ALAS DOSE ng gabi na nakauwi ng bahay ang mag-asawa dahil namasyal pa sila sa karagatan. Naunang nakatulog si Azrael at nilubos ni Angela ang pagkakataon na makaligo sa maligamgam na tubig. Binasa niya ang kaniyang sugat dahil namamaga na. May stocks siya ng gamot na siya rin ang may gawa. Nang malinis ang sugat ay nag-inject siya ng gamot sa mismong affected na balat. Nag-take rin siya ng gamot para mawala ang maga. Pahaba ang sugat kaya hindi puwedeng hayaan na walang benda. Hindi sapat ang band-aid lang dito. Nagsuot siya ng itim na nighties na madulas ang tela at medyo maluwag. Nang hihiga na siya’y napansin niya ang posisyon ni Azrael sa kama. Nasa kaliwang side ito nakahiga kaya maari nitong masagi ang kaliwang braso niya. May kalikutan pa naman itong matulog. Itinulak niya ito

