KUMISLOT si Martina nang tumbukin siya ng mahayap na titig ni Althea. Hindi niya maintindihan bakit bigla siyang kinikilabutan nang magtama ang mga paningin nila ng babae. Maganda naman ang babae, maputi ang balat na medyo maputla. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan. Ga-balikat ang itim nitong buhok at mayroon itong manipis na bangs. Napatitig siya sa suot nitong kuwintas. Bilugan ang hugis ng kuwintas nito na kulay tanso. May nakaukit na pyramid sa loob ng bilog at sa loob ng pyramid ay may nakaukit na isang mata na may pulang eyeball. "Okay! Ituloy n'yo lang ang warm-up and after thirty minutes ay sisimulan na natin ang practice game! Malalaman ninyo kung sino-sino ang makakasama ninyo sa grupo!" anunsyo ni Mr. Romero. Nagsimula na ulit sila sa warm-up. Nakahanada na rin ang bol