago siya mawalan ng malay at bakit siya nasa sahig at nakahiga pero malabo ang alaalang ‘yon, kahit isa wala siyang maalala. Natigilan siya ng may makapa siya sa kinauupuan, mamasa-masa at malapot, nang lingunin niya kong ano ang bagay na ‘yon, gulat na gulat siya at agad na napatayo para lumayo sa dugong kinahihigaan niya kanina. Ang dugong ‘yon ay may pinang gagalingan, galing ito sa bukas na pinto ng banyo, nagmadali siyang lumapit sa bukana ng banyo kahit na iika-ika at halos umikot ang sikmura at masuka dahil sa kanyang nakikita, ang kanyang kasintahan ay naliligo sa sarili nitong dugo sa bathtub ng banyo, habang bukang-buka ang bibig nito na pinilit na pangangahin dahil sa punit ang magkabilang gilid ng labi nito. May mga sugat din ito sa iba’t ibang parte ng katawan at halatang pinahirapan ito bago pinatay. Nang hina sa kanyang nakita at napaluha sa kanyang nakikita, unti-unti siyang bumagsak sa sahig habang nanglulumong nakatingin sa kasintahan na ngayo’y wala nang buhay. Pinipilit niyang maalala kong ano ba talagang nangyari lalo na sa kanyang kasintahan, pero kahit na anong gawin niya ay wala talaga siyang maalala. *** Isang taon ang nakalipas… Tuwang-tuwa si Grace nang makuha na niya ang pera sa isang money changer, katas sa pagod at pangloloko niya sa ibang tao. Agad niyang nilagay sa wallet sa mismong loob ng bag ang sampung libong kinita niya sa kanyang sinasabing trabaho. Para sa kanya trabaho ang mangloko ng ibang tao, ginagamit niya ang ganda at talino para kumita. Naisip-isip din kasi niya na mapapakinabangan naman pala ang mga arabo at ibang taga-ibang bansang lalaki na mahilig makipagkilala sa mga hindi nila kilala sa internet, ito ang ginamit ni Grace para magkapera. Hihingi siya ng pera sa mga ito at kunwari’y makikipag video call at sex ito, pero pagnakuha na niya ang pera, buburahin niya ang account na nagawa niya sa social media, hindi mangyayari ang gusto ng mga ito pero nakuha naman niya ang kailangan niya at magpapalit ng bagong pangalan, hindi ginagamit ni Grace ang tunay niyang pangalan para rin sa kaligtasan niya, ganun siya katuso. Isa lang ang kasabihan niya sa buhay, ‘habang may manyakis sa mundo, magkakapera ang wallet niya.’ Ngingisi-ngisi siya habang naglalakad ng marinig niya ang pamilyar na boses sa kanyang likuran para mang laki ang mata niya sa gulat at pagkabigla. Agad siyang napaharap at napakapit sa shoulder bag na suot niya, pero agad niya itong binawi at ngumiti ng makita ang tumawag sa kanya. Huminto siya sa puwesto niya para makalapit ang binatang kakilala, “’o kumusta na Kuya Nathan ang tagal na nating hindi nagkita ah,” pagkukunwari niya kahit na hindi niya ito inaasahan na makikita ngayong araw. Hindi umimik si Nathan at pinagmamasdan siya nito ng seryoso. Tama lang ang tangkad ng dalaga at pangangatawan, may pantay na kulay siya at hugis pusong mukha na bumabagay sa kulot at mahaba niyang buhok na bahagyang nagiging kulay pula pag-na itatapat sa sinag ng araw, mahilig siya sa layer style na pananamit. Hindi niya tunay na kapatid ang binata pero noong nakaraang taon tumira siya sa bahay nito kaya para na ring magkapatid ang turingan nila lalo na’t malaki ang na itulong nito sa kanya noong walang-wala siya. “Saan ka na naman galing?” Tanong nito sa kanya. Minsanan na lang kasi siya umuwi sa bahay nito at baka mabuko siya sa mga pinaggagawa niya, kahit na alam nito kong ano ba talaga ang trabaho niya, pero ilang beses na siyang nagsabi sa binata na hindi na siya uulit at magbabago na, hindi pa rin siya nito hinuhuli dahil isang pulis at sikat na detective sa lugar nila si Nathan. Ngumiti muna siya, “naglalakad-lakad lang po ako Kuya Nathan may pupuntahan po kasi ako.” “Sigurado ka ba, bakit nakita kitang lumabas sa money changer?” Sabay turo sa money changer na pinang galingan niya. Napapikit na lamang siya at napalunok, ‘patay huli ako.’ Muli niyang dinilat ang mga mata at tumingin sa binata, “sinusundan mo ba ako Kuya Nathan? Grabe ka! Oo na kakakuha ko lang ng pera roon sa bago kong naloko, nakakainis naman, paano mo nalaman kong na saan ako ngayun?” Hinila ni Nathan si Grace sa gilid para hindi sila makaistorbo sa mga nagdaraan na tao sa sidewalk. “Hindi ako matatawag na detective kong simpleng paghahanap sayo eh hindi ko magawa, isa pa isang linggo ka nang hindi umuuwi sa apartment ko, may bago ka na bang lugar na pinagtataguan?” Tanong ng binata. Bigla tuloy naalala ni Grace kong bakit siya napunta kay Nathan noong nakaraang taon, dahil nagtatago siya, hindi siya umimik at hinayaan na pagalitan na naman siya ng binata. “Alam muna naman na hindi pa rin tayo nakaksigurong hindi ka na nila hinahanap, paano kong makita ka nila? Anong gagawin mo, hindi mo alam diba? Kasi wala ako roon, isa pa itigil muna yang ginagawa mo, delikado rin yan, maaring yan din ang maglagay sayo sa kapahamakan mo.” Pagsesermon ni Nathan sa kanya na tandang-tanda na niya dahil sa ilang beses na niya itong narinig sa binata. “Sorry naman Kuya Nathan,” mga salitang ilang beses na niyang sinabi sa binata. Sasagot na sana si Nathan sa dalaga ng tumunog ang cellphone niya sa bulsa, kinuha niya ang cellphone at sinulyapan kong sino ang nakarehistro sa screen, tumingin na muna siya sa dalaga bago niya sagutin ang tawag. “Hello… Talaga, bumalik na siya? Kailan pa… Ah siguraduhin ninyo yan, sige papunta na ako dyan… Ano ah oo na, ako nang bahala dyan,” sabay baba ng cellphone at binalik sa bulsa. Biglang napaisip si Nathan at tinitigan muli si Grace, “sa tingin ko kailangan mo nang magbago Grace. Pati ang trabaho mo, sa tingin ko bagay ka dito sa ibibigay ko.” Walang ka ide-ideya ang dalaga kong ano ba ang sinasabi ng binata, “baka kalokohan yan Kuya wag mo akong idadamay, sabi mo magbago na ako,” biro niya sa binata. Sinamaan siya nito ng tingin kaya nag-peace sign siya sa binata at sabay ngiti ng nakakaloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD