Chapter 4

3706 Words
MAKALIPAS ang isang linggo. Dalang-dala si Martina sa minsang pagkapahiya sa klase ni Dr. Rivas. Nag-aaral na siyang maiigi at nakikinig. Lalo na at siya ang pinakamatanda sa klase na iyon. Si Rona kasi ay mas bata ng isang taon sa kanya. Nang gabing iyon ay nasa laboratory sila at aktuwal na tinatalakay sa harapan nila ang human skeleton. Iniiwasan ni Martina na mapatitig sa mukha ng kanilang guro dahil sa tuwing magtama ang mga paningin nila ay nawawala sa katinuan ang isip niya. May pagkakataon kasi na napapatitig sa kanya nang may katagalan ang guwapong doktor. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ito mawaglit sa isip niya. Habang isinusulat niya ang mga mahahalagang detalye na sinasabi ng kanilang guro ay aksidente namang nasagi niya ang bote na may lamang kalahating tubig. Natigilan ang lahat nang maglikha iyon ng nakakarinding ingay. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na bubog. "s**t!" bulalas niya nang mahiwa ng nabasag na bote ang hintuturo niya sa kaliwang kamay. Malaki ang sugat na naglabas ng maraming dugo. "Hala!" narinig niyang bigkas ng isa sa kaklase niyang babae. Nag-ingay ang lahat nang biglang magpatay-sindi ang mga ilaw sa loob ng laboratory. "Ano'ng nangyayari?" tanong ng karamihan. "Class, bumalik na muna kayo sa class room!" utos ni Dr. Rivas sa kanila. Tumalima naman ang mga estudiyante. Ngunit si Martina ay hindi na nakaalis sa kinatatayuan niya. Kinikilabutan siya sa pagpatay-sindi ng ilaw. Ang daliri niyang nasugat ay isinubo na lamang niya upang matigil sa pagdurugo. "Tina! Hoy!" tawag sa kanya ni Rona. Binalikan pa siya nito upang akayin palabas. "Mauna ka na," aniya. Hindi siya nagpahawak kay Rona. "Bahala ka nga," anito at basta na lamang siya iniwan. May dalawa pang estudiyanteng lalaki na naiwan at nagliligpit ng mga gamit ng mga ito. Nang igala niya ang paningin sa paligid ay hindi na niya makita si Dr. Rivas, ngunit ang mga ilaw ay patuloy sa pagpatay-sindi. Nag-abala pa siyang linisin ang naiwan niyang kalat ngunit natigilan siya nang biglang may kamay na sumampa sa balikat niya. Napakislot siya at pilit inaaninag ang malaking lalaki na nakatayo sa harapan niya. Nang kumislap muli ang ilaw ay naaninag niya ang bulto ni Dr. Rivas. "Lumabas ka na. Ako na ang bahala rito," wika nito. Inalis niya mula sa kanyang bibig ang daliring dumudugo. "Sorry po, Sir," aniya. Naramdaman niya ang pag-alis nito ng kamay sa kanyang balikat. Hindi niya magawang ikilos ang kanyang katawan nang maramdaman niya ang ilang darili nito na pumahid sa kanyang labi na may naiwang dugo. Nagtaka siya bakit nakita pa nito ang dugo sa labi niya gayung napakadilim. "Ate Tina, tara na!" tawag sa kanya ng dalawang kaklase niyang lalaki. Nang mahimasmasan ay malalaki ang hakbang na lumayo siya kay Dr. Rivas. Sumunod na siya sa mga kaklase niya. Dalawang beses nang nasugatan sa daliri si Martina pero ang sugat na iyon ang dumugo nang sobra. Naging suki na siya ng clinic nila. Pagdating niya sa clinic ay nagulat siya nang makita ang baguhang nurse. Maganda ito, matangkad at maputi. Wala na roon ang nurse na bakla na madalas niyang kakuwentuhan. Pagkapasok niya ay sinalubong siya nito ng mahayap na tingin. Umupo siya sa bench at hinihintay na asikasuhin siya nito. Titig na titig ito sa daliri niyang may sugat na may munting dugo na lumalabas. Pagkuwan ay umupo sa tabi niya ang nurse dala nito ang medicine kit nito. Hinawakan nito ang kamay niya kung saan may sugat. "Aw!" daing niya nang bahagya nitong pinisil ang daliri niyang may sugat. Ngali-ngali niya iyong bawiin mula sa kamay nito. "Relax, my dear. Ang bango ng dugo mo," wika nito habang panay ang singhot na para bang natatakam sa amoy ng dugo niya. And weird. Mariing kumunot ang noo niya. Nanlaki ang mga mata niya nang isubo nito ang daliri niyang may sugat at nagdurugo dahil sa pagpisil nito. Marahas na binawi niya ang kamay mula rito. Tumayo siya. Ang dibdib niya ay tila binabayo nang husto. Pilya ang ngiti ng nurse, waring may nakamit na tagumpay. "Maupo ka nang magamot ko ang sugat mo," anito pagkuwan. "Huwag na. Papatakan ko na lang ito ng katas ng dahon ng malunggay," aniya. Walang likod-lingon na lumabas siya ng clinic. Ngunit paglabas niya ay bumalya ang katawan niya sa matigas na katawan ng isang lalaki. Bahagya siyang nahilo. Nang harapin niya ang lalaki ay namangha siya. Naka-uniporme din ang lalaki ng nursing. Hanggang balikat lamang siya nito. Maputi ito at halatang may dugong banyaga dahil sa kayumanggi nitong mga mata at buhok. Nakakasilaw ang kaguwapuhan nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit biglang sumikdo ang puso niya samantalang noon lamang niya ito nakita. "S-Sorry," gumagaralgal na sabi niya. Nginitian lamang siya nito. Panay ang sipat nito sa gawi ng leeg niya. Hindi niya malaman kung ano ang tinitingnan nito, ang puno ba ng dibidb niya na bahagyang nakasilip? O ang kuwintas niya na naiwan pa noon ng estrangherong lalaki sa kuwarto niya? Pakiwari niya ay bagong enroll lang sa paaralan nila ang lalaki dahil noon lamang niya ito nakita, pero mukhang hindi naman ito first year student dahil mukhang mas matanda pa ito sa kanya. "Hi! Anong year ka na sa nursing?" mamaya ay tanong nito. "Ahm, third year, irregular. May mga subjects pa kasi akong binabalikan," dagling sagot niya. Hindi pa rin nanunumbalik sa normal ang t***k ng puso niya. "Pareho pala tayo." "Oh? P-pero bakit parang ngayon lang kita nakita dito?" manghang saad niya. "Kalilipat ko lang dito. Taga-Manila ako. Irregular din ako at nasa class B," anito. Tatangu-tango siya. Iginagala niya ang paningin sa kabuoan ng kausap. Natigil ang tingin niya sa kaliwang kamay nito. May tattoo ito sa may likod ng kamay sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Isang imahe ng first quarter na buwan na may mata sa gitna ang nakaguhit roon. "N-Nasa claas A naman ako," aniya sa malamig na tinig. Bigla siyang kinikilabutan sa hindi mawaring dahilan. Sa mga sandaling iyon ay naisip niya ang suot niyang pendant. Kamukha nito ang tattoo ng lalaki. "Uhm, may I know your name, please?" pagkuwan ay tanong ng lalaki. Tinitigan niya ito sa mga mata. "M-Martina Gonzales," balisang sagot niya. "Hm, napakagandang pangalan. Anyway, I'm Devey Martin. Nice to meet you, Martina?" anito sabay alok ng kanang palad. Walang pag-aatubiling dinaop niya ang palad nito. Natitigan niya ito sa mga mata nang mariing pinisil nito ang kamay niya. Matagal bago nito iyon pinakawalan. Biglang tumabang ang ngiti nito. "Nararamdaman kong magiging magkaibigan tayo. Naiiba ang taglay mong kagandahan at ang init ng iyong mga kamay ay nakakahawa. Hindi ako magtataka kung may isang lalaki na nanaisin kang maging kapareha at ibibigay ang lahat sa iyo," seryosong wika nito. Sapilitan na niyang binawi ang kamay mula rito. Nawindang siya sa biglang pagiging makata nito. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito. Nangilabot siya. Napaka-weird ng nangyayari. Ang weird ng mga taong nakakasalamuha niya ngayong araw. Una, yaong nurse sa clinic. Pangalawa naman itong si Devey. Ang weird ng personality. "Huwag kang matakot sa akin, hindi kita kakagatin. Mabait akong kaibigan, Martina. As in mabait na anumang oras ay darating kapag kailangan mo. Tama nga ang aking narinig, maraming magagandang dilag sa lugar na ito. Mga dalagang may malilinis na dugo," anito habang pilyo ang ngiti. Idinaan na lamang niya sa tawa ang kabang nadarama niya. Pakiwari niya ay napadpad siya sa panahon ni Francisco Balagtas. "Bakit ka natawa?" nakataas ang isang kilay na tanong nito. Pinigilan niya ang pagtawa. "Ang lalim mo kasing magsalita, wala sa hitsura mo." aniya. "Hindi mo ba ako nauunawaan?" "Naiintindihan, pero masyadong makata ang pananalita mo. Siguro mahusay kang gumawa ng tula. Hanga ako sa mga kagaya mo," aniya. Medyo kumalma rin ang kaba niya. Bumungisngis si Devey. Napakislot siya nang hipuin nito ang ulo niya. "Bakit ka kinakabahan, Martina?" tanong nito. Natigilan siya. Dagli'y lumayo siya rito. Paano nito nalaman na kinakabahan siya? May kakayahan ba itong basahin ang isip at puso niya? "Para huwag kang kabahan, ililibre kita ng meryenda," anito. Napansin niya na may kalambutan ang kilos nito maging ang pananalita nito. Masyado itong guwapo at makisig kung iisipin niyang bakla ito. Pero mukha naman itong mabait at matino. "Sigurado ka ba? Pero kasi hindi pa ako nagugutom," aniya. "Baka nauuhaw ka, o kaya'y gusto mo ng mangunguya," anito. "Ahm, okay lang ba?" untag niya. "Aalukin ba kita kung hindi okay?" sarkastikong sagot nito. Umismid siya. Nang lumakad ito ay sumunod siya. Patungo na sila sa canteen. May isang oras pa naman siyang vacant time kaya sinulit na niya. Ang mga kaklase kasi niya ay may klase pa. Inukupa nila ang mesa malapit sa counter at malapit din sa telebisyon na nakakabit sa dingding. Nag-order lamang siya ng juice na nasa lata, habang si Devey ay may sariling inumin na dala, nakalata din. Nakatuon lamang ang paningin niya sa telebisyon kung saan balita ang palabas. Natulala siya nang makita ang larawan ng bangkay ng lalaki sa TV. "Pasintabi po sa mga kumakain. Ang brutal na pagpaslang sa isang lalaki ay hindi pa matukoy ng awtoridad kung paano naisagawa ang karumaldumal na krimen. Ayon sa aming nakapanayam na isa sa personalidad ng SOCO, hindi raw basta gawa ng tao o ordinaryong hayop ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Wakwak po ang bituka ng biktima, nawawala ang ilang bahagi ng lamang-loob at may mga bakas ng animo'y pangil sa leeg. Inaantabayanan pa ng awtoridad ang resulta ng otopsiya..." wika ng reporter sa balita. Pakiramdam ni Martina ay hindi niya malunok maging laway niya. Parang may biglang bumara sa lalamunan niya. Napatingin siya kay Devey na iiling-iling. "Kawawa naman. Marami palang mababangis na hayop sa lugar na ito," malungkot na sabi ni Devey. Hindi siya naniniwala na pangkaraniwang hayop lamang ang may gawa niyon sa biktima. "Imposible naman na gawa lang ng hayop iyon. Anong klaseng hayop?" komento niya. Tumingin sa kanya ang lalaki. "Kung hindi hayop, ano sa palagay mo? Isang halimaw na kumakain ng tao? Mayroon ba niyon dito?" ani Devey. Hindi niya ito sinagot. Bumuntong-hininga siya. Nabuhay nang muli ang kaba sa dibdib niya. Naalala niya ang kuwento ng matatanda sa nayon nila, na may mga bampira daw na dumating sa lugaw nila at ang mga iyon ang pumapatay sa mga alaga nilang hayop. Hindi siya naniniwala na totoo ang mga bampira. Sa libro lamang iyon at kathang-isip ng mga manunulat. Nang maalala niya ang Mama niya ay saka lamang niya naisip ang kanyang cellphone. Tatawagan sana niya ito para kumusahin. Hinagilap niya ang cellphone sa kanyang bag ngunit wala roon. Naalala niya, ginamit niya iyon kanina noong nasa loob sila ng laboratory. Noong gumamit siya ng converter sa cellphone. "Ahm, maiwan na muna kita, ha. May pupuntahan lang ako," pagkuwa'y sabi niya sa kasama. "Walang problema," sabi lang ni Devey at ngumiti sa kanya. "Salamat sa inumin." Pagkuwan ay nagmamadaling tumungo siya sa laboratory. Madilim na sa bahaging iyon ng paaralan at wala na siyang makitang tao, ngunit nakabukas ang pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw ngunit dalawa lang ang umilaw. Nasa bukana pa lamang siya ng pinto ay dumalantay na ang kilabot sa buong katawan niya. Nag-sign of the cross siya bago humakbang papasok. Panay ang buntong-hininga niya. Walang ilaw sa bahagi kung saan sila huminto kanina—kung saan ang mga kalansay ng tao at hayop. Nagdadalawang-isip siya kung tutuloy pa siya. Pero kailangan niyang makuha ang cellphone niya, kung hindi ay makakatikim na naman siya ng sermon sa Kuya niya, na bumili niyon. Nangangatog kasi ang tuhod niya. Ayaw niyang umalis sa lugar na naaabot ng ilaw. Masyadong maluwag ang laboratoryo at maraming mga babasaging kagamitan. Sobrang tahimik sa loob. Sa sobrang katahimikan ay may narinig siyang yabag. Sigurado siya na hindi niya iyon yabag dahil hindi pa siya humahakbang. Binalewala niya iyon at inisip na guni-guni lamang niya ang narinig. Mamaya ay biglang namatay ang isang ilaw. Kumislot siya. Pag-atras niya'y bumangga ang kamay niyang may sugat sa gilid ng mesa. Napalakas pa. "Argh!" daing niya. Kumirot na naman ang sugat niya at pakiramdam niya'y dumugo ulit. Nanginginig ang katawan niya na halos hindi na niya maihakbang ang mga paa niya. Gusto niyang sumigaw ngunit tila may nakabara sa lalamunan niya. Noon na ulit niya nararamdaman ang ganoong katinding takot makalipas ang isang taon. Nang tinangka niyang tumakbo palabas ay saka naman tuluyang namatay ang nalalabing ilaw malapit sa pinto at tuluyan siyang napasigaw nang biglang sumara ang pinto. Napapaluha siya dahil sa takot. Hindi siya tumigil sa pagsigaw. Tumakbo siya sa pinto ngunit hindi niya iyon mabuksan. "Tulong!" sigaw niya. Kinakalampag niya ang pinto gamit ang kamay niya kung saan may daliring nasugatan. Hindi na niya ininda ang sakit. Nang umatras siya ay natigilan siya nang bumalya ang likod niya sa matigas na bagay na gumagalaw. Ganoon din ang pagpigil niya sa pagsisigaw. Namanhid ang katawan niya nang may mainit na kamay na lumilingkis sa baywang niya. May mainit na bagay na dumadalantay mula sa puno ng tainga niya, pababa sa kanyang leeg. Ang mainit na bagay na iyon ay unti-unting naglulusaw sa takot na bumabalot sa pagkatao niya. Ang kanyang kaba ay nahalinhan ng nakakahibang na init. Ramdam niya na isang lalaki ang yumayapos sa kanya dahil sa matigas nitong dibdib at maskuladong mga braso. Hindi siya kumilos. Hindi rin niya magawang palayain ang tinig niya. Kumislot siya nang madama niya sa kanyang leeg ang matutulis na bagay na waring babaon sa balat niya, ngunit hindi iyon natuloy. Narinig niya ang malalim na pagsinghap ng lalaki na tila natatakam, o kaya'y nauuhaw. Ikiniling nito ang kanyang ulo at naramdaman niya ang mainit na panlasa nitong lumalasap sa puno ng kanyang leeg. Diyos ko, gabayan N'yo po ako, taimtim niyang dalangin. NAKAGAT ni Martina ang kanyang ibabang labi nang maramdaman niya ang banayad na pagpisil ng lalaki sa kanyang dibdib. Napakainit ng pakiramdam niya sa kanyang katawan na waring nilalagnat sa loob at labas. Dahil sa intensidad na hatid ng mga kamay at bibig ng lalaki sa kanyang katawan ay tuluyan nang naglaho ang takot niya, bagkus ay nakadama siya ng pananabik sa nakatakdang mangyari. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagpikit ay lalo lamang niya nadama ang kamay ng lalaki na unti-unting nagiging marahas at mapaghanap. Naramdaman niya ang pagbaling nito sa kanyang harapan. Iminulat niyang muli ang kanyang mga mata sa kagustuhang masilayan ang mukha nito, ngunit nabigo siyang makita ito dahil sa kadiliman. Mapulang mga mata lamang nito ang nakikita niya, na tila naglilikha ng munting liwanag. Sa isang iglap ay muling sumariwa sa kanyang isipan ang nakaraang inangkin siya ng isang estrangherong lalaki. "S-Sino ka?" tanong niya. Ngunit wala siyang narinig mula sa lalaki, bagkus niyakap siya nito. Isinandal siya nito sa likod ng pinto. Hindi siya nakakilos nang bigla nitong siilin ng halik ang kanyang mga labi. Ang halik nito ay puno ng intensidad, marubrob at puno ng nakasasabik na sensasyon. Naramdaman na naman niya ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Nanlumo ang mga buto niya nang damhin nito ang kanyang malulusog na dibdib. Masyadong pangahas ang kilos nito, hindi niya ito magawang limitahan. Kumislot siya nang maramdaman niya ang pagbaklas nito nang sapilitan sa damit niya. "Uh! s**t!" bulalas niya nang makalaya ang bibig niya sa halik nito. Humubog ang mga kamay nito sa bawat bahagi ng kanyang dibdib. "Uhmmmm...." Hindi niya naawat ang pagsingaw ng kanyang halinghing. Lalo lamang siya nanlumo nang maramdaman niya ang mainit na bibig ng lalaki na lumalasap sa bawat dunggot ng kanyang dibdib. Napakapit siya sa mga balikat nito. Hindi na niya naramdaman kung paano nito pinalaya sa saplot ang kanyang katawan. Pakiramdam niya'y pinapaso ang balat niya sa tuwing malalapatan iyon ng labi nito. Iisa lang ang naiisip niya sa mga oras na iyon. Pamilyar sa kanya ang mga haplos ng lalaki, ang intensidad ng mga iyon. Pakiramdam niya'y ang lalaking iyon at ang estrangherong umangkin sa kanya noon ay iisa. Pero napakaimposible. Napayakap siya sa malaking katawan nito nang bigla siya nitong pangkuin. Iginiya siya nito sa mas madilim pang bahagi ng lugar. Naramdaman na lamang niya ang matigas at malamig na bagay na sumalo sa pang-upo niya. Hindi rin siya nakapalag nang pumagitan sa kanyang mga hita ang katawan ng lalaki, na naramdaman niyang wala na ring saplot. Mabilisang hinila nito pababa ang palda niya, maging ang kanyang panloob. Naghahagilap siya ng makakapitan nang ipaghiwalay pa nito ang kanyang mga hita. Iniangat nito ang mga iyon. Itinukod na lamang niya ang mga kamay sa kanyang likuran nang pakiramdam niya'y mawawalan siya ng panimbang. "Uhmmmm. Uh!" Dumaing siya nang madama niya ang mga daliri ng lalaki na bigla na lamang naglilikot sa malambot na parte ng kanyang p********e. Mamaya ay may mainit at mamasa-masang bagay pang naglalaro sa pagitan ng kanyang mga hita. Ang malikot, mainit at malambot na bagay na iyon ay may kakayahan na ungkatin ang pagnanasa sa kanyang katawan. Pakiramdam ni Martina ay malalagutan siya ng hininga dahil sa nakakabaliw na sensasyong nadarama niya. Natagpuan niya ang sarili na humuhubog ang mga kamay sa sarili niyang dibdib. Gusto pa niyang tumagal sa ganoong eksena pero mukhang hindi na siya makapaghihintay na makarating sa tugatog. At mukhang ramdam iyon ng lalaki. Hinahangos siya dahil sa pagsumikap na makontrol ang emosyon at maiwasang umalingawngaw ang kanyang hibang na tinig. Mamaya ay naramdaman niya ang mainit na bibig ng lalaki na dumalantay sa kanyang puson paakyat sa mayayaman niyang dibdib. Umigtad siya nang sakupin muli ng bibig nito ang bawat tutok ng kanyang dibdib. Kumikilos ang mga kamay nito sa gawi ng kanyang mga hita. Naramdaman niya ang paggiit nito ng katawan sa kanya. Ramdam na niya ang paparating na p*********i nito. Napasigaw siya nang biglang may kung anong malaki at matulis na bagay na umangkin sa kanya. Makirot iyon sa simula ngunit habang lumalaon ay unti-unti iyong nagpapahibang sa kanya. Ang matigas na bagay na iyon na tumulos sa kanya ay tila may sariling buhay. Nagsimula iyong lumabas-masok sa kanya na tila hindi mapakali. Nang dumalas ang pag-ulos ng lalaki ay ganoon din ang pagdalas ng halinghing at mga daing niya. Pakiramdam niya'y magkakalas ang kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan dahil sa bilis nito. Nayanig ang buong katauhan niya. Lalong lumakas ang hinala niya na ang lalaking ito at ang estrangherong lalaki na umangkin sa kanya noon ay iisa dahil sa pamilyar na kilos at lakas nito. Hindi niya ininda ang pangangalay ng mga binti at mga braso niya. Ang umaalipin sa kanya ngayon ay ang sensasyong hindi niya mawari kung saang parte ng katawan niya nagmumula. Nang tumugil sa pagkilos ang lalaki ay iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala pa rin siyang makita dahil sa kadiliman. Binuhat siya nito at ibinaba habang nanatiling angkin siya nito. Sandaling kumalas ito sa kanya. Animo robot na sunod-sunuran siya sa anumang ipapagawa nito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ang alam niya'y nakatalikod siya sa lalaki. Iginiya nito ang mga kamay niya na kumapit sa mesang nasa harapan niya. Kumapit naman siya. Pagkuwan ay itinukod nito ang kamay sa kanyang likod at itinulak upang iyuko niya ang katawan. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin buhat sa likuran. Dumaing siya nang maramdaman niyang muli ang pag-angkin nito sa kanya. Napapadalas ang pagbayo ng katawan nito sa kanya kasabay sa paghaplos ng mga kamay nito sa kanyang dibdib. Kumapit siya nang husto sa mesa nang pakiramdam niya'y malulumpo siya. "Aaaaaaahhh...uhmmmmm!" Walang puknat ang sigaw at halinghing niya. Ang kilos ng lalaki ay lalo pang tumutulin. Paminsan-minsa'y naririnig niya ang halinghing nito. Sa halip na masaktan dahil hinawakan nito ang mahaba niyang buhok, ay tila lalo lamang siyang nasasabik. Panay ang hila nito sa buhok niya habang napapadalas ang pag-ulos nito sa kanya. Natatawa siya sa kanyang naiisip. Ganoon kasi ang mga eksenang nababasa niya sa mga erotic novel at mga scandal na napapanood niya. Hindi niya masisi ang mga babaeng animo kinakatay habang inaangkin ng lalaki. Ganoon din pala ang mararanasan niya sa kalagayan niya ngayon. Ang lalaking umaangkin sa kanya ay masyadong malakas. Wala itong pakialam kahit nasasaktan siya. Narinig niya ang paghaginit ng mesang kinakapitan niya. Maging iyon ay naglilikha ng ingay, segunda sa kanyang tinig. Hindi na rin niya naririnig kung ano'ng mga salita ang nabibigkas niya. Pakiramdam niya'y mahihibang siya. Halos mabali na ang leeg niya sa kakahila ng lalaki sa buhok niya, ngunit hindi niya iyon ininda. Mas ininda niya ang bayolenteng init na rumaragasa sa kanyang kaibuturan. Napakasarap niyon sa pakiramdam. "Ooooh. Uhmmmm..." Tinangka niyang tumayo ngunit naramdaman niya ang pagbaon ng kuko ng lalaki sa kanyang balikat. Napasigaw siya. Ngunit hindi siya pumalag. Pakiramdam ni Martina ay hindi siya magtatagal sa ganoong posisyon. Labis na nanlulumo ang mga tuhod niya ngunit tiniis niya hanggang sa dumalas pa ang pag-ulos ng lalaki na waring nalalapit na ito sa inaasam nitong orgasmo. Mamaya ay bigla na lamang ito kumalas sa kanya. Nadidinig niya ang walang espasyong paghingal nito. Sumandal si Martina sa gilid ng mesa habang hinahabol din ang sariling hininga. Pinilit niyang inaaninag ang mukha ng lalaki ngunit ni anino nito ay hindi humuhulma sa paningin niya. Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. "Magpakilala ka naman pakiusap," samo niya sa pagal na tinig. Hindi niya narinig ang tinig nito bagkus ay hinalikan siya nito sa labi. Kahit simpleng halik ay punong-puno iyon ng intensidad. Napakislot siya nang dumapo ang kamay nito sa pagitan ng kanyang mga hita. Iginiit nito ang katawan sa kanya. Naramdaman niya sa kanyang mga hita ang muling pagkabuhay ng p*********i nito. Gusto nitong maulit ang nangyari sa kanila kanina. Hindi niya maikakailang gusto pa niyang maulit pero inaalala niya ang susunod niyang klase. "Please, enough," sabi niya sa dismayadong tinig. Tumigil sa pagkilos ang lalaki. Ngunit bago sila maghiwalay, gusto niyang lubusin ang pagkakataong madama ang kabuoan nito. Hinaplos niya ang mukha nito. Matangos ang ilong nito, may mahahabang pilik-mata at maninipis ang mga labi nito. Makikinis din ang kutis nito. Dinama din niyang muli ang dibdib nito. Hitik iyon sa muscles na may mapipinong balahibo. Natigilan siya nang mahawakan niya ang kamay nito na may hawak na matigas na bagay. Iyon na ata ang cellphone niya. "Phone ko ba 'to?" tanong niya. Hindi kumibo ang lalaki, sa halip ay siniil nito ng halik ang labi niya. Tumugon siya ngunit pasipleng inagaw niya ang kanyang cellphone mula sa kamay nito. Pipindutin sana niya ang keypad ng cellphone upang magliwanag ngunit mahigpit nitong hinawakan ang kamay niyang iyon. "Bakit?" manghang tanong niya. Hindi pa rin ito nagsasalita. Hinalikan lamang siya nito muli sa mga labi. Dagli siyang tumugon. Mamaya ay bigla na lamang itong lumayo sa kanya nang bumukas ang pinto. Bumukas na muli ang ilaw. Kumubli siya sa likod ng estante saka nagbihis. Nang hagilapin naman niya sa paligid ang lalaki ay hindi na niya ito makita. Umalis na lamang siya na hindi nakakausap at nakikita ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD