Chapter 1
ISANG buntonghininga ang pinakawalan ni Angela bago kinalabit ang gatilyo ng kaniyang sniper riffle. Ngunit bago tumama ang bala niya sa target ay may nauna na rito, kaya ang kaniyang bala ay ang tao sa likod ng target ang nasapol.
“Sh*t!” usal niya. Nagbukas kaagad siya ng contact sa kaniyang backup. “I failed to kill the target. Someone shoot him first,” sabi niya sa kausap.
“Back off. The security blocked the entrance and exit doors! You need to go now. I’ll pick you up in front of the hotel. Hurry up!” sabi naman ang kaniyang backup.
Kumilos na siya at hindi na pinagkaabalahang kalasin ang kaniyang armas. Binalot niya ito ng itim na tela at tumakbo paakyat sa rooftop. Sa likuran ng walong palapag na gusali ay nakaparada ang truck ng basura. Doon niya inihagis ang baril. Nakaabang din doon ang lubid na ikinabit niya at doon siya dumaan pababa.
Kumalat na ang security personnel ng hotel kaya hindi siya natuloy sa ibaba. Naghanap siya ng kuwarto na nakabukas ang bintana at doon pumasok. Mabilisan siyang nagbihis gamit ang damit na naroon sa kama. May tao sa banyo, malamang ay naliligo.
Nagsuot siya ng pulang dress at ang hinubad niyang damit ay itinapon sa basurahan, maging ang suot niyang gloves. Nag-spray siya ng kimikal sa mga ito upang mabura lahat ng fingerprints.
Inilugay niya ang kaniyang buhok at naglagay ng makeup upang magmukha siyang desente. Lumabas siya ng kuwarto at naglakad sa pasilyo na tila walang nangyari. Dumaan pa siya sa ballroom hall kung saan ang target niya. Nagkagulo na roon.
Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit binunggo siya ng lalaking naka-suit at tumatakbo.
“Sorry!” sabi ng lalaki at napahinto pa upang titigan siya.
Nakipagtitigan siya rito nang ilang sandali, and he looks familiar. Matangkad ito, guwapo, matikas, at ang lakas ng dating sa kan’ya. He looked neat with clean-cut hair, and his eyes had attractive light brown eyeballs. Ang tangos ng ilong nitong makitid, bumagay sa katamtamang nipis at mapulang mga labi nito.
Mayamaya ay iniwan din siya nito nang makalabas ng ballroom ang dalawang taong namatay, isa na roon ang target niya na pinatay ng ibang assassin. Nilapitan ng lalaki ang isang namatay, iyong target niya sana.
“Dad!” sigaw ng lalaki.
Natigilan siya. Ama pala nito ang target niya!
“Angela? Where are you?” tanong ng backup niya buhat sa kanilang linya.
Nakakabit pa rin sa tainga niya ang device. Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad.
“Palabas na ako ng hotel,” sabi niya.
Nilubos niya ang pagkakataon na busy ang mga tao at sumabay sa paglabas. Ayaw siyang palabasin ng security pero naisahan niya. Habang may iba itong kausap ay sumalisi na siya at mabilis na sumakay sa kotse ng kaniyang kasama.
“Where’s your gun?” tanong ni JK. Ito na rin ang nagmamaneho ng kotse.
“Naihulog ko sa truck ng basura.”
“Sira ka ba?”
“Huwag kang mag-alala, may kukuha no’n.”
“Sino?”
“Ang tao ni Mr. Lim na nagpanggap na basurero. May ibang misyon sila.”
Napailing si JK. “Nadagdagan ang trabaho natin. We need to find the assassin who bypassed our mission.”
“Ikaw na ang bahala roon. Kailangan kong bumalik ng Japan dahil ooperahan si Mama.”
“Paano ang bayad sa misyon mo?”
“Nakuha ko na ang downpayment. Hindi ko na hahabulin ang iba dahil ibang tao naman ang napatay ko.”
“Ibang klase ka talaga.”
“Ibaba mo ako sa convenience store,” pagkuwan ay sabi niya.
Inihinto naman ni JK ang kotse. Bumaba kaagad siya at lumulan naman ng taxi. Alas otso na ng gabi at dapat ay uuwi na siya sa apartment na tinutuluyan niya. Tumawag ang kakambal niya at inimbitahan siyang mag-dinner sa isang restaurant.
Pagdating sa restaurant na sinabi ng kapatid niya, nag-alangan siyang pumasok dahil maraming tao. She hates attention, it triggers her anti-social mind. Tumuloy pa rin siya nang mabasa ang mensahe ni Lyka. Naghihintay na ito sa private dinning room.
Napahinto siya sa bukan ang pintuan nang makita sa wakas ang kaniyang kapatid. It’s been twenty years since they separated. She doesn’t know how to feel. Hindi naman siya excited. Palibhasa hindi niya alam kung ano ang iba’t ibang uri ng emosyon. Ang alam lang niya’y ma-excite sa tuwing may papatayin.
Nang makita siya’y napatayo si Lyka. Inaasahan niya na iiyak ito, dahil iyakin talaga ito noong mga bata sila. Pero ngumiti lang ito.
“Come here, Angela! Huwag kang mailang,” sabi nito.
Humakbang naman siya palapit dito. Pansin niya na postorang-postora si Lyka, magara ang dress, maraming alahas sa katawan. Hindi nakapagtataka dahil sobrang yaman ng pamilyang umampon dito. Ibang-iba ang buhay nito sa kan’ya.
Nahanap siya ni Lyka sa Japan, kung saan nakatira ang pamilayang umampon sa kan’ya pero hindi sila nagkita nang personal. Ang nanay lang niya ang nakausap nito. Alam nito na pumapatay siya dahil sinabi niya. Hinila niya ang silyang katapat ni Lyka at umupo.
“Don’t tell me you just done killing,” amuse na sabi nito.
“I kill for a living. I can’t stop it until my family will have a lavish life,” malamig niyang sabi.
“Uh…. kinikilabutan ako. Anyway, sabi mo ooperahan na ang nanay mo. Kulang pa ang pera mo ‘di ba?”
Tumango siya. “Kailangan ko ng limang milyon para sa kidney transplant ng nanay ko. Marami pa kasing gamutan kaya kailangan may naka-ready na pera. Hindi sapat ang kinita ko ngayon dahil pumalpak ako.”
Tumawa nang pagak si Lyka. “Pumapalpak din pala ang assassin? Pero sige, ituloy natin ang napag-usapan natin last time I called you. Bibigyan kita ng limang milyon, pero siyempre, hindi lang pera ang makukuha mo. You will have a luxurious life and can claim the life I have. Puwede ka na mag-quit sa trabaho mo.”
May ideya na siya sa plano ni Lyka. Ikakasal na ito pero ayaw nito sa lalaki dahil may iba itong mahal.
“Ano’ng gagawin mo?” aniya.
“You will be my substitute. Lalayas ako at magsasama kami ng boyfriend ko sa London. Ikaw ang magiging ako. Tuturuan naman kita ng ga bagay-bagay na kailangan mong matutunan. Yayaman ka, Angela. Magkakaroon ka pa ng bilyonaryong asawa. Guwapo ‘yon, kaya lang, may pagkaarogante at easy-go-lucky. Kapag marami ka ng pera, hindi mo na kailangang pumatay para suportahan ang nanay mong may sakit at mga kapatid.”
Naiingganyo siya sa offer ni Lyka. Wala naman siyang pakialam sa buhay ng iba, ang mahalaga ay maka-survive ang pamilya niya. It sound selfish, but it’s not the reason why she chose to be an assassin, iyon ay ang pagbayarin ang taong pumatay sa biological parents nila ni Lyka. Naisip niya na mas mapadali ang paghahanap niya rito kung papasok siya sa assassin’s club.
“Gusto ko ang offer mo, Lyka, pero may goal ako,” aniya.
“Ano’ng goal naman? Paghihiganti pa rin ba? Diyos ko naman, Angela! Kalimutan mo na ang bagay na ‘yon.”
Hindi niya nagustuhanan ang sinabi nito at napukpok ng kamao ang lamesa. Napapiksi pa si Lyka.
“Ganoon lang ba kadali sa ‘yo ang kalimutan kung paano pinatay ang parents natin?” nanggagalaiting saad niya.
Nanubig na ang mga mata ni Lyka. “Siyempre, hindi. Pero may magagawa pa ba tayo? Wala tayong laban sa mga taong ‘yon. I hired the best investigator in the world, but they failed to find the murderer of our parents!”
“Money is not enough, Lyka.”
“Okay, naintindihan ko. Pero kung marami kang pera, mas madali ang lahat. You got that assassin skills, mas makapangyarihan ka kung may pera. Mapuprotektahan ka pa ng adoptive parents ko. Grab this opportunity, Angela. Pareho naman tayong magbi-benefits dito, eh.”
Hindi siya kumibo at napagtanto na tama si Lyka. Kailangan niya ng maraming pera upang mapadali ang pagkamit sa kaniyang goal.
“Sige, tatanggapin ko ang offer mo. Pero bago ‘yon, bigyan mo ako ng kompletong detalye tungkol sa taong pakakasalan ko at sa pamilya niya,” sabi niya.
Umaliwalas ang mukha ni Lyka. “Okay. Hahanapin ko ang picture ng fiance ko. Maimpluwensiya ang pamilya nila. Anak siya ng may-ari ng GGS Group at may sariling real estate developer. Ang pangalan niya ay Azrael Montel, thirty years old, engineer. Wala pala siyang naka-save na picture sa phone ko. Hindi bale, makikita mo rin siya nang personal,” anito.
“Bakit pala ayaw mo siyang pakasalan?” tanong niya.
“Kasi nga mahal ko ang boyfriend ko. Ayaw sa kan’ya ng parents ko kasi hindi businessman. College professor sa London ang boyfriend ko. Ayaw kong maghiwalay kami kaya sinabi ko na lalayas ako at sasama sa kan’ya. At hindi ko magagawa ‘yon na wala ang tulong mo. Identical twin tayo, kaya walang makahahalata na ibang tao ka. I’ll give you one month to train yourself for my role. Three months pa naman bago ang kasal kaya may panahon pa tayong magsanay. Pero ibibigay ko na ang limang milyong kailangan mo sa operasyon ng nanay mo.”
Wala na siyang choice kundi tanggapin ang alok ni Lyka. Wala na siyang oras dahil kailangan na maoperahan ang nanay niya.
“Payag ako,” walang alinlangan niyang sabi.
“Thanks, sis! Bukas ay magkita ulit tayo at ibibigay ko ang limang milyon. Kailan ka ba babalik ng Japan?”
“Bukas ng gabi ang flight ko.”
“Sige. Umaga tayo magkita. For now, mag-dinner muna tayo.”
Kumain na rin siya.
BUMALIK din sa Japan si Angela matapos matanggap ang pera mula kay Lyka. Naoperahan ang nanay niya pero marami pa ring gastusin. Namatay na ang adoptive father niya kaya wala nang tataguyod sa tatlo pang kapatid niya na nag-aaral. Malaki ang utang na loob niya sa nakalakihang magulang kaya hindi niya puwedeng pabayaan ang mga ito.
Japanese ang biological father niya at Filipino-American ang nanay. Japanese naman ang adoptive parents niya, at ang tatay ay kaibigan ng yumao niyang ama. She’s already twenty-six years old, at doon siya nag-aral sa Tokyo.
Hindi pa sana siya babalik sa Pilipinas pero tumawag si Lyka. Kauuwi lang niya ng bahay nang gabing iyon mula ospital.
“Ano’ng problema?” tanong niya sa kapatid.
“Angela, baka puwedeng balik ka na rito. Iyong tatay kasi ng fiance ko, namatay. Inoobliga ngayon ang kasal namin kasi biglang bumagsak ang stock ng company nila. Lalakas lang ito ulit once ikinasal si Azrael kasi magsasamaa ng stocks ng company namin. Magkakaroon ng family dinner sa Sunday, pero ayaw kong pumunta dahil tiyak na magkakaroon na ng close deal. Pleas, uwi ka muna rito.”
“Ano ba ang gagawin ko?”
“Magpanggap ka lang na ako. Magpakita ka muna sa fiance ko at sa pamilya niya. Aalis na kami ng boyfriend ko next month. Dapat ma-train na kita sa dapat mong gawin. Magbibigay ako ng isang milyon para dagdag gastusin ng pamilya mo. Magagamit mo naman lahat ng cards ko once napalitan mo na ako. You’re free to change some details.”
“Hanggang kailan ba ang pagpapanggap ko?”
“Uh…. as long as you want.”
“What do you mean?”
“Angela, I will leave my family for good. Hindi na ako babalik sa kanila kaya ibibigay ko na sa ‘yo ang buhay meron ako. It’s your chance to have a lavish life, masusuportahan mo ang pamilya mo na hindi kailangang kumitil ng buhay. It’s my way to save you from hell, too.”
Pagal siyang lumuklok ng couch at nag-isip nang maigi. Matagal na niyang gustong yumaman dahil alam niya’ng malaki ang tulong ng pera upang makabuo siya ng sariling assassin’s club na tutumba sa taong kumitil sa buhay ng mga magulang niya. Hindi na niya kailangang mangamuhan, tumanggap ng misyon mula sa abusadong boss.
“Magbo-book ako ng flight sa Saturday. Darating ako sa tamang oras,” pasya niya.
“Salamat, Sis! I owe you big time. I’ll send the money to your account right away. See you!”
Nang maputol ang linya ay pumasok siya sa kan’yang kuwarto at nag-impake ng gamit.
NA-DELAY ang flight ni Angela dahil sa masamang panahon. Linggo ng hapon na siya nakarating ng Pilipinas. Dumiretso siya sa condo ni Lyka. Hindi pa siya nakapagpahinga ay nagsanay na siya kung paano umarte bilang si Lyka.
“Ngumiti ka naman, ano ba! Para kang robot!” iritableng sita ni Lyka.
Ngumuti nga siya pero pilit. Sa dami ng pinatay niyang tao, nakalimutan na niya kung paano ngumiti. Nakaharap sila sa malaking salamin at inaayusan siya ni Lyka. Pinasuot siya nito ng light blue dress.
“Ilang oras na lang, magdi-dinner ka na kasama ng pamilya ko at ng fiance ko. Umayos ka nga!” anito.
“Huwag mo akong pilitin kung ayaw mong masira ang plano mo,” napipikon din niyang sabi.
“Sige na. Kalma ka lang. Alam mo na ang detalye tungkol sa parents ko maging ugali nila. Ang aralin mo na lang ay ugali ko.”
“I hate your attitude,” prangkang sabi niya.
“Hindi rin kita gusto, no! Para kang di-susi na manika na pumapatay. Kaloka ka. Hay!”
Hindi na siya kumibo.
Pagsapit ng gabi ay hinatid siya ni Lyka sa mansiyon ng parents nito. May communication device naman siyang suot sa tainga upang makontak si Lyka kung kinakailangan.
Sinalubong na siya ng magandang ginang sa may lobby, natataranta. “Saan ka ba nanggaling, Anak? Dumating na ang pamilya ng fiance mo!” bungad ng ginang.
“Sa condo,” tanging tugon niya.
“Oh, siya, nakabihis ka na pala. Doon na tayo sa garden. Naghihintay na ang mga bisita.”
Sumunod siya sa ginang sa hardin kung saan merong nakaayos na dining area. Naroon na ang daddy ni Lyka, kausap ang isang ginang at lalaking naka-suit, nakatalikod.
“Oh, narito na pala si Lyka,” sabi ng ginoo, daddy ni Lyka.
Iginiya siya ng ginang paupo sa silyang katapat ng mga bisita. Nag-angat siya nang mukha at napatitig sa binatang kaharap. Nagimbal siya nang mamukhaan ito. Kunot-noo ring nakatitig sa kan’ya ang lalaki.
Hindi siya maaring magkamali na ang fiance ni Lyka ay iyong lalaking nakabangga niya sa hotel sa Pasay, na siyang anak ng target niya!