MAKIROT pa ang sintido ni Angela nang muli siyang magkamalay. Sa kan'yang pagmulat ng mga mata ay una niyang nasilayan ay ang malawak na silid pero walang ibang kagamitan, isang lamesa lang at dalawang upuan sa may gilid ng pintuan. Malamlam ang ilaw sa silid, marumi, maalikabok, maraming ipis na gumagapang sa sahig.
Hindi siya makagalaw dahil nakagapos ang mga kamay niya sa likuran habang siya’y nakaupo sa bakal na silya. Iginalaw niya ang mga kamay at naramdmang medyo maluwag ang pagkakatali rito. Kayang-kaya niya itong kalasin pero naghintay siya ng taong papasok.
Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok ang magandang babae na sobrang ikli ng laylayan ng pulang dress, may three inches red sandals, ang lalaki ng hikaw na bilog, kulot ang buhok na hanggang baywang at blonde. Ang kapal ng makeup nito, halos matakpan na ng makapal na talukap ang mga mata. May nakabuntot ditong dalawang lalaki na armado, pawang nakasuot ng itim na jacket.
Humakbang palapit sa kaniya ang babae habang may hinihithit na sigarilyo. “So, you’re Lyka Madrigal, huh? Maganda ka nga, given na mayaman, mistesa, pero hindi ka nababagay kay Azrael. Binalaan ko na si Azrael na kung hindi siya uurong sa kasal ay guguluhin ko ang buhay ninyo. Hindi siya nakinig kaya sorry na lang. Hindi ka na niya makikita pa,” sabi nito. Kinuhaan siya nito ng video. “I’ll send this video to him to give him a chance to decide. Kung magmamatigas pa rin siya, papatayin na kita.”
Tumitig siya sa mukha ng babae. Napansin niya ang ilang sentomas na nagti-take ito ng droga, may tattoo sa dalawang braso. Sa pananalita nito ay obvious na nakarelasyon ito ni Azrael. This woman might be obsessed with Azrael. She didn’t expect this. Pumapatol pala si Azrael sa babaeng mukhang low-key mafia.
“Bago kita patayin, magpapakilala muna ako para may idea ka bakit ko ito ginagawa. So, your soul will easily find justice,” sabi nito at malanding tumawa. Umisang hithit pa ito ng sigarilyo bago itinapon sa sahig at inapakan ang upos. “Ako si Cassy, ang business partner ng daddy ni Azrael, at unang naireto sa kaniya ng daddy niya. We were flirting with each other, but I fell in love with him. Ang bilis ng pangyayari at biglang nagbago ang isip ng dad ni Azrael, at doon ako nagalit kasi may bago silang napili na ipakakasal sa anak nila. Kaya ngayon, maghihiganti ako. Sorry kung nadamay ka, Lyka.” Tinawag nito ang dalawang lalaki.
“Ano po ang gagawin namin sa babae, madam?” tanong ng isang lalaki na mas malaki ang katawan, matangkad.
“Bantayan n’yo muna siya. Ipapadala ko ang video kay Azrael, at kung hindi pa rin siya uurong sa kasal, patayin n’yo ang babaeng ‘yan. Kuhaan n’yo ng video habang pinapatay siya at ipadala sa akin. Tatawag ako mamaya para malaman n’yo ang gagawin,” utos ni Cassy sa tauhan.
“Yes, madam!”
Rumampa na palabas ng silid ang babae. May pumasok pang apat na lalaki, mga armado rin.
Pinakiramdaman ni Angela ang kilos ng mga lalaki pero sinisimulan na niyang alisin ang kamay mula sa tali. May suot siyang singsing na naglalabas ng maliit na kutsilyo. Lubid lang ang nakagapos sa kan’ya kaya madaling kalasin, ganoon din sa mga paa niya.
“Ang ganda pala nitong nahuli natin. Baka puwedeng tikman muna natin bago patayin,” sabi ng kararating na lalaki.
“Baka magalit si Madam,” anang isang maskulado na matangkad.
“Hindi naman niya malalaman.”
“Kayo ang bahala. Basta ako atat nang pumatay at makuha ang isang milyon!”
Lumapit sa kan’ya ang manyakis na lalaki saktong naputol niya ang lubid sa kaniyang kamay. Naisukbit nito sa balikat ang M16 riffle nito at yumukod sa kan’ya. Hinintay niya’ng makalapit ito sa kan’ya nang dikitan. Nang akmang hahalikan siya nito sa pisngi ay hinuli niya ito sa leeg at mabilisang nilaslas ng munting kutsilyo mula sa singsing ang leeg nito pababa sa dibdib.
Sumirit ang dugo nito mula sa leeg kaya tinakpan niya ng kamay ang sugat. Maingat niya itong pinadapa at mabilisang kinalas naman ang tali sa mga paa niya. Nilubos niya ang pagkakataon habang nakatalikod ang tatlong lalaki. Nang makalaya ay kinuha niya ang baril sa likuran ng isang lalaki pero hindi niya ipinutok. Inihataw niya ang handle nito sa ulo ng isang lalaking nakatalikod.
Umalma na ang dalawa pa at akmang babarilin niya ngunit pinulot niya ang nakakalat na tubo at naihataw sa mga ito. Magkasunod na tinamaan ng tubo sa ulo ang mga ito. Nagkamalay pa ang isang lalaking hinataw niya ng baril at nakalabit ang gatilyo ng baril nito.
Nasalag niya ng tubo ang bala at sinugod ang lalaki, sinipa ang hawak nitong baril at sinalpakan ng tubo ang bibig nito hanggang sa maabot ang lalamunan. Dahil umingay na, sumugod na rin doon ang ibang kalalakihan ngunit sinalubong niya ng bala mula sa baril na nakuha niya.
Nang makalabas ng silid ay sumalubong sa kan’ya ang limang kalalakihan. Pinaulanan siya ng mga ito ng bala kaya mabilis siyang kumubli sa bakal na poste. Tumingala siya at napansin ang kadenang bakal na merong hook sa dulo at konektado sa bakal na beam.
Lumambitin siya rito at mula sa itaas ay nagpakawala siya ng bala sa kalaban. Nang makababa ay sinugod naman niya ang tatlong guwardiya sa gate at pinagbabaril. Doon na siya naubusan ng bala.
Kung kailan pasakay na siya sa kotse ng kalaban ay may humabol na dalawang lalaki. Hinintay niyang makalapit ang isa, inagawan ng baril at ipinutok sa sintido nito. Ginawa niya itong depensa laban sa kasama nito. Itinulak din niya ang isa sabay sipa sa dibdib ng parating.
Bumulagta ito sa sahig pero mabilis nakabangon. Sinugod niya ito mula sa likuran at sinampahan, pinuluputan ng binti sa katawan. Ginamit niya ang patalim sa kaniyang singsing at ginilitan sa leeg ang lalaki.
Nang bumagsak ito sa lupa ay inapakan niya sa mata gamit ang takong ng kaniyang sapatos.
“Ughhhh!” daing nito. Tumagas na ang dugo mula sa mata nito.
“Pakisabi sa amo n’yo, magtago siyang maigi na hindi ko siya makikita dahil kung hindi, kakatayin ko siya nang buhay,” kalmadong sabi niya habang nakatitig sa mukha ng lalaking inapakan. Gumagalaw pa ito pero pinakawalan na niya.
Bumalik siya sa kotse ngunit walang susi. Wala na siyang tiyagang gawan ito ng susi kaya naglakad siya palabas ng warehouse. Nadungisan na ng dugo ang kaniyang dress pero wala siyag pakialam.
Pagdating sa highway ay pumara siya ng taxi. Ayaw pa siyang pasakayin ng driver. Ibinigay niya rito ang gold necklace na suot niya.
“Ibenta mo ‘yan bilang bayad ko. Dalhin mo ako sa El Palacios hotel,” sabi niya.
Pinasakay rin siya ng lalaki. “Bakit po gan’yan ang hitsura n’yo? Nadisgrasya po ba kayo? Dapat sa ospital na kayo dumiretso,” sabi ng driver.
“Stop talking. Mag-drive ka lang, pakibilisan,” aniya.
Tumahimik din ito at pinausad ang sasakyan.
Humingi siya ng tissue sa driver at tirang tubig nitong inumin. Nilinis niya ang kaniyang mukha at mga braso. Hindi na maalis ang mantsa sa damit niya kaya binaliktad niya. At least hindi makita ang maraming dugo.
NAUDLOT naman ang excitement ni Azrael nang mabalitaan na na-kidnap umano si Lyka. Akala niya ay late lang ito pero nagkagulo na. Nagpatawag na ng pulis ang parents nito. Inutusan na rin niya ang head ng security nila upang tumulong sa paghahanap kay Lyka.
Kabado siya nang maisip na may kinalaman si Cassy sa pag-kidnap kay Lyka. Si Cassy ang unang naireto sa kaniya ng daddy niya at naging fling din niya. Galit na galit ito nang malamang magpapakasal siya sa ibang babae.
He tried to call Cassy but no answer. Tumibay ang hinala niya na ito nga ang salarin sa pagkawala ni Lyka. Mayamaya ay may mensahe sa kaniya si Cassy, may kalakip na video ni Lyka habang nakagapos.
Cassy: “I’ll kill your fiancee if you don’t cancel your wedding. You only have thirty minutes to decide.”
He eagerly gritted his teeth. Nasipat niya ang parents ni Lyka. Iyak na nang iyak ang mommy nito at inaalalayan ng mommy niya, naghihimagsik na rin ang daddy nito. Hindi na niya malaman ang gagawin. Hindi rin puwedeng malaman ng mommy niya at parents ni Lyka na siya ang dahilan bakit napahamak ang dalaga.
Lumayo siya sa mga tao at tinawagan ang head ng security nila. Sumagot naman ito.
“I got a message from the kidnapper. I know her, but I don’t know where they brought my fiancee,” sabi niya sa kausap.
“Nag-report na po ako sa pulis, sir. Nasa ospital ako ngayon at binisita ang driver ni Ma’am Lyka.”
“How is he?”
“He’s fine. Nakuha na rin ng mga pulis ang bag ni Ma’am Lyka at ibang gamit. Na-review na nila ang CCTV footage sa area kung saan tinambangan ang sasakyan ng fiancee n’yo, kaso peke ang plate number na nakakabit sa kotseng ginamit ng suspects. Pina-trace na nila ang posibleng daanan ng mga suspect. Balitaan ko kayo kapag may update na,” ani Jerico.
“Sige, salamat.”
Hindi mapakaling palakad-lakad siya sa pasilyo. Bumalik siya sa ballroom hall at hindi kinaya ang hinagpis ng mommy ni Lyka. Nagpasya siyang puntahan si Cassy ngunit napako sa sahig ang mga paa niya nang mamataan si Lyka na papasok na ng entrance.
“Lyka, anak!” tili ni Hellen. Sinugod na nito ang anak at niyakap.
Lumapit na rin siya sa mga ito.
Nawindang siya nang masuri ang hitsura ni Lyka. Maayos naman ang buhok nito pero pansin niya na baliktad ang dress nito. May napansin din siyang mantsa ng dugo sa damit nito at sapatos.
“Diyos ko! Ano’ng ginawa sa ‘yo ng mga kidnapper, hija?” tanong naman ng mommy niya.
“Nakatakas po ako. May tumulong sa akin,” turan naman ng dalaga sa malamig na tinig.
“We should bring her to the hospital, honey,” natataranta pa ring sabi ng daddy ni Lyka.
“No need, Dad!” Mariing pigil ni Lyksa. “Okay lang ako. Ituloy na natin ang party.”
“Sigurado ka ba, anak? Nasaktan ka ba? Bakit may dugo sa damit mo?” ani Hellen.
“Hindi po ako nasaktan. It’s not my blood.”
“Teka, magpalit ka na lang ng damit.”
Sumunod si Lyka sa mommy nito at nilagpasan siya, ni hindi siya tinapunan ng tingin.
Tulala pa rin si Azrael habang nakatitig sa kaniyang fiancee na palayo. He can’t see any signs of trauma in Lyka’s face. She must be in shock. Pero parang walang nangyari at kalmado lang ito. Malinaw na na-kidnap ito, pero nakapagtatakang parang balewala rito ang nangyari, ni walang bakas ng luha sa mga mata. Or maybe she was still in shock, kaya walang emosyong nababanaag.
Na-distract siya nang tumawag si Jerico. Lumabas siya ng ballroom hall at doon sinagot ang tawag.
“What happened?” he asked exaggeratedly.
“My update na po ang mga pulis. Natagpuan na nila ang location ng mga kidnapper pero wala na roon ang fiancee n’yo. Mga patay na katawan ng suspects ang nadatnan ng mga pulis. Sa nakikita kong hitsura ng mga namatay, mukhang skilled na assassin ang may gawa, brutal ang pagpatay sa iba. Walang naabutang ibang tao sa warehouse ang mga pulis,” batid ni Jerico.
He was stunned. “Lyka is here. She’s safe,” sabi niya.
“Ho? Paano siya nakatakas?” manghang tanong ni Jerico.
“She said someone helped her escape. Hindi naman siya nasaktan.”
“Sino kaya ang nagligtas sa kan’ya?”
Napaisip din siya. Naunahan pa ng savior na ‘yon ang mga pulis na matagpuan si Lyka. Maaring isa rin sa tauhan ni Cassy ang may gawa niyon. Naguguluhan siya.
“Bumalik na kayo rito, Jerico. Ako na ang mag-follow-up sa mga pulis tungkol sa kaso ni Lyka,” sabi niya pagkuwan.
“Yes, boss!”
Bumalik na siya sa venue.