MULA sa canteen ay patakbong nagtungo si Martina sa science garden sa likod ng laboratory. Bigla siyang kinabahan nang pagdating niya'y madilim at walang katao-tao. Tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw. Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala naman siyang makitang tao. Naghintay pa siya ng isang minuto. Lumipas na ang kalahating oras ay wala pa rin siyang nakikitang tao. Kung kailan nakapagpasya na siyang umalis ay bigla namang may kamay na sumampa sa balikat niya. Napakislot siya sabay pihit paharap. Nanlaki ang mga mata niya. "D-Doc?" bulalas niya. Awtomatikong tumahip nang husto ang dibdib niya nang makita sa kanyang harapan si Dr. Rivas. "Ano'ng ginagawa mo dito? Gabing-gabi na, nag-uuwian na ang ibang estudyante," anito sa malumanay na tinig. Nanginginig ang ka