CHAPTER 17

3568 Words

Patuloy ang pagtunog ng alarm ko sa cellphone ko habang ako ay nakapikit at nakabalot ng kumot ang buong katawan. Naramdaman kong nilalamig at masakit ang buong katawan ko kaya tinatamad akong bumangon. Ilang sandali pa ay tuluyan na akong nakatulog. “Maria Sienna!” sigaw ni Mama habang niyugyog ang balikat ko. Inalis ko ang kumot sa pagkakabalot sa mukha ko at tumingin sa kanya. “Bakit?” mahina kong sabi. “Hindi ka ba papasok?” “Papasok ako.” “Kung papasok ka ay bumangon ka na dahil alas-siyete na ng umaga!” “Thirty minutes pa,” tugon ko. “Mahuhuli ka na sa klase kung hindi ka hindi babangon. Hindi ba’t may group presentation ngayon ngayon?” Bigla kong naalala ang group presentation namin kaya bumangon ako para mag-asikaso. “Mama, may mainit na tubig ba kayong pinakulo?” tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD