Hindi sumakay si Amanda sa sasakyan ng mga Antonio na dapat ay maghahatid sa kaniya sa kanilang bahay. Nagtuloy-tuloy siyang maglakad hanggang sa kalsada, at doon inabangan ang pagdating ng sarili niyang sasakyan at driver, na tinawagan niya kanina para sumundo sa kanila.
Panay naman ang ngisi ni Lily. Nawiwili siya sa napapansin niya kina Amanda at Franco.
Tignan mo nga naman. Bilog nga talaga ang mundo. Nagiging posible din ang mga bagay na dati ay tila napaka- imposoble.
"Inalok ka ba ni Franco ng kasal para kay Divine?" usisa ni Lily habang nasa biyahe sila pauwi.
"Ang daddy niya ang nagsabi na magpakasal kami," sagot naman ni Amanda, habang ang mga mata ay nasa daanan.
"Siyempre tinanggihan ko." Kinuwento niya ang naging usapan nila.
"Talaga? Hindi man lang umalma si Franco sa sinabi ng daddy niya? Pakakasalan ka niya kung sakaling pumayag ka?"
Inikot ni Amanda ang kaniyang mga mata. Malakas namang tumawa si Lily.
"Nag-iba ata ang ihip ng hangin..."
"Huwag na nga natin siyang pag-usapan naiirita lang ako sa kaniya, e."
"Nagkabaliktad ata ngayon ang sitwasyon. Ikaw na ngayon ang naiirita sa kaniya." Malakas na tumawa si Lily.
PAGDATING ng bahay agad na kinuha ni Amanda ang isang maleta para paglagyan ng mga damit ni Divine.
Pagkatapos niyang mapuno ang maleta, inutusan niya ang driver na dalhin ito sa mansyon ng mga Antonio.
Hindi siya umuwi doon na gaya ng paulit-ulit na bilin kanina ni Franco. Napalatak siya at napailing-iling nang maalala niya ang mga pinagsasabi nito kanina.
Hindi niya talaga maunawaan ang inaaata nito. Bigla na lang itong nagbago. Nang mga nakaraang araw ang sama ng mga tingin nito sa kaniya. Hindi siya iniimik at tila diring-diri din ito sa kaniya. Napangiwi siya.
Naligo siya at nagsuot ng komportableng damit bago nahiga sa kama. Tinawagan na niya kanina ang mga staff sa mga shop upang bilinan. Hindi na talaga sila nakapasok ni Lily.
Babawi na muna sila ng tulog. Ang sarap talagang sapakin ng Franco na iyon!
"Mga alas-nuebe na tayo pumunta ng bar," inaantok na sabi ni Lily sa kaniya. Nakahiga na ito sa kama at papikit na ang mga mata.
Naalala bigla ni Amanda ang sitwasyon ng kaibigan. Maiiwan na itong mag-isa, dahil parehas na sila ni Camila na titira doon. Nakaramdam tuloy sya ng kalungkutan.
"Kung tumira ka na din kaya sa mansyon?"
Ang papikit na mga mata ni Lily ay pilit niyang dinilat.
"Bakit naman ako titira doon? Huwag mo akong alalahanin. Ayos lang ako," tugon nito bago muling pinikit ang mga mata. Mahapdi na ang mga mata nito at hinihila na siya ng labis na antok.
Saglit itong pinagmasdan ni Amanda..
Naninibago na talaga siya sa kaniyang kaibigan. Pakiramdam niya ay may nililihim ito sa kanila ni Camila.
Kahit gustong-gusto niyang usisain ito tinikom niya ang kaniyang bibig.
Sana, kalaunan magsabi din sa kaniya si Lily.
Pinikit na din niya ang kaniyang mga mata. Nakatulog siya ng ilang oras.
Nagising lang siya nang mag-ingay ang celphone ni Lily.
Kinapa niya ito. Tulog mantika si Lily sa kaniyang tabi kaya siya na lang ang sasagot dito.
Nang mapagsino niya kung sino ang tumatawag. Agad niyang pinatay ang celphone ng kaniyang kaibigan.
Istorbo, isip-isip niya. Muli siyang bumalik sa pagtulog at nagising bandang alas-otso na ng gabi.
PAGKATAPOS magbihis dumaan muna sila sa isang salon para magpa-make up at magpaayos ng buhok.
Amanda was wearing a red backless short dress, paired with a red high heels. Her hair was tied loosely.
And she's ready for the night!
Agad silang nakisalamuha pagdating nila sa bar. Ilan sa mga kalalakihan ay nakipagpalitan sa kanila ng mga numero. Wala silang alinlangan dahil magalang naman ang mga ito. Hindi gaya ng iba na presko at iba kung makatingin.
Binulungan ni Lily si Amanda nang may makita siyang grupo ng mga lalake na nasa bar counter na kanina pa nakatingin sa kanila.
May mga matatamis at nakakaakit na ngiti sa mga labi ang mga ito, habang ang mga mata ay nakatuon sa kanila at pinagmamasdan silang magsayaw.
Sumayaw si Lily nang nakakaakit. Malandi at malambot nitong inindayog ang kaniyang mga balakang, at sinabayan din ng pagtaas ng kaniyang kamay sa ere, habang pagbaling-baling ng ulo. Sinabayan siya ni Amanda.
Two of the man stand up and started to walk in their direction. Amanda gave out a satisfying smile. Nagkatinginan silang magkaibigan.
The guys are gorgeous! Just their type!
When the guys were about to get near them, may humarang na mga bouncer sa mga ito.
Umatras ang dalawang lalake at bumalik sa bar counter kung nasaan ang kasamahan nila.
Nainis si Amanda sa nangyari. He like the guy. Pero hindi naman puwedeng siya ang lalapit dito para makipag-flirt o kaya ay kunin ang numero.
Nagpatuloy ulit sila sa pagsasayaw. At ilang beses din ulit na may mga lalake na nagtangkang lumapit sa kanila, pero muli lang na hinarangan ng mga bouncer.
Matalas na tumingin sina Amanda at Lily sa mga malalaking mama. Gusto na nilang singhalan ang mga ito, pero pinigilan nila ang kanilang mga sarili.
May masisiyahan kapag pinakita nila ang mga inis nila.
NAPANGISI si Franco nang makita niya ang inis sa mukha ni Amanda habang nasa dance floor. Ilang beses na may mga nais lumapit na kalalakihan dito, pero hinaharangan sila ng mga bouncer at bodyguard na inutusan nila ni Darius.
Nakatayo at nakatanaw sila ngayon mula sa VIP room sa taas na bahagi ng bar. Ang dingding ay yari sa tinted na salamin. Kitang-kita nila ang ibabang bahagi ng bar, pero hindi sila kita mula sa loob.
Sinalinan ng alak ng kasama nilang dalawang babae ang kanilang mga kopita, saka inabot sa kanila. Agad naman itong tinungga ng magkapatid at muling inabot sa mga babae ang kopita upang muling salinan ng inumin.
"Dapat ikaw ang humaharang du'n para alam niya," sabi ni Darius sa kaniyang kapatid.
Umiling si Franco. He will not do such thing.
"Mas okay na hindi ako, para hindi niya alam," sagot naman niya.
Baka mag-assume pa ito kapag ginawa niya iyon.
Ayaw lang niya na nakikipaglandian ang ina ng kaniyang anak. Pangit itong tignan.
One of these days, kakalat na ang balita na may anak na siya. Kilala pa man din siyang tao dahil sa pagiging isang Antonio niya. Bukod doon, active din siya sa pagdalo sa mga salo-salo ng ilang mga mayayaman sa bansa at sa iba pang mga bansa. Halos laman din siya ng mga clubs sa metro kung san nagtitipon-tipon, upang magsaya ang mga elites na kagaya niya.
Mahina siyang humalakhak habang nakatingin kay Amanda. Pasalamat ka at hindi kita kinaladkad paalis ng club, isip-isip niya.
SA SOBRANG inis ni Amanda pinili na lang niyang maupo sa couch. Maging si Lily ay kanina pa naiimbyerna. Matalim nitong tinignan ang mga bouncer na nakabantay sa kanila, nang akmang susunod pa ang mga ito hanggang sa couch.
"Uupo na kami, oh! Tang inang yan!" mura ni Lily.
"Kilala yata ni Franco ang may-ari ng club na 'to!" aniya.
"O, baka ito mismo ang may ari ng club. Nakakainis! Bakit naman ako damay sa binabantayan at hinaharangan ng mga buset na mga lalakeng iyon!"
"Kailangan kong magkaboyfriend, noh! Ano kayo lang? Gusto ko na din ng anak!"
Napailing-iling na lang din si Amanda dahil sa sobrang inis. Humanda talaga ang Franco na iyon. Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin si Franco, pero hindi niya ito makita. Babangasan talaga niya ang pagmumukha nito.
"Baka si Darius ang may gawa nito. Ano ba ang relasyon niyong dalawa?" hindi na niya napigilang magtanong pa.
"Wala!" mabilis naman na sagot ni Lily.
"Sure ka? May iba akong nase-sense sa inyong dalawa, e."
Pakiramdam kasi niya matagal nang magkakilala sina Darius at Lily. Kung paanong hindi niya alam, marahil ay sadyang ayaw ipaalam sa kaniya ng kaibigan.
Napapaisip tuloy siya.
"Malisyosa ka lang talaga," sagot ni Lily.
Ngumuso si Amanda. Saglit na tinapunan ng tingin ang kaibigan bago uminom ng alak.
She knew her friend too well. Sila lang naman nina Camila ang mga pinakamalapit na kaibigan niya. Halos sabay silang mga lumaki at araw-araw na sila ang nakakasama, kaya kabisado na niya ito.
NANG maubos ang kanilang order, muli silang nagtawag ng waiter. Magpapakalasing na lang sila, kaysa ipilit na makipaghalubilo, dahil may mga asungot na humaharang at pumipigil ng kanilang pagsasaya.
Mahilo-hilo na sila nang lumapit ang mga lalake na nasa bar counter kanina.
Napalinga-linga pa sila sa paligid dahil himala at wala yatang humarang sa mga ito.
Nakipagkilala sa kanila ang limang mga naggaguwapuhang kalalakihan. Si Douglas ang nagpakita sa kaniya ng interes. Binigay nito ang kaniyang calling card sa kaniya. And manda did the same.
"Ah, we're going to the other club, few meters away from here. Do you want to join us? Don't worry, we're harmless."
Tinitigan ni Amanda si Douglas. Ang pogi nito habang nagsasalita. Malumanay at ramdam din niya na mabait itong tao. Hindi pa ito lasing. Normal pa itong magsalita. Matikas din ang tayo nito.
Nagtaas ng kilay ang lalake nang mapansin ang paninitig ni Amanda. May tipid itong mga ngiti sa labi nang salubungin ang mga mata niya.
"Tingin pa lang, nakaka-wet na," bulong ni Lily kay Amanda.
Humagikgik silang dalawa.
"Ano sasama ba kayo? You can bring your other friends too, if you like."
Syempre, sasama sila! Gracia na iyan, e! Tatanggi pa?
Si Lily ang unang tumayo at agad humawak sa braso ng lalake na nakapalitan niya ng numero.
Nang makatayo na si Amanda at akmang hahawak din sa nakalahad na braso ni Douglas, biglang sumulpot ang mga bodyguard ng mga Antonio.
Maangas ang mga itong tumingin sa grupo ng mga lalake. Na naman!
Bumuntong hininga si Amanda.
"Mukhang pinapasundo na kami ng mga tiyuhin namin. Other time na lang," sabi ni Lily.
"Oo. Uhm, I'll call you na lang. I have your number naman," maarteng sabi ni Amanda.
Tumango si Douglas at nagpaalam na. Wala din naman silang magagawa sa mga bodyguard na sumulpot.
Mukhang istrikto ang mga tiyuhin nila. Baka may curfew, ito ang nasa isip nila.
PABAGSAK na naupo sina Lily at Amanda sa couch. Nasira na ng tuluyan ang gabi nila.
Mga buset!
Tatawa-tawa namang lumapit si Darius sa kanila at naupo sa tabi ni Lily.
"Pati ba naman ikaw galit sa akin?" tanong ni Darius kay Amanda, nang bigyan niya ito ng nakamamatay na tingin.
"Panira ka, Darius! Bakit pati ako pinapabantayan mo?!" Hindi na niya nagawa pang itago ang inis. Humalakhak si Darius.
"Hindi kita pinapabantayan," nakangusong sagot nito, habang palinga-linga at hinahanap ang kaniyang kapatid.
Nasaan na iyon? Ano, siya lang mag-isa ang mag-uuwi sa dalawang lasing na babae?
"Ah, so nasa bar din ang buset na iyon! Humanda siya sa akin!" Nagngitngit si Amanda. Makita lang niya talaga, paduduguin niya ang nguso nito.
Sa sobrang inis, inisang lagok lang niya ang alak na bagong serve ng waiter.
"Lasing na kayo," awat ni Darius nang halos tumapon na sa kanilang damit ang iniinom nilang alak ni Lily.
"Isa pang ganito," utos ni Amanda sa waiter na dumaan.
"Amanda, right?" tanong ng isang babae na lumapit sa kanila.
"Hi!" bati naman ni Amanda dito. Pinilit niyang tumayo upang makipagbeso sa babae.
Avid customer nila ito sa cafe at sa botique din ito ni Camila bumibili ng mga luxury bags.
"By the way, I would like you to meet my cousins. They are twins. Andrei and Andrew."
Naglahad siya ng kaniyang kamay, pero imbes na tanggapin ito ng lalake bumeso ito sa kaniya. Ngumiti lang si Amanda, wala naman itong kaso sa kaniya. Nasanay na din naman siya sa mga beso-beso.
Pero ang lalake na nasa kaniyang likod ay hindi natutuwa. Bago pa man bumeso ang isa pang lalake ay agad na niyang hinila si Amanda. Inakbayan niya ito.
Umatras naman ang dalawang lalake. Hindi na nagtagal ang mga ito. Tumalikod na sila agad, kahit pa gusto nilang makipagkilala.
Hinawi ni Amanda ang kamay ni Franco na nasa kaniyang balikat.
"Ah! Nakakainis ka!" Hinampas nito ang braso ng lalake.
"Panira ka ng gabi!"
"Bakit, gabi mo lang ba ang nasira?" sagot naman ni Franco dito.
Hinampas-hampas niya ito. Wala siyang pakialam, kahit may nakakakita sa kanila. Umiilag naman si Franco at pilit hinuhuli ang kaniyang kamay.
"Paduduguin ko talaga ang nguso mo!"
Ngumisi si Franco. "Talaga? Payag ako basta labi mo ang gamitin mo," pang-aasar nito sa kaniya. Nag-init ang pisngi ni Amanda.
Napahalakhak sina Lily at Darius habang pinapanood ang dalawa.
"Umuwi na tayo," seryosong sabi ni Franco. Hinawakan nito si Amanda sa kaniyang palapulsuhan at marahang hinila palabas.
Madaming tao at halos nagkakabanggaan na kaya hirap na hirap siyang maglakad. Nang mapansin ni Franco na hirap itong magalakad dulot ng kalasingan, agad niya itong binuhat.
"Ano ba! Ibaba mo nga ako!" protesta ni Amanda, pero hindi siya pinakinggan ng lalake.
"You've been a very bad girl. And bad girl should be punish!"
"Ano bang pinagsasabi mo?! Ibaba mo ako sabi, e!"
Kinakabahan si Amanda. Kinikilabutan din sa pagdidikit nila ng balat ng lalake na dati ay tila diring-diri sa kaniya at kinasusuklaman siya. Ngayon ay basta na lang lumalapit, dumidikit at hinahawakan siya.
"Hindi ako sasakay diyan. May dala akong driver," reklamo niya ng buksan ni Franco ang pintuan ng passenger seat ng kaniyang sasakyan.
Binaba na siya nito, pero ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay. Tila ayaw siyang pakawalan.
"Hindi ka na nakakatuwa Franco. Bitawan mo sabi-mmm!"
Nanlaki ang kaniyang mga mata, nang basta na lang siyang halikan ni Franco!
What the!
"E'di, nanahimik ka din," sabi nito. Nawalan yata siya ng lakas. Saglit at dampi lang naman ang halik na iyon, pero nanlambot ang kaniyang mga binti. Nanginginig din ang kaniyang mga tuhod.
"So, you already moved on, huh?" tudyo ni Franco sa kaniya, nang mapansin ang panlalambot nito.
Marahan siya nitong tinulak hanggang sa makapasok siya at makaupo sa passenger seat.
What the hell happened?! Tila nahipnotismo siya at nawala sa sarili.
Urgh! Hindi ako marupok!