“SIYA pala si Lyka? She looks familiar,” sabi ni Azrael.
“Maybe you already met her somewhere. Magala rin kasi ang anak ko,” ani Hellen, mommy ni Lyka.
“Ah, mukhang magkakasundo kami,” nakangiting wika ni Azrael.
“Let’s eat first!” apela naman ni Romel, ang daddy ni Lyka.
Naghari ang katahimikan nang ilang minuto. Pasimpleng inoobserbahan ni Angela ang kilos ng mga taong kasama niya. Sa kabilang linya naman ay panay ang turo sa kaniya ni Lyka kung paano makitungo sa parents nito. Nakikinig lang siya rito.
“Sanay na ang parents ko sa kamalditahan ko, pero magtataka sila kung sobrang tahimik ka. Alam mo naman kung paano ako kumilos ‘di ba? Ipakita mo sa kanila na hindi ka tutol sa pagpapakasal. May sakit si Daddy sa puso kaya mag-ingat ka sa pananalita mo. Si Mommy naman ay madaldal, may temper, minsan bigla na lang magagalit,” sabi ni Lyka sa kabilang linya.
Wala siyang kibo at mahinhin na kumakain. Pero nadi-distract siya sa mapang-usig na titig sa kan’ya ni Azrael. Nakuha siya nito sa tingin kaya nag-angat siya ng mukha. Ngumiti ito pero halatang kinikilatis siya. Maaring naalala na nito kung saan sila nagkita minsan.
“Siya nga pala, naisip namin na madaliin na ang kasal para hindi mag-conflict sa busy schedule ni Azrael next month,” sabi ni Emma, ang mommy ni Azrael.
“No problem, mare. Nakahanda na kami at si Lyka,” sabi naman ni Hellen.
“Kami na ang bahala sa lahat ng gastusin. Pero habang inaayos ang kasal, hayaan muna nating magkaroon ng oras sa isa’t isa ang mga anak natin para mas magkakilala sila.”
“Oo nga pala. Ngayon pa lang nagkakilala nang personal sina Azrael at Lyka. Mas maganda siguro kung dalasan ni Azrael ang pagbisita sa anak ko,” si Hellen.
“Magpapaiwan na lang po ako rito mamaya, Mom, para makausap ko si Lyka,” sabad naman ni Azrael.
“Good idea, hijo.”
“Siya nga pala, Emma. Kumusta ang imbestigasyon ninyo tungkol sa pagkamatay ng asawa mo?” tanong naman ng daddy ni Lyka sa ginang.
Bahagyang tumabang ang ngiti ng ginang. Maging si Azrael ay nanilim ang aura.
“Wala pang update ang mga pulis. Sabi nila, sniper ang bumaril sa asawa ko. Maaring may kinalaman sa politika o negosyo ang nangyaring pagpatay. Nahirapan daw silang hanapin ang suspect dahil walang nakitang ebidensiya sa hotel kung saan nangyari ang pagpatay,” ani Emma.
“Napakawalang puso talaga ng mga taong ‘yon. Hindi ba sila makuntento sa buhay nila?” palatak ni Hellen.
Naudlot ang pagkain ni Emma at napahagulgol. Niyakap naman ito ni Azrael.
Habang nag-iiyakan ang mga kasama niya, napasarap naman ang kain ni Angela at mas iniintindi ang mga sinasabi ni Lyka mula sa kabilang linya. She didn’t feel guilt while hearing the conversation about her failed target.
Kahit naman napatay niya ang tatay ni Azrael, wala siyang pakialam. She just did her job. Maraming mas maimpluwensiyang tao siyang napatay, pero karamihan sa mga ‘yon ay may anumalyang ginagawa sa bayan. She got the details about Azreal’s father.
Tama ang mommy ni Azrael, politika ang dahilan bakit pinatay ang daddy nito. Ang kliyente nila ay biktima rin ng kasakiman sa politiko. Azrael’s dad once hired a hitman to kill his rival. At iyong anak ng pinatay nitong karebal ang nagpapatay rito. Sawa na siya sa madugong isyu sa politika kaya hindi na siya naawa sa mga target niya. Kailan ba naman siya nagkaroon ng awa? Hindi niya alam ang salitang ‘yon.
Pagkatapos ng hapunan ay nanatili sa hardin si Angela. Sumisimsim siya ng red wine habang nakatayo sa tapat ng water fountain. Kahit nakikinig siya sa sinasabi ni Lyka buhat sa kabilang linya ay ramdam niya ang presensiya ni Azrael na palapit sa kan’ya.
“He’s coming,” bulong niya, hustong marinig ni Lyka mula sa kabilang linya.
“Sino?” tanong naman nito.
“Your fiance.”
Tumawa nang pagak si Lyka. “He’s now your fiance, ano ka ba?”
“I won’t claim that.”
“Sige na. Kausapin mo si Azrael gamit ang pagkatao ko. Be nice to him. He’s good at observation.”
She didn’t dare face Azrael, kahit nang pumantay na ito sa kan’ya.
“Hi!” bati nito sa baritonong tinig.
His manly voice sounds good in her ear. Sinipat lang niya ito at muling sumimsim ng inumin.
“I remembered where I saw you. Sa isang hotel sa Pasay kung saan pinatay ang daddy ko. Ano pala ang ginagawa mo roon?” sabi nito.
“Nag-check-in lang ako,” tipid niyang turan.
“Doon ka pa talaga nag-check-in? Ang dami n’yong hotel na mas malaki. Nagsawa ka na ba roon?”
“Gusto ko lang.”
“Anyway, ready ka na ba for the wedding?” pagkuwan ay tanong nito.
Tumango siya.
“Nabanggit sa akin ng mommy mo na minsan kang tumanggi sa kasal kasi may boyfriend ka. Kumusta na pala kayo ng boyfriend mo?” usisa nito.
“We broke up.”
“Really? Wala ka lang bang choice o may nakita ka sa akin na worth it ipalit sa boyfriend mo?”
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya alam ang isasagot. Naiinip siya at naiirita. Tama si Lyka, may pagkaarogante nga itong si Azrael. Nasuyod niya ito ng tingin.
“There's nothing special about you. You’re just a good-looking wealthy man,” komento niya.
Ang ngiti ni Azrael ay naglaho at sumama ang timpla ng mukha nito. “What did you say? Are you underestimating me?” anito.
“No.”
He chuckled. “Okay. It seems like I will have a cold wife—interesting,” anito.
Nanrindi ang tainga niya nang tumili si Lyka buhat sa kabilang linya. Naririnig din nito ang side niya at ibang kasama niya dahil sa device.
“What are you doing, Angela? I’m not acting like that! Okay lang magtaray ka, pero huwag naman parang malamig ka pa sa yelo! Baka makahalata na sila mommy niyan,” sermon ni Lyka.
She didn’t talk. Naglakad siya palayo kay Azrael at binaybay ang pathway patungo sa swimming pool.
“Don’t yell at me, Lyka. You can’t instantly turn the beast into a sheep,” she said.
“I know, but at least show some emotions. Wala ka bang ibang alam na emosyon kundi maging seryoso? Paano ka lumaki na iisa lang ang emosyon?”
Wala siyang imik. Sinundan pa rin siya ni Azrael at inalok ng wine mula sa dala nitong bote. Wala na kasing laman ang baso niya. Hinayaan niyang salinan nito ng serbisa ang kaniyang baso.
Lumuklok siya sa bench katapat ng round table. Pumuwesto rin si Azrael sa tapat niya kaya malaya itong pakatitigan ang kaniyang mukha.
“Start the conversation, Angela. Ask him about his father,” udyok sa kaniya ni Lyka.
She took a deep breath. “What happened to your father?” tanong naman niya sa binata.
Bahagyang nanilim ang anyo ni Azrael. “Someone killed him during the events of the businessman. Naroon ka sa hotel na ‘yon. Hindi ka ba aware na may krimen na nangyari?” anito.
“Late ko na nalaman. Nagmamadali kasi akong lumabas.”
“Noong time na ‘yon, nasa office ako. Tumawag ang mommy ko at sinabing may bumaril kay Daddy. Dead on the spot si Daddy. Sa puso siya tinamaan ng bala. May isa pang namatay na businessman, kaibigan ng dad ko. Sa ulo naman siya tinamaan. Nadala pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay.”
Naalala naman niya ang taong sumalo sa bala niya.
“Marumi talaga lumaban ang ibang politician,” aniya.
“You’re right. Kaya ayaw ko talagang pumasok sa politika. Kung hindi nawala si Daddy, hindi rin ako mag-focus sa business. Wala naman akong choice. I’m the only son.”
Naudlot ang usapan nila nang tumunog ang cellphone ni Azrael na nasa bulsa ng pants nito.
“Excuse me,” anito saka tumayo. Lumayo pa ito bago sinagot ng tawag. Kaagad itong pumalatak sa kausap. “I told you to stop ruining me! Huwag kang assuming! We’re just flirting, Cassy. Hindi pa ba malinaw sa ‘yo ang sinabi ko na magpapakasal na ako? Wala na akong time makipaglaro.”
Sumulyap siya kay Azrael. Marami na siyang napansing ugali nito na kaniyang inaaral. Base rin sa kuwento ni Lyka, playboy umano si Azrael, kaya maaring magiging problema ‘yon once kasal na sila.
Hindi na niya hinintay matapos sa kausap nito si Azrael at bumalik na siya sa mansiyon. Nagpalaam siya sa parents ni Lyka at sinabing inaantok na siya. Pumasok siya sa kuwarto ni Lyka at nag-lock ng pinto.
“Nasa kuwarto mo na ako,” sabi niya kay Layka. Bukas pa rin ang linya nila sa isa’t isa. Iginala niya ang paningin sa paligid.
Sobrang laki ng kuwarto ni Lyka, parang buong bahay na ng ordinaryong pamilya. May sarili itong banyo, living room, study, at merong walk-in closet.
“Hay, salamat!” ani Lyka. “You may take a rest. Bukas mo na ipunin ang importanteng gamit na dadalhin sa akin. Nakuha ko na ang iba kaya konti na lang ang kukunin mo. Then, you can enjoy all the amenities and stuff in my room. That’s yours. Lilipat ka rin naman sa bahay ni Azrael once kasal na kayo.”
“Hindi ako interesado sa ibang gamit mo.”
“Eh, ‘di ‘wag mong gamitin. May dalawang kotse ako riyan, gamitin mo. Marunong ka bang mag-drive?”
“Oo. My lisensiya ako. Pero mas gusto ko ng motorbike.”
“Tsk! Hindi ako marunong sa motor. Sanayin mo na ang sarili mo sa luxurious life. Na-spoiled ako ng parents ko kaya sanay sa luho. Alam mo na, wala silang anak kaya ako ang binuhusan nila ng atensiyon.”
“Bakit wala silang anak?”
“May sakit si Mommy. Nagkaroon siya ng mayoma kaya tinanggal ang matris niya.”
“You’re lucky,” aniya.
“Hm, nakakainip din. Nagtampo pa ako noon kasi ikaw lang ang inampon ng Japanese mong adoptive father. Naintindihan ko naman kasi hindi nila kayang dalawa tayo ang aampunin pareho. Iyak pa ako nang iyak noong umalis ka sa orphanage. Ano pala ang nangyari bakit maagang namatay ang adoptive father mo?”
“Nadisgrasya siya habang nagmamaneho ng cargo truck. Maliliit pa ang mga anak nila noon kaya napilitan akong magtrabaho habang nag-aaral.”
“Grabe. Kailan ka naman pumasok sa ahensiya ng mga assassin?”
“Since fifteen ako.”
“OMG! Pumapatay ka na sa edad na ‘yon?”
“Nag-training ako ng dalawang taon. Pagkatapos no’n ay nabigyan na ako ng mga target.”
“Sa Japan lang ba ‘yan?”
“Oo, pero may mga operations kami sa ibang bansa dahil international na ang ahensiya. Maraming ibang lahi ang kumukuha sa serbisyo namin. Magkakaroon na rin kami ng branch headquaters dito at sa ibang bansa.”
Panay ang buntonghininga ni Lyka. “Mabuti natagpuan kita. You need to stop working with the assassin's agency, Angela. Mabuhay ka nang tahimik.”
Hindi siya nagsalita dahil ayaw niyang tumigil sa goal niya. Tinapos niya ang pag-aaral ng mechanical at chemical egineering para maging bihasa siya sa paggawa ng armas at kimikal na maaring maging sandata.
“Maliligo muna ako,” palaam niya kay Lyka.
“Sige. Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong.”
Wala na siyang sagot at naghubad ng devices.
HABANG nalalapit ang kasal ni Angela kay Azrael ay napadalas din ang pagkikita nila. Isang linggo na lang ay aalis na si Lyka papuntang France. Iniwan na nito sa kan’ya lahat ng local cards nito at mga gadget. Instant bilyonaryo na siya at hindi naman siya nahirapang mag-adjust. Mabilis siyang maka-adapt ng bagong kaalaman. Pero ibang usapan na sa behavior. Ito ang bagay na hirap siyang ma-adjust.
Sabado ng hapon ay sinamahan siya ni Hellen sa salon upang magpaayos. Sa gabing iyon kasi ang engagement nila ni Azrael. Gaganapin ang seremonya sa mismong five start hotel na pag-aari ng parents ni Lyka. Sanay naman siyang mag-ayos mayaman dahil kasama ‘yon sa training nila.
“Mauuna na ako sa hotel, Anak. Pababalikin ko na lang dito ang driver mamaya para sunduin ka, ha?” ani Hellen.
Tango lang ang kaniyang tugon.
Nang umalis ang ginang ay saka niya ikinabit ang device sa kaniyang tainga at binuksan ang linya kay Lyka.
“Nasa salon ako,” sabi niya. Mag-isa siya sa silid dahil lumabas ang makeup artist.
“Good. Ayusin mo ang pag-arte kasi maraming bigateng tao ang dadalo sa party. May taga-media rin kaya siguradong maibabalita ito sa social media.”
“Ayos lang ako.”
“Sigurado ka, ha? Naka-book na ang flight ko, Angela, huwag mong sisirain ang plano.”
“Alam ko. Kumalma ka.”
“Sige. Update mo lang ako.”
Tumahimik siya nang bumalik ang makeup artist. Inantok siya sa ginagawa nito sa mukha niya at hindi napigil ang pag-idlip.
Madilim na sa labas nang matapos siyang ayusan. Bumalik ang driver ni Hellen at hinihintay siya sa labas. Alas otso pa magsisimula ang party pero kailangan na nilang umalis dahil traffic.
Lumulan siya sa backseat ng kotse. Ginutom na siya at wala man lang siyang baon ni tubig. Nang mapansing kumakain ng hamburger ang driver ay kinalabit niya ako.
“May hamburger ka pa ba?” tanong niya rito.
Manghang sinipat siya ng lalaki. “M-Meron po isang natira, ibibigay ko sana sa anak ko mamaya pag-uwi,” anito.
“Hingin ko na lang ‘yan. Bilhan mo na lang ng bago ang anak mo. Dumukot siya ng limang daan sa wallet at ibinigay sa driver.
Nawiwindang ito pero binigyan naman siya ng hamburger, may kasama pang pineapple juice na nakalata. Naitawid din niya ang gutom.
Bumilis na ang usad ng sasakyan nang mag-iba sila ng daan. Ngunit kung kailan maluwag na ang kalsada ay biglang may nag-overtake sa kanila at tila sinadyang bungguin sila. Umalog nang husto ang sasakyan at nabagok ang ulo niya sa bintana.
Nahilo siya at bahagyang nanilim ang paningin sa paligid. Nakahinto na ang sasakyan at naaninag niya ang kalalakihang binuksan ang pinto sa tabi niya. Tuluyang nagdilim ang paligid niya nang takpan ng mga ito ng maitim na tela ang kaniyang ulo. Lalo siyang nahilo sa naamoy na kimikal.