CHAPTER 5

3373 Words
Alas-singko pa lang ng umaga, naririnig ko na ang kalampag sa kusina. Maaga kasing nagising si Mama para magluto ng almusal. Ngayong araw ang unang pasok ko sa Saint Paul International School, kaya naman excited si Mama na pumasok ako. Gusto ko pa sanang matulog, ngunit narinig ko na ang katok sa pintuan ng kuwarto ko. “Bakit?” tanong ko, kunwari’y wala akong alam. “Anong bakit? Bumangon ka na dahil ngayon ang unang araw mo sa Saint Paul International School!” sagot ni Mama. “Ma, alas-siyete pa naman ang pasok ko.” “Alam ko, pero kailangan mong gumising nang maaga dahil maghahanap ka pa ng room para sa unang subjects mo.” “Madali lang naman hanapin ‘yon. Matutulog muna ako kahit kalahating oras.” “Maria Sienna, maligo ka na!” Napakamot ako sa ulo. “Ma, maaga pa nga,” inis kong sagot. “Sinabi ko kasi sa’yo na matulog ka nang maaga kagabi.” “Natulog naman ako nang maaga!” Tinaasan niya ako ng kilay. “Anong oras?” “Alas-dose bente...” “Ikaw talaga!” Sabay hila niya sa buhok ko. “Aray!” “Ang tigas talaga ng ulo mo!” inis na sabi ni Mama. “Ma, ang buhok ko!” reklamo ko. “Maligo ka na!” “Opo.” “Kapag hindi ka pa naligo, kakalbuhin ko ang buhok mo!” banta niya sabay talikod. “Aray! Si Mama talaga, masyadong mapanakit.” Wala akong nagawa kundi sundin siya. Ayoko namang kalbuhin ni Mama. “Kainis! Mas excited pa siya kaysa sa akin,” bulong ko. Nakasimangot ako habang nakatingin sa salamin. Nakasuot ako ng fitted na palda at blouse. Hindi bagay sa personalidad ko ang uniporme. Pakiramdam ko ay hindi ako makakakilos nang maayos. “Hays! Ang pangit naman ng uniporme ng SPIA,” reklamo ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng kuwarto para kumain ng almusal. Maaga pa kaya tulog pa ang dalawa kong kuya. Tanging ang mga magulang ko lang ang kasabay ko sa hapag-kainan. “Maria Sienna, ayusin mo ang pag-aaral mo. Kailangan ma-maintain mo ang pagiging scholar mo,” paalala ni Mama. “Opo,” malungkot kong sagot. “Oh, bakit hindi ka masaya? Ikaw lang yata ang scholar na hindi masaya.” Bumuntong-hininga ako. “Wala kasi akong kasama sa school.” “Dapat nga proud ka.” “Kung nakapasa sana si Luther, masaya sana ako dahil may kasabay akong pumasok sa school.” “Hindi siya nakapasa, kaya wala kang magagawa,” sabi ni Mama. “Maria Sienna, isipin mo na lang, kapag nakapagtapos ka at naghanap ka ng trabaho, mabilis kang matatanggap dahil kilala ang school na pinasukan mo,” wika ni Papa. “Wala naman akong choice, eh.” “Bilisan mong kumain at umalis ka na. Nagluto ako ng baon mong pagkain para hindi ka na bibili,” sabi ni Mama. “Anong ulam ko?” “Nagluto ako ng fried chicken.” Ngumiti ako. “Salamat! Masarap ang ulam ko.” Pagkatapos kong kumain, nag-ayos na ako para pumasok. Dahil malayo ang SPIA sa amin, kailangan ko pang sumakay ng jeep. Pagkasakay ko ng jeep, napansin kong nakatingin sa akin ang mga estudyanteng pasahero. Marahil ay nagtataka sila kung bakit may estudyanteng naka-uniporme ng SPIA. “Hello, Miss!” bati ng katabi kong babaeng estudyante. Ngumiti ako bilang tugon. Kung hindi siya cute, hindi ko siya papansinin. “Estudyante ka ng SPIA?” tanong niya. Tumango ako. “Scholar ako.” Tumango rin siya. “Kaya pala,” sabay baling niya sa ibang direksyon. Hindi na ako nagtataka kung bakit nakatingin sila sa akin. Karamihan kasi sa mga estudyante, pangarap makapag-aral sa SPIA. Mga mayayaman kasi ang nag-aaral doon. “Manong, dito lang sa gilid!” sabi ko. Mabuti na lang at hindi bingi si Manong. Huminto ang jeep sa tapat ng SPIA. Agad akong bumaba at tumawid patungo sa entrance gate. Dalawa ang gate ng SPIA—isa para sa mga estudyanteng may sasakyan at isa para sa mga walang sasakyan. Pinaghiwalay nila ito para maiwasan ang komosyon tuwing may papasok. Madalas kasi, nag-aabang ang ibang estudyante sa gilid ng gate para makita ang mga crush nilang may sasakyan, na nagiging sanhi ng traffic. Safe na rin ito para sa mga katulad kong hindi “rich kid” para hindi agad mahusgahan sa pagpasok. “Good morning!” bati ng security guard. Tumango ako at ngumiti. Maglalakad na sana ako papasok nang biglang hinarang ako ng security guard. “Ma’am, ID n’yo?” tanong niya. “Ay, sorry!” Agad kong kinuha sa bag ang ID at ipinakita ito sa kanya. “Isuot n’yo po ang ID n’yo,” aniya. Sinunod ko naman siya, kaya pinapasok na ako sa loob ng paaralan—ang SPIA. Isa o dalawang linggo bago ang pasukan, binibigay na ang mga ID at uniporme. Pagpasok ko, napansin kong kaunti lang ang nakasuot ng uniporme. “Akala ko ba istrikto sila? Bakit yung iba hindi nakasuot ng uniporme?” bulong ko sa sarili. Lahat ng mga kasabay kong pumasok kanina ay naka-uniporme, pero pagdating ko sa loob, maraming hindi nakasuot. “Guys! Balita ko, maagang papasok ang mga heartthrob ng school,” narinig kong sabi ng tatlong babaeng nadaanan ko. “Heartthrob?” mahinang bulong ko. Pumunta ako sa information desk para alamin kung saan ang silid ng unang subject ko—Life of Rizal. “Building 3, second floor, Room A,” sabi ng staff habang iniabot ang maliit na papel na may nakasulat na direksyon. Hindi mahirap hanapin dahil malinaw naman ang paliwanag niya kung saan banda ang Building 3. Pagdating ko sa Room A, pagpasok ko pa lang ay nakatingin agad sa akin ang mga estudyante. Halos lahat sila ay walang suot na uniporme. Ngumiti ako. “Hello! Ito ba ang Room A?” tanong ko. Humalukipkip ang isang babae at tinaasan ako ng kilay. “Scholar ka?” tanong niya nang diretso. “Paano mo nalaman?” “Tsk! Nakasuot ka ng uniporme sa unang araw ng klase,” sabi niya sabay irap. Kumunot ang noo ko. “Bawal ba magsuot ng uniporme?” “Eww! Kadiri!” sagot niyang maarte. Arte, akala mo maganda! Pinili kong huwag na lang siyang pansinin. Naghanap ako ng mauupuan at tahimik na naghintay ng professor namin. “Parang hindi ako tatagal dito…” bulong ko sa sarili. Pakiramdam ko’y parang hindi nila ako nakikita. Lahat sila ay may sariling kausap at halos lahat ay may mga nakataas pang kilay tuwing titingin sa akin. “Miss!” Napalingon ako. Isang maganda at nakangiting babae ang lumapit sa akin. “Hi!” bati ko. Ngumiti siya. “Bago ka lang dito?” Tumango ako. “Scholar ako.” “Kaya pala naka-uniporme ka,” aniya. “Gan’un ba ‘yon? Kapag scholar, dapat naka-uniporme?” tanong ko. “Oo. Mga scholar lang kasi ang madalas sumusunod sa school rules. Yung iba, alam na puwedeng hindi mag-uniporme sa unang araw.” “Okay. Salamat sa impormasyon.” “Ako nga pala si Aira.” “Ako naman si Sienna. Sie na lang ang tawag mo sa akin.” “Okay, nice to meet you.” Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil may nakilala akong mabait. Pagkalipas ng labinlimang minuto, dumating ang professor namin. “Lahat na ba ay nandito?” tanong niya. “Wala pa sina Dylan!” sigaw ng isang babae. “Dylan?” bulong ko. Bigla kong narinig ang malalakas na tili sa labas. “Nandiyan na sila,” sabi ni Aira. Tumitig ako sa pinto para makita kung sino ang tinutukoy nila. Nang pumasok ang isang lalaki, kinabahan ako. “Sandali! Kilala ko ‘yon…” Sila ang lalaking nambugbog kay Luther! “s**t! Kaklase ko sila?” Pagpasok ng grupo, parang sinadya pang maglakad papalapit sa akin. “Hi! I’m Andrei. Nice to see you again,” sabi niya na may pang-aasar. Sumimangot ako at hindi na lang siya pinansin. Ngunit bigla akong napalingon nang marinig ang boses ng isang babae: “Excuse me!” Halos lahat kami ay napatingin sa nagsalita. Nagkulay-puso ang mga mata ko nang makita ko ang magandang babae na si Ashley. "Sir, I'm sorry, I'm late," sabi niya. "It's okay," sagot ng professor namin. Nakatulala ako habang pinapanood siya sa paglalakad papunta sa kanyang upuan. "Kung may malas, may swerte rin talaga." Sa likuran niya ako nakaupo, kaya kitang-kita ko ang bawat kilos niya. "Ang ganda niya," bulong ko sa sarili. Nagsimula nang magturo ang professor namin. "Class, bukas na tayo magsisimula sa unang topic natin, pero magbibigay na ako ng assignment ngayon," wika niya. "Yes, Ma'am." Binuksan niya ang projector at ipinakita ang nakahanda niyang assignment. Dahil pinapayagan ang paggamit ng cellphone, kinuhanan ko na lang ito ng litrato. Mamaya ko na lang isusulat kapag nasa bahay na ako. Pagkatapos ay isa-isa nang nagpakilala ang mga kaklase namin. "Hello! I’m Maria Sienna, from LUS High School," sabi ko. Ngunit nang tingnan ko sila, wala ni isa ang nakatingin sa akin. Lahat ay may kanya-kanyang ginagawa. "Thank you," sabay upo ko. Pakiramdam ko'y napahiya ako dahil parang binalewala nila ako. "Hi, Sienna!" wika ni Ashley. Namula ang mukha ko. "Hello!" sagot ko. "Magkaklase pala tayo," sabi niya. "Hindi ko rin inasahan na magiging kaklase kita." Ngumiti siya. "Anyway, salamat sa tulong mo." "Wala 'yon." Inilahad niya ang kamay niya. "Nice to meet you." Napakalambot ng kamay niya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang hawak ko ang kamay niya. Nang umalis na ang professor namin, biglang tumayo sa harapan ko si Dylan. "Hoy, scholar!" galit niyang sabi. Tumingala ako. "Ako ba ang tinatawag mo?" "Sino pa ba ang scholar dito?" "Hindi ko alam? Bakit mo tinatanong sa akin?" Nakita ko ang galit sa mukha niya. "Tarantado ka!" Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kwelyo ng uniporme ko. "Hoy! Baka masira ang damit ko!" sigaw ko. Ang mga kaklase ko ay nanonood lang. "Marami kang atraso sa akin!" Sa inis ko, kinagat ko ang kamay niya. "Ouch! f**k!" sigaw niya. Lumapit ang tatlong kasama niya pati ang iba pang mga estudyante. "Anong problema n'yo?" tanong ko. "Wala kang galang!" sigaw ng isa. Nagulat ako nang bigla akong hagisan ng mineral water. "Bakit mo ako binasa?" sabi ko. "Gusto kong ipaalam sa lahat na mula ngayon, ikaw na ang bago naming target," sabi ni Dylan. Kumunot ang noo ko. "Anong target?" Bigla nila akong pinagbabato ng papel at tubig. "Ano ba!" sigaw ko. Basang-basa ang damit ko habang nagtatawanan sila. Napansin ko si Ashley, malungkot na nakatingin sa akin, habang si Aira naman ay walang magawa. Lumapit si Dylan, halos dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. "Ano? May angal ka?" Kuyom ang kamao ko sa galit. Sa unang araw pa lang yata ng klase, masususpende na ako. "Nakakainis ka na!" Sinuntok ko siya sa mukha. "Ouch!" sigaw ni Dylan. Nagulat ang lahat nang bumagsak siya sa sahig. "Akala mo siguro hindi kita papalagaan!" galit kong sabi. Baka akala nila, Barbie doll ang hilig kong nilalaro noong bata ako. Pero wrestling ang gusto ko. Biglang hinawakan ni Blake at Dice ang mga kamay ko, pero sinipa ko ang tuhod nila sabay sipa sa balls nila. "Aray!" sigaw nila. Mas lalong nagalit ang grupo nila at sinimulan akong pagtulungan. May humila sa buhok ko at may humahampas sa akin. "Aray ko!" sigaw ko. “What’s going on here?!” sigaw ng professor namin. Lahat sila ay bumalik sa mga upuan nila. Naiwan akong parang basang sisiw. Gusto kong umiyak, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong isipin nilang talunan ako. Lumapit ang professor sa akin. "Anong nangyari sa'yo?" Lahat ng kaklase ko ay masama ang tingin sa akin, na para bang sinasabing huwag akong magsusumbong. “Sir, scholar po ako rito. Si Dylan at ang grupo niya ay pinagtulungan akong bugbugin,” sabi ko. “That’s not true,” sagot ni Dylan. “Totoo ang sinabi ni Sienna,” sabi ni Ashley. Gusto kong umiyak sa tuwa dahil pinagtanggol ako ni Ashley. “Sir, hindi totoo ang sinabi ni Ashley,” wika ng isa kong kaklase na babae. “Why don’t you review the CCTV footage so we can find out who’s telling the truth?” mungkahi ni Ashley. Bigla silang natahimik. “Hindi ko palalampasin ang gulong ginawa n’yo! Hindi ba’t ilang beses ko nang sinabi na tigilan n’yo na ang pambubully sa mga scholar?” galit na wika ng professor namin. Tahimik silang lahat habang pinapagalitan sila. Tinawagan ng professor namin ang principal ng paaralan at agad na pina-review ang CCTV footage. “Miss Sienna, pumunta ka muna sa clinic para ma-check kung may injury ka,” sabi ng pricipal. “Yes, Sir,” sabi ko. “You all! You’re not leaving this room until the investigation is complete. If it’s proven that you started this trouble, I will call your parents. Is that clear?” wika ng principal namin. “Yes, Sir!” Lumapit si Ashley. “Sir, samahan ko na po si Sienna sa clinic." “Sige, samahan mo siya.” “Let’s go!” inalalayan niya ako palabas. Sinamahan ako ni Ashley sa clinic ng school. Ang ganda ng clinic ng school may limang kama sila at tatlong nurse na naka-assign ngayon. Ang doktor nila ay on call at napansin ko rin na may ambulansya sila. “Wala bang masakit sa’yo?” tanong ng nurse. “Masakit po ang ulo ko at likod ko at medyo nahihilo ako. Gusto ko lang talagang tumambay sa clinic kasama si Ashley.” “Magpalit ka ng damit at magpahinga ka muna habang hinihintay natin si Doc. Sabihin mo sa akin kapag hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo o may iba ka pang nararamdaman,” wika ng nurse. “Yes, Nurse,” sagot ko. Inalalayan nila akong humiga sa kama. Paglapat pa lang ng likod ko ay parang hinihila na ako sa antok. “Ashley, salamat pala kanina,” sabi ko. Ngumiti siya. “Wala ‘yon. Gusto ko lang talagang umalis sa klase ngayon kaya sinamahan kita.” “Salamat at hindi ka katulad nila.” Bumuntong-hininga siya. “Kung ako sa’yo ay hihingi na ako ng tawad kay Dylan.” Kumunot ang noo ko. “Bakit naman?” “’Yung ginawa sa’yo kanina. Patikim pa lang nila sa’yo. Kapag nalaman ng ibang estudyante ang utos ni Dylan lahat sila ay bubulihin ka.” “Uso pa rin pala ang bully dito sa school? Akala ko nawala na dahil may batas na.” “Hindi mawawala ‘yon lalo na si Dylan ang anak ng may-ari ng school.” “Siya ba si Dylan Wyatt Santiago?” Tumango siya. “Mababait ang pamilya niya.” “Siya lang ang hindi,” sagot. Kung alam siguro ni Jaja na masama ang ugali ni Dylan baka hindi na niya ito maging crush. Tumango si Ashley. “Hindi kita matutulungan sa lahat ng oras kaya manghingi ka ng tawad ka na kay Dylan.” Sumimangot ako. “Bakit ako ang hihingi ng tawad? Siya ang nauna!” “Kung gusto mong makatapos dito sa SPIA. Hihingi ka ng tawad sa kanya kahit siya ang may kasalanan.” “Kainis! Unfair naman!” “Unfair talaga dito lalo na kung alam nilang scholar ka. Ayaw nilang may scholar dito kaya madalas binubully nila para umalis.” “Gano’n?” Tumango si Ashley. “Ibibili kita ng pagkain.” “Sandali lang!” sabi ko. “Bakit?” “Bibigay ako ng pambili.” “Libre na kita,” sabay alis niya. “Thank you.” Hindi lang alam ni Ashley na sobrang saya ko ngayon. Kahit hindi maganda ang nangyari sa akin ay napalapit naman ako agad sa kanya. “Ang ganda niya at mabait.” Apat na oras akong nakatambay sa clinic bago ako bumalik sa klase. Tahimik ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa loob. “Miss Meredith!” “Yes, Sir!” “May gustong sabihin sa’yo ang mga kaklase mo,” wika ng principal namin. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ng principal namin nang bumalik ako dito. “Ano po ‘yon?” “Class, anong sasabihin n’yo?” “Sorry!” pilit nilang sabi. “Good. Ikaw Mr Santiago?” wika ng principal namin. Sumimangot siya. “I’m sorry!” “Marunong naman pala kayong makinig. Kung hindi pa kayo isusumbong sa mga magulang niyo hindi p kayo susunod,” wika ng principal. “Sienna, umupo ka na,” wika ni Ashley. Tumango ako at bumalik sa upuan. Naging tahimik ang mga kaklase ko habang nagtuturo ang professor namim. Nagpakitang gilas naman ako sa crush kong si Ashley. Lagi akong tumataas ng kamay para sumagot. “Hays! Tapos na rin ang maghapon na klase.” Binitbit ko ang bag ko at umalis. Dahil nabasa ang uniporme ko kanina kaya nakasuot ako ng P.E Uniform ngayon. Habang naglalakad ako palabas ng gate, napapansin kong may nakasunod sa akin. Nang lumingon ako ay nakita ko si Dylan at ang mga kaibigan niya. “Sinusundan n’yo ba ako?” Halos bumulugta ako sa matalim na tingin niya. Halata sa mukha niya ang galit sa akin. Lumapit si Dylan sa akin. “Pabida ka rin kanina.” “Anong pinagsasabi mo?” Nagsimula akong maglakad. “Hoy, Sienna!” sigaw niya. “Bakit ba!” sigaw ko na rin. “Kung akala mo ay tapos na ang paghihirap mo dahil kinampiham ka ng principal, nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang akong makipaglaro sa’yo at sisiguraduhin kong kusa kang aalis tulad ng ibang hampaslupang scholar noon.” Kuyom ang kamao ko sa galit. “Alam mo, kung ano ang ginanda ng mukha mo, kabaliktaram naman ng ugali mo. Nandito ako para mag-aral hindi para maghanap ng gulo.” “Pero ikaw ang nagsimula ng gulo.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano bang kasalanan ko sa’yo? Ikaw naman ang nauna.” “Hindi mo kilala ang kinakalaban mo.” Bumuntong-hininga ako. “Okay, sorry na!” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Sorry lang?” “Anong gusto mong gawin ko para tigilan mo ako?” “Gusto kong huminga ng tawad sa akin sa harap ng maraming estudyante at halikan mo ang paa namin para patawarin kita.” Tumawa ako. “Sino ba kayo sa inakala n’yo? Diyos ba kayo para halikan ang paa. For your information hindi ako sumasamba kay Satanas. Manigas ka!” sabay talikod ko. “Hoy, bumalik ka! Hindi pa ako tapos!” Tinaas ko ang kamay ko ay nag-finger f**k sign ako sa kanya. “Ulol! Hindi ako magpapauto sa inyo.” Hindi maipinta ang mukha ni Mama nang makita niya ang uniporme kong sobrang dumi. “Maria Sienna, sa imburnal ka ba nadulas? Bakit ganito ang damit mo ang daming mantsa?” “Paanong hindi magkakamatsa lahat na yata ng inumin nila tinapon sa akin,” bulong ko. “May sinasabi ka?” tanong ni Mama. “Mama, unang araw ko pa lang sa school hindi na maganda ang pangitain ng uniporme ko. Ano kaya kung hindi na ako pumasok? Ang sasama rin ng ugali ng mga kaklase ko.” “Sasayangin mo ang pinaghirapan mo. Nandiyan ka na kaya gawin mo na ang lahat para makatapos ka.” “Hindi ko talaga gusto mag-aral sa SPIA.” “Kung ayaw mong mag-aral sa school hindi ka namin kayang pag-aralin ngayon.” “Bakit naman?” “Hindi na namin kayang sabay-sabay kayong pag-aralin. Ang Kuya Melvin mo ay sa Manila ang training kaya malaki ang kailangan pera dahil kailangan niyang maghanap ng titirahan doon. Ang Kuya Rasco mo naman ay graduating na ngayon.” Bumuntong-hininga ako. “Kaya pala pinipilit n’yo akong mag-exam ng scholar dahil wala pa lang nakalaan na pera para sa pag-aaral ko.” “Kaya magpakabait ka sa school na pinapasukan mo para makatapos ka.” “Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi ang magtiis.” “Lalabhan ko na itong damit mo.” Lumabas ng kuwarto si Mama upang labhan ang damit ko. “Wala pala akong pagpipilian kung hindi ang magtiis. Kainis!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD