ISANG linggo bago ang kasal ni Angela ay umalis na si Lyka papuntang London. Nag-iwan pa ito ng mahabang listahan ng mga bagay na kailangan niyang ma-adapt. Hindi naman nagreklamo ang parents nito sa napiling venue ng kasal. Kayang-kaya ng mga itong tawirin ang South Korea at barya lang ang gastusin. Bago ang flight nila papuntang Korea ay nakasama pa nila sa hapunan ang pamilya ni Azrael. Mommy na lang nito ang makakasama nila dahil hindi makadadalo ang ibang kamag-anak. Inaapura rin kasi ang kasal kaya hindi na kailangan ng bonggang preperasyon. “Bukas after lunch ang flight natin. Naka-ready na ang eroplano,” sabi ni Azrael. Tapos na silang kumain pero hindi pa umaalis sa harap ng lamesa. Nag-e-enjoy ang matatanda habang pinag-uusapan ang tungkol sa kasal. “Sa Korea na rin kayo mag-

