NANG tumapat kay Angela ang paa ng babae ay bigla niya itong hinila. Sumiksik ito sa bakal na barandilya ng hagdanan. Hinatak niya ang ulo nito at ipinasok sa gitna ng dalawang rehas. Nanlaban ito kaya mabilin niyang pinilipit ang ulo nito. Nang matiyak na wala nang pulso ang babae ay hinila niya ito pababa at ipinasok sa malaking vase. Kasyang-kasya ito. “Angela, umakyat ka sa second floor. Tapos na ang meeting, nakalabas na si Iruka at didiretso ‘yan sa office niya,” ani JK. “I’m coming,” aniya. Umakyat siya sa hagdanan at pinili ang pasilyong sinabi ni JK. Nasa third floor ang office ni Iruka, naroon din ang secret extention room. “Be careful, Angela. Nasa third floor si Rabuya Tensu, ang right hand ni Iruka,” babala ni JK. “Where’s the other assassins?” tanong niya. “Si Eric na

