NASA diwa pa rin ni Martina ang nangyari kanina sa laboratoryo. Hindi na mawaglit sa isip niya ang lalaking umangkin sa kanya. Pero may pakiramdama siya na hindi lang iyon ang pagkakataon na nakasama niya ang lalaki. Pamilyar sa kanya ang katawan nito at galaw. Hindi niya maiwasang isipin na maaring iyon din ang lalaking umangkin sa kanya noon. Hindi niya maintindihan ang nangyayari? Maraming katanungan sa isip niya. Bakit siya nakakaranas ng ganoon? Sino ang lalaking iyon?
Hindi na niya naririnig ang pinagsasabi ng guro nila. Masyado siyang nahihiwagaan sa mga nangyayari sa buhay niya. Noon lamang siya nakombinsi na hindi na normal ang nangyayari sa kanya. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Nag-iilusyon siya kung ano ba ang hitsura ng lalaking umangkin sa kanya.
Natapos na lamang ang klase ay naglalakbay pa rin ang diwa ni Martina sa kakaibang nangyayari sa buhay niya. Hindi na iyon normal Napakislot siya nang biglang may pumisil sa balikat niya. Awtomatikong pumihit siya sa likuran. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Rona. Piningot nito ang katamtamang tangos ng kanyang ilong.
"Hoy! Parang nakakita ka ng multo, ah!" anito.
"E, kasi ginulat mo ako," wika niya.
"Ano ba kasi ang iniisip mo? Umuwi na tayo."
"Uwian na ba?"
"Hala! Kagigising mo lang ba?"
Tumayo na lamang siya nang mapansing nagsilabasan na ang mga kaklase niya. Sumabay siya kay Rona hanggang sa labas ng campus. Inaantabayanan niya si Lyka para sana may kasabay siya sa pag-uwi. Nasa ihawan na naman sila. Mahilig kasi sa inihaw na isaw ng manok si Rona.
"Sino ba ang hinahanap mo?" tanong ni Rona habang pumapapak ng isaw.
Hindi kasi mapakali ang mga mata niya. "Si Lyka," sagot niya.
"Naku, malamang nasa heaven na sila ni Aldren ngayon," makahulugang wika nito.
Bumuntong-hininga siya. "Magkasama na naman ba sila?" aniya.
"Natural, magkasintahan, eh. At once kasi na taken na ang virginity mo, maghahangad ka pa ng second time or higit pa. Ang s*x kasi ay parang bisyo, once natikman mo na, hahanap-hanapin mo, lalo na kapag satisfied ka sa first experience mo. Lalo na kung aware ka sa usaping sensual," walang malisyang sabi ni Rona.
Naalala na naman niya ang nangyari kanina sa laboratory. "Ganoon ba iyon?" inosenteng sabi niya.
"Yap. Ako, sa totoo lang hindi ako ganoon ka-satisfied sa first experience ko sa husband ko. Unang try kasi namin nabuntis kaagad ako. Sobrang atat kasi kaya nakalimutan gumamit ng proteksiyon," ani Rona saka tumawa ng malakas.
Giliw na giliw siya habang nakikinig kay Rona. Kahit mahilig siyang magbasa ng erotic novel at manood ng mga scandals ay hindi niya lubos alam kung ano nga ba ang binipisyong makukuha sa pakikipagtalik. Noon lamang niya unti-unting nauunawaan nang magkaroon siya ng karanasan. Pero hindi pangkaraniwan ang kanyang karanasan. Hindi niya nakikita ang lalaking katalik niya, pero pakiramdam niya'y mababaliw siya kapag hindi naulit ang pagkakataong iyon. Tuluyang binuhay ng lalaking iyon ang inosente niyang isip.
"Ano'ng pakiramdam, Rona?" walang puwang na tanong niya.
Tumitig sa kanya si Rona. "Pakiramdam na ano?" nalilitong tanong nito.
"Na madalas kang ginagalaw ng husband mo?" naiilang pang tanong niya.
Humagalpak ng tawa si Rona. "Depende sa mood. Minsan masakit. Mahal ko ang asawa ko kaya pinagbibigyan ko siya kapag gusto niya, kahit wala ako sa mood," anito pagkuwan.
"May time pala na nakakawalang gana?" inosenteng tanong niya.
Tumawa ulit si Rona. "Oo naman. Minsan kung kailan may dalaw ang babae ay saka naman kasagsagan ng init ng mga lalaki. Sabi ng pinsan ko, sa tuwing may buwan daw ay kasaganahan ng pagnanasa ng mga tao. Mainit daw kasi ang mga katawan. Napansin ko rin iyon. Sa tuwing nalalapit ang buwanang dalaw ko ay mabilis akong umiinit. Tumataas ang libido ko sa katawan. s**t! Ano ba itong topic natin, puro kahalayan!" pagkuwan ay wika ni Rona.
Bumungisngis siya. Hindi niya maikakaila na nag-iinit ang dugong nananalaytay sa mga ugat niya. Nag-aasam siya na maulit ang kanyang karanasang sekswal.
Mamaya ay may humintong motor siklo sa tapat nila. Asawa ni Rona ang sakay at malamang sinusundo na nito ang kaibigan niya.
"Paano ba 'yan, mauna na ako sa iyo. Huwag mo nang hintayin si Lyka, baka hindi na iyon uuwi," ani Rona.
"Sige. Ingat na lang kayo," aniya.
"Bye." Sumakay na si Rona sa motor siklo ng asawa nito.
Nang wala na siyang makausap ay lumipat siya sa waiting shed at naghintay ng makakasabay sa pag-uwi. Natatakot kasi siya na baka may susunod na naman sa kanya. Aantabayanan na lang niya ang ibang kasama sa dorm.
May kalahating oras na siyang nakaupo sa bench na yari sa bato. Ginugupo na rin siya ng antok. Pakiramdam niya'y nagbuhat siya ng mabibigat na bagay at biglang nanakit ang buong katawan niya. Nakakapikit na siya nang bigla siyang dumilat dahil sa malamig na hanging bumundol sa kanyang katawan. Napamulagat siya nang mamataan ang lalaking nakasandal sa poste ng waiting shed sa harapan niya. Kilalang-kilala niya ang bulto ng lalaki.
Tumayo siya nang mapansin na silang dalawa na lamang ang naroroon. "Good evening, Sir!" lakas-loob na bati niya sa lalaki.
Awtomatikong nilingon naman siya ni Dr. Rivas. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" seryosong tanong nito.
"Ahm, m-may hinihintay lang po ako," aniya.
Napatingin siya sa hawak nitong maliit na itim na maleta. Napansin niya ang suot nitong relo at singsing na may kalakihan. Hindi naman iyon wedding ring. Noong isang araw pa niya pinag-iisipan kung may asawa na ba si Dr. Rivas. Nakasuot ang singsing nito sa pangalawa sa hinliit na daliri sa kaliwang kamay. Kulay ginto ang dingding na may mga nakaguhit na kung ano sa malapad nitong tuktok.
Humakbang siya upang mapalapit sa guwapong doktor. Kung kailan malapit na siya rito ay saka naman siya natapilok sa sarili niyang mga paa na nagsalpukan. Napamura siya. Hindi niya nakontrol ang kanyang timbang. Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakayakap sa mga bisig ni Dr. Rivas. Nag-abala naman ito na hapitin ang baywang niya.
Pakiramdam niya'y tumigil ang oras nang mamalayan na wala na halos pagitan ang mga mukha nila. Ang mga mata nila ay magkatitig. Ang bibig nito ay sumasadsad sa tungki ng kanyang ilong. Naramdaman niya ang banayad na pagpisil nito sa baywang niya.
Sa halip na alalayan siya upang lumayo rito ay tila ito pa ang naglalapit ng mga katawan nila. Hindi niya maitindihan ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Malakas ang t***k ng puso niya. May nararamdaman siyang bayolenteng init na tumutulay sa kanyang mga ugat.
Sobrang lapit na ng bibig nito sa labi niya. Kung hindi lamang makakasira sa reputasyon nila pareho ay uunahan na niya itong halikan. Pakiramdam niya'y sasabog ang puso niya dahil sa labis na emosyon. Nanunuyot ang lalamunan niya. Nagnasa siyang malasahan ang mapupula nitong mga labi pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Lumayo siya rito.
"S-Sorry po," naiilang na sabi niya.
Hindi lamang umimik ang lalaki. Pero napansin niya ang mga mata nitong hindi mapakali. Napapadalas ang sipat nito sa gawi ng dibdib niya na nababakat dahil sa suot niyang manipis na puting T-shirt. Napatingin din siya sa gawi ng leeg nito. Napapadalas ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito. Pakiramdam niya'y uhaw na uhaw siya nang masipat ang matipunong puno ng dibdib nito na nakasilip sa bahagyang nakabukas na polo nito. Hindi kasi iyon nakabotones hanggang sa pangatlong bahagi. Lalo lamang uminit sa paningin niya ang guwapong doktor. Pinagpapawisan maging singit niya dahil sa mainit niyang pakiramdam.
Nang mapansin niya ang dorm mate niya'ng si Ally ay saka lamang siya nahimasmasan. "Ahm, mauna na po ako sa inyo," aniya kay Dr. Rivas.
"Mag-iingat ka," mabilis nitong tugon.
Sandali siyang natigilan at nilingon muli ang lalaki. Kumabog ang dibdib niya nang masaksihan sa wakas ang matamis nitong ngiti. Tila ayaw na niyang umuwi at gustuhing makasama na lamang ito.
"Halika na, Tina!" tawag sa kanya ni Ally.
Naiilang na nginitian din niya ang guwapong doktor. "Salamat po," aniya.
Pagkuwan ay iniwan na niya ito. Hindi siya nakatiis, panay ang lingon niya sa lalaki habang papaalis sila ni Ally. Napansin kasi niya na sinusundan sila ng tingin ni Dr. Rivas.
NAGDADALAWANG-ISIP si Martina kung sasali siya ulit sa sport fest ng paaralan nila. Dati kasi ay natalo ang department nila sa larong volleyball. Palagi na lang nananalo ang engineering department. Ngunit matapos ang klase nila ay kinulit siya ng dating couch nila na si Mr. Jun Romero. Isa kasi siya sa napupusuan nito na mahusay maglaro. May kalahating taon na rin siyang hindi nakakapag-ihersisyo at pakiramdam niya'y kumunat na rin ang mga muscles niya. Isa pa, kakailanganin niyang magising nang maaga para mag-training.
Nang mapansin niya na tila nanamlay si Mr. Romero ay nakombinsi siyang maglaro ulit. Hindi na niya pinaalam sa mga magulang niya na maglalaro siya ulit dahil siguradong hindi siya papayagan. Napapabayaan daw kasi niya ang pag-aaral sa tuwing naglalaro siya.
Naninibago siya. Noon na muli siya nagising ng alas-sais ng umaga. Kadalasan kasi ay alas-onse o alas-dose na ng umaga siya nagigising kahit walang pasok. Maaga siyang naligo. Pagkatapos ay tumakbo siya hanggang sa paaralan. Mas maraming estudiyante sa umaga pero napansin niya na iilan lamang ang nursing student na sa araw pumapasok. Sa tuwing gabi naman ay halos nursing student ang nakikita niya.
Pagdating niya sa maluwag nilang gym ay dalawa pa lamang sila ang naroon. Ang fourth year nursing student na si Kassy. Noong nakaraang taon ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Masyado kasi itong bossy at mayabang. Magaling itong maglaro at kilalang matalino, pero hindi niya gusto ang timplada ng pag-uugali nito. Nagwa-warm up na ito. Ibinabandera nito ang long legged nitong mga binti na mapuputi at makikinis.
Si Kassy ang girlfriend ni Jake na labis na nagpadama sa kanya ng insecurities. Halos taglay lahat ni Kassy ang katangiang kababaliwan ng mga kalalakihan. Kaya siguro ito ang pinakamatagal na kasintahan ni Jake. Ngayon niya naisip na napakaimposibleng may pagtingin pa sa kanya si Jake. Imposibleng ipagpapalit nito si Kassy sa katulad niya. Maganda si Kassy, maganda ang katawan, tindig. Matalino ito, sikat at mayaman. Ano pa ang magiging laban niya?
"Akala ko ba hindi ka na maglalaro?" bungad nito sa kanya na nakataas pa ang isang kilay habang nag-uunat-unat ito ng mga braso.
Bumuntong-hininga siya. "Kinausap kasi ako ni couch. Kulang daw kasi ang player sa department natin," aniya.
"Kung tutuusin hindi ka na kailangan. Balita ko may bagsak kang subject. Bakit hindi ka na lang mag-focus sa pag-aaral?" pan-iinsulto nito.
Biglang uminit ang bunbunan niya dahil sa sinabi nito. "Wala namang kinalaman ang mga subjects ko sa paglalaro. Kahit papano naigagapang ko sila," matapang niyang tugon.
Ngumisi si Kassy. "Dapat kasi hindi mo pinagpilitan ang sarili mo sa kursong hindi kaya ng utak mo. Sayang lang ang pera ng parents mo. Sayang din ang effort mo. Oh, nag-effort ka nga ba?"
Ngali-ngali niya itong tadyakan ngunit bigla niyang nasipat si Jake na palapit sa kanila. Nagulat siya nang lapitan ni Jake si Kassy at hinalikan sa pisngi. Nakombinsi siya na magkasintahan pa rin ang mga ito hanggang ngayon. Pero paano pa nagawang magpahayag ni Jake ng damdamin sa kanya samantalang may girlfriend pa ito? Lalo lamang siyang naiirita dito.
"Hi, Tina! Maglalaro ka pala ulit?" bati ni Jake sa kanya.
"Ah, oo," tipid niyang sagot. Napansin niya ang panlilisik ng mga mata ni Kassy sa kanya.
"Sige, maiwan ko na muna kayo," pagkuwan ay apila niya. Lalo lamang kasi siyang naiirita kapag nakikita ang lampungan ng dalawa.
Umalis siya sa lugar na iyon. Hindi lang siya kay Kassy nainis, pati na rin kay Jake. Hindi niya gusto ang pagiging play boy nito. Ang paghanga niya sa lalaki ay nahalinhan ng inis.
Habang wala pa ang ibang kasama nila ay naglibot muna siya sa campus. Ibang-iba ang aura ng paaralan kapag umaga. Hindi nakakatakot maggala kahit sa liblib na bahagi.
Napapangiti siya habang inaalala ang gabing nakipagniig siya sa lalaking hindi niya nakita o nakilala. Palapit na siya sa laboratory. Pero nang huminto siya sa tapat ng pinto ay bigla na lang dumapo sa isip niya si Dr. Rivas. Naaalala na naman niya ang eksena nila sa waiting shed.
Umaasa siya na makikita niya sa science classroom si Dr. Rivas kung saan ito madalas, ngunit iba ang gurong naroon. Katabi lamang ng laboratory ang silid-aralang iyon. Nursing student naman ang mga naroon at batay sa naririnig niyang paksa ay patungkol din iyon sa Human Anatomy.
Bakit hindi si Dr. Rivas ang nagtuturo?
Nakamasid siya sa labas ng classroom. Tamang-tama, patapos na rin ang klase. May nakita siyang third year student na kilala niya kaya inantabayanan niya ito. Hindi siya umalis sa tapat ng classroom.
"Oh, Tina, bakit nandito ka? 'Di ba night class ka?" manghang bungad sa kanya ni Abby nang salubungin niya ito.
"May practice kasi kami ng volleyball ngayon," aniya. Sumabay na siya rito sa paglalakad.
"Oh, so maglalaro ka pala ulit?"
"Yap. Napilit ako ni couch, e."
"Sana naman manalo naman tayo, no?"
"Oo nga, e."
Nasa tapat na sila ng pinto ng laboratoryo nang bigla siyang huminto. Huminto din si Abby.
"Ahm, may tanong lang ako, Abby," aniya.
"Ano 'yon?"
"Human Anatomy ang subject n'yo kanina 'di ba?" nangingiming tanong niya.
"Oo, bakit?"
"Hindi ba ninyo prof. si Dr. Rivas?"
Mariing kumunot ang noo ni Abby. "Si Dr. Dario Rivas? Iyong Anatomist from Germany?"
Sandali siyang natigilan. Sikat nga talaga si Dr. Rivas.
"Taga-Germany ba talaga siya?" aniya pagkuwan.
"Well base sa source ko. Pero sabi palipat-lipat lang siya ng lugar. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nationality niya. Ang dami ngang nahihiwagaan sa kanya."
"So kilala mo rin pala siya?"
Tumawa ng pagak si Abby. "Aba! Sino ba ang babaeng hindi magkainteres na makilala siya? Parang gusto ko ngang lumipat sa night class para maging prof. siya sa human anatomy kahit sandali, kaso ayaw akong payagan ng parents ko."
"Eh bakit nga ba hindi siya ang prof. ninyo?"
"Hindi daw kasi siya available sa umaga."
"Bakit?" interesadong tanong niya.
"Ewan. Siguro nagtatrabaho siya sa ospital tuwing umaga. Isa pa, part-time lang naman ang pagtuturo niya rito. Hindi rin siya magtatagal kaya hindi na ako masyadong umaasa. Isa pa, baka may asawa na siya. Bakit parang interesado kang malaman ang lahat tungkol sa kanya? Type mo rin siya, ano?" ani Abby at natapunan pa siya ng tukso.
Aywan niya bakit biglang uminit at kumapal ang pakiramdam niya sa pisngi niya. Sa tuwing napag-uusapan o naiisip niya ang guwapong doktor ay bumibilis sa pagtibok ang puso niya. Nai-i-imagine niya ang imahe ni Dr. Rivas. Ang malagkit na titig nito, ang killer smile nito at ang buong presensiya niyon na madalas siyang napapanganga.
"Uy, nagba-blush siya! Crush mo nga si Dr. Rivas. Ang landi mo rin, ah," ani Abby. Pinisil nito ang pisngi niya.
"Aray! Sabi mo nga, walang babaeng hindi magka-interes sa kanya. Unang kita ko pa lang sa kanya tinamaan na ako ng lintik. Susme!" animo kinikiliting sabi niya. Pakiramdam niya'y may kung anong malilikot na bagay ang dumadalantay sa mga ugat niya.
"Uy, balita ko OB/GYN din si Dr. Rivas, magpatingin kaya ako sa kanya, may problema ako sa period ko, e. Palaging irregular," nahihibang na sabi pa ni Abby.
Kinurot niya ang tagiliran nito. "Aray naman!" bulalas nito.
"Gaga! Paasa masyado iyang dahilan mo!"
"Bakit ba?"
Pagkuwan ay naglakad na naman sila. Naghiwalay na lamang sila nang pumasok na si Abby sa susunod na asignatura nito. Pagbalik naman niya sa gym ay naroroon na ang iba nilang kasama. Kararating lang din ni Mr. Romero.
"Okay, girls, mag-warm up muna kayo!" sabi sa kanila ni Mr. Romero.
Naghubad na ng jogging pants niya si Martina. Sobrang ikling itim na pants ang suot niya panbaba at bughaw na T-shirt naman pan-itaas. Nakisabay na rin siya sa ibang kasama na nag-uunat-unat ng kasukasuan.
"Magkakaroon tayo ng practice game ngayon. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo!" anunsiyo ni Mr. Romero, habang pinagninilayan sila.
Natigil sa pag-unat ng binti si Martina nang mapansin ang kararating na babae. Maikling pants din ang suot nito at itim na T-shirt. Nagulat siya, gulat na gulat. Hindi siya maaring magkakamali. Ang babaeng iyon ang nurse noong isang araw sa clinic na sana ay mag-aasikaso sa sugat niya. Bakit ito naroroon? Estudiyante pa ba ito?
"Girls, itigil n'yo muna iyan! May bago kayong meyembro from fourth year. Siya si Althea Roxas, nag-o-OJT na siya sa ospital pero gusto pa rin niyang maglaro. Gusto niyang masulit ang huling taon sa pag-aaral," pakilala ni Mr. Romero sa kararating na babae.
Nakatingin silang lahat kay Althea. "Hello sa inyong lahat!" nakangiting bati nito.
Biglang tumahimik.