“LYKA, saan ka galing?” tanong ni Azrael. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Angela bago hinarap si Azrael. Humakbang siya palapit dito. “I visited my friend,” kaswal na sagot niya. Sinuyod siya nito ng tingin. “And why do you need to disguise?” usig nito, tulayo nang tuwid. “Because your bodyguards are annoying, and I hate someone following me.” Confident naman siya na hindi malalaman ng tao ni Azrael kung anong meron sa pinupuntahan niyang lugar. Nakatago ang headquarters nila sa loob ng isang cafe. Bago mapasok ang headquarters ay papasok sila sa cafe na pag-aari ni Eric. May secret door ang opisina ni Eric kung saan sila dadaan patungong headquarters. Napapailing si Azrael habang nakangiti. “You disguised to escape from your bodyguards. Nice. It seems you are hiding som

