Bigla akong nakaramdam ng hiya nang pumasok kami sa classroom na magkasama ni Dylan. Nakatingin sila sa aming lahat, ngunit ang nakatawag pansin sa akin ay ang hindi maipintang mukha ni Ashley. Bahagya akong lumayo kay Dylan. Mabuti na lang talaga at kanina pa niya binitawan ang kamay ko. “Mr. Santiago, and Miss Meredith! Late na kayo sa klase ko,” wika ng professor namin. Yumuko ako. “Sorry, Sir!” Nakayuko ako nang pumunta sa mesa ko. “Dude, nag-date ba kayo ni Sienna kaya pareho kayong late?” pabulong na sabi ni Blake. “Baka hindi agad nahugot,” biro ni Andrei. “Shut up! Lahat ng sinabi n’yo ay walang katotohan,” wika ni Dylan. “Bakit magkasabay kayong dalawa?” tanong ni Andrei. “Wala na kayo doon,” inis na sagot ni Dylan. Dahil sa likod ko lang naman sila nakaupo. Naririnig k