HINAKOT na ni Angela ang apat na putaheng naluto niya at inipon sa may round table malapit sa swimming pool. Napuno ng pagkain ang lamesa dahil magkaiba sila ng putahe ni Azrael. Kukonting portion lang naman bawat putahe pero natutukso pa rin siyang tikman ang luto ni Azrael. Tinikman niya ang tuna casserole nito. Nagustuhan niya ng lasa nito lalo may cheese. Nagustuhan din niya ang soup at grilled prawns na malalaki. Nahuli siya ni Azrael na kumukuha ng java rice nito pero hindi naman siya sinita. “You can try all my recipes pero patikim din ng sa ‘yo, ha?” sabi nito. Inilapag nito sa lamesa ang dalawang malalaking baso ng avocado shakes na merong malaking itim na strew. “Tinikman ko lang kung masarap ang luto mo,” aniya. Pilyong ngumiti si Azrael habang nakatitig sa plato niya. “Tik

