Buong akala ni Amanda umalis na si Franco sa kaniyang silid. Nagbabad siya ng trenta minutos sa bathtub at lumabas lang nang tingin niya'y wala na ang lalake sa kaniyang silid, pero naroon pa din ito, at kasama na si Divine. "Mommy, gusto ko pong matulog sa tabi niyo ni Daddy!" Napakalawak ng ngiti ng kaniyang anak. Bagay na ayaw niyang mapalis kung hindi siya papayag sa gusto ng anak. Ngumiti lang siya at piniling hindi na lang sumagot. Kumuha siya ng damit na susuotin niya saka bumalik ng banyo para magbihis. Pagkatapos ay nagtungo na sa kaniyang kama para makapagpahinga. Nasa gitna si Divine at sila ni Franco ay nasa magkabilang gilid. May hawak na libro si Franco, kinukuwentuhan nito ang kaniyang anak. It's a fairytale story at hindi niya alam kung tama ba ang kuwento na binaba