BIYERNES pa lamang ng umaga ay naghanda na si Angela para sa misyon. Pumasok pa ng opisina si Azrael at kalmado naman ito kaya iginiit niya na hindi ito sasama sa raid operation. Nagpaalam na siya na aalis nang maaga at idinahilan na meron siyang dadaluhang events sa art museum. Kung kailan paalis na siya ng bahay ay tumawag si Azrael. Aalburuto na naman ito kapag binalewala niya. “Nakaalis ka na ba?” tanong nito. “Paalis pa lang.” “Magsama ka ng bodyguards at driver.” “No need. Hindi rin naman sila makapasok ng museum.” “Kahit sa labas lang at least may kasama kang bibiyahe.” “Hindi na kailangan. Pagpahingahin mo na lang sila.” “Puro na nga sila pahinga. Sayang ang binabayad ko sa kanila, hindi mo napapakinabangan.” “Then, reduce their salary.” Panay ang buga ng hangin ni Azrae

