“Maraming salamat,” sabi ko nang makarating kami sa harap ng bakuran ng bahay namin. Alas-nuebe bente pa lang ng gabi, kaya siguradong gising pa ang mga kapatid at magulang ko. “You’re welcome,” sagot ni Dylan. “Huwag ka nang lumabas ng kotse, baka harangin ka pa ng mga magulang ko.” Binuksan ko ang pinto ng kotse, ngunit bago pa ako makalabas, bigla niya itong isinara. “Bakit?” tanong ko, nagtataka. Seryoso siyang tumingin sa akin. “May gusto akong sabihin sa’yo.” “Bakit hindi mo sinabi kanina? Ano ba ang sasabihin mo?” Nanatili siyang nakatingin sa akin, namumula ang mukha. “Ano ba ang sasabihin mo?” tanong ko ulit. Bumuntong-hininga siya. “Sienna…” Bahagyang umangat ang isang kilay ko habang naghihintay ng sagot niya. “Ano ba ang sasabihin mo? Bakit namumula ang mukha mo?” “S