Hindi malaman ni Franco kung maiinis siya o matutuwa kay Amanda, dahil sa sobrang lalim ng pagtulog nito. Hindi talaga ito nagising sa kaniyang presensya. Paano kung ibang tao na pala ang nakapasok sa silid nito at plano siyang pagtangkaan ng masama? Bumuntong hininga siya at buong pag-iingat na gumapang palapit dito. Pumasok siya sa loob ng kumot, sa bandang paanan nito. Napasinghap siya nang makita na roba lang ang suot ni Amanda. Marahil ay sobrang antok na talaga ito at hindi man lang nag-abalang magsuot ng maayos na damit. He's wondering if the woman was wearing her underwear. He doubt it. And it doesn't matter anyway. Pabor pa sa kaniya na wala itong saplot sa katawan, para hindi na siya mahirapang hubaran pa. Baka doon pa lang maigising na ito. Ngayon, hindi siya makapagdes