UPANG mabawasan ang pagdududa ni Azrael, sinimulan na ni Angela ang pag-aaral sa trabaho niya bilang COO ng kumpanya ni Azrael. Pagkatapos ng hapunan sa condo ni Lyka ay sumama rin siya sa asawa pauwi. She needs to distract Azrael, and she allows him to teach her how to do her duty as COO. Alas diyes na ng gabi ay gising pa sila pero sa loob lang ng kuwarto ang tutorial. Tinamad na siyang umupo kaya humiga siya ng kama habang nakikinig kay Azrael na binabasa ang module niya. Nakaupo lang ito sa kan’yang tabi. Papikit-pikit na siya nang may pumisil sa tungki ng kaniyang ilong. Natapik niya ang kamay ni Azrael. “Huwag mo akong tutulugan!” singhal naman nito. “Ayusin mo rin kasing magbasa. Para kang nagbabasa ng children book na pampatulog. Inaantok ako!” aniya. Humagikgik ang kaniyang a

