TINALAKAY sa meeting ang biglang pagbabago ng policy at routition ng opiyales. Nasurpresa ang lahat sa bagong lineup ng opisyales at ibinase ito ni Azrael sa stocks. Maging si Leo na tiyuhin nito ay nagulat dahil mula CEO ay naging presidente na ito. May ibang nag-react dahil sinakop ni Azrael ang posisyon ng CEO at chairman ng kumpanya. Wala ang mommy ni Azrael pero may video itong pinadala na magpapatunay na aprobado nito ang line-up ng opisyales. Nakabase umano ito sa original rules ng kumpanya na ipinatupad ng founder. Hindi na nagreklamo ang ibang miyembro pero pansin ni Angela na hindi na maipinta ang mukha ni Leo. Obvious na nadismaya ito sa bagong labas na officials lineup. Wala naman itong reklamo at binati pa si Azrael, but she could see the pressure in his eyes. May ibang opi

