"Ano'ng mga plano niyo? Hindi na kayo mga bata. May anak na din kayo at lumalaki na siya. Hindi naman puwede na nagbubuhay-binata at dalaga na lang kayo. Lalo na ikaw Franco, how can you be so irresponsible at wala ka man lang kamalay-malay na may anak ka na?" pangaral ng Don sa dalawa. Nasa study room silang tatlo.
Bumuntong hininga si Franco.
"Wala po kaming relasyon ni Franco, Sir," nahihiyang sambit ni Amanda. Hindi siya makatingin sa mukha ng mga kausap.
Kumunot naman ang noo ng Don. Si Franco ay seryoso ding napatingin kay Amanda.
"Hindi po niya alam na nabuntis niya ako. At saka..." Hirap na hirap siyang magsalita. Nahihiya siya. Naalala na naman niya ang kagagahan na nagawa niya sa ngalan ng kaniyang pag-ibig.
"You're not getting any younger. Wala din naman kayong mga karelasyon ngayon. Tama ba?"
Marahang tumango si Amanda, pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri at ang mga tingin ay nasa sahig.
Pinagmamasdan lang naman siya ni Franco. Naiirita siya sa inaasta ng babae. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng kadramahan ang ginagawa ni Amanda.
He know her too well. Hindi ito basta-basta na babae. Mapanlinlang ito. Magaling magbalat kayo.
"Bakit hindi na lang ninyo ayusin ang relasyon niyo para sa bata?" patuloy lang sa pagsasalita si Don Antonio.
Napaangat ng tingin si Amanda. Lito sa sinasabi ng Don. Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito.
"Ako na ang bahala sa kasal niyo."
Napanganga si Amanda. Mas lalo siyang kamumuhian ni Franco kapag nangyari iyon.
Umiling-iling siya ng madaming beses. Kinumpas din niya ang kaniyang kamay bilang protesta sa sinasabi ng Don.
"Hindi po."
Pumalatak si Franco. Tuluyan na siyang nainis sa inaasta ni Amanda.
"You're really a good actress, Amanda. Hindi mo na ako malilinlang. Ano 'tong inaarte mo? Hindi ba at nagawa mo nga ang gusto mong gawin noon sa akin dahil sa pagiging desperada mo, tapos ngayon—
"Franco!"
"Hindi ganiyan makipag-usap sa ina ng anak mo!" saway ng Don sa kaniyang anak.
"Pasensya na po, Don. Ayos lang po. Tanggap ko naman po ang matinding galit ni Franco para sa akin." Pinilit ni Amanda na mangiti.
"Kung puwede nga lang na huwag nang magkrus ang mga landas namin, e. Iiwas na lang talaga ako. Kaso, hindi puwede lalo at may anak kami." Pilit niyang kinukubli ang pait sa kaniyang boses.
"Hindi ko po matatanggap ang alok niyo, Sir. Pero gusto ko lang pong malaman niyo na kung nasaan ang anak ko dapat nandoon din ako." Ngumisi ang Don sa naging sagot ni Amanda.
Napailing naman si Franco. Tinanggihan nito ang alok ng Don na kasal na para bang luging-lugi siya. As if hindi ito baliw na baliw sa kaniya, tapos ngayon sasabihin na kung nasaan ang anak nila dapat nandoon din siya. Which means, titira din ito sa mansyon kasama si Divine.
Hindi ka pa din nagbabago, Amanda. Still the same.
"Mas maganda kung magpakasal na kayo. Matututunan niyo ding mahalin ang isa't isa. Mabibigyan niyo din ng maayos na pamilya ang bata, saka niyo ayusin ang birth certificate niya para hindi siya maging illigetimate child."
"Hindi po ako papayag sa kasal, kahit pumayag pa po si Franco. Over the years natanggap ko na po ang lahat. Salamat po sa offer niyo. Thank you din po sa pagtanggap niyo po sa akin lalo na po sa aking anak."
Tinanggihan siya ni Amanda?! Kumuyom ang kamao ni Franco. Ang Don naman ay nagpipigil na mapabungisngis.
"At ano'ng plano mo? Ang maghanap ng ipapalit na ama kay Divine?" Umawang ang bibig ni Amanda. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang galit sa mukha ni Franco, habang nakatingin sa kaniya. Saan ba siya lulugar?
Gusto niya ding sagutin ng pabalang ang lalake, kaso nahihiya siya sa Don.
"Bakit hindi ka makasagot?" Napailing na lang ang Don sa pananalita ng kaniyang anak.
"Mag-usap na nga lang muna kayo, ayusin niyo iyan. Hindi puwedeng lagi na lang kayong nagbabangayan. Hindi na kayo mga bata. Hindi ko alam ang buong storya nang nangyari sa inyong dalawa, pero lahat naman nadadaan sa maayos na pag-uusap. May anak na kayo. Siya ang dapat priority ninyo. Huwag pairalin ang pride," mahabang litanya ng Don, bago ito umalis ng study room. Naiwan ang dalawa na naglalabanan ng tingin.
Walang gustong kumurap, walang gustong magpatalo.
Nang hindi na makayanan ni Amanda ang nakasusunog na mainit na tingin ni Franco ay tumayo na siya.
"Where the hell do you think you're going?"
Hindi siya pinansin ni Amanda. Bago pa man mapihit ni Amanda ang door knob ng pintuan ay agad siyang hinila ni Franco.
Nagkabanggaan ang kanilang katawan. Napatingala siya sa lalake. Matalas ang mga mata ni Franco habang nakatingin sa kaniya. At ilang sandali pa ay basta na lang siya nitong tinulak at sinandal sa pader. Ang kaniyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng katawan ni Amanda.
Pahigop na bumuntong hininga si Amanda. Pinigilan din niya ang sarili na mapalunok.
Ganunpaman, tiningala niya at matalas na tinignan si Franco.
Marahan niya itong tinulak. Walang lakas. Natawa naman si Franco sa ginawa niya.
Nainis si Amanda kaya muli niya itong tinulak, this time may puwersa na.
"Tingin mo, mapapaniwala mo ako sa inaasta mo?"
"Does it matter if you believe me or not?" matapang na sagot ni Amanda.
Ngumisi si Franco.
"Paniniwalaan mo pa din naman ang gusto mong paniwalaan. May sarili kang isip, Franco. At kung ang pagtanggi ko sa sinasabi ng daddy mo ang tinutukoy mo, hindi ba't tama lang naman ang ginawa ko? Hindi tayo magtitiis at magdudusa sa piling ng isa't isa."
Napaawang ang bibig ni Franco. Amanda found it so hot. Nag-iwas siya ng tingin.
"Pero hindi mo magagawa ang gusto mo, Franco."
Kumunot ang noo ni Franco. Ano naman kaya ang sinasabi nito?
"Hindi mo makukuha ang anak ko sa akin. Kung nasaan siya nandoon din ako. Magalit ka kung gusto mo. Wala akong pakialam."
Wala naman siyang planong agawin ang bata. Ano'ng karapatan niyang pagkaitan ng ina ang kaniyang anak?
Pero hindi niya ito sinabi. "Let's see kung hanggang saan ang itatagal mo, Amanda. Tandaan mo, hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa mo. I hate you, Amanda."
"Alam ko naman. Kahit ako galit ako sa aking sarili. Ilang taon akong nagalit sa aking sarili dahil sa ginawa ko. Wala kang alam sa hirap na pinagdaanan ko. Ganoon din ako sa mga pinagdaanan mo.Tatanggapin ko ang galit mo kung iyon ang ikakasaya mo. Pero hindi mo pa din maaalis na ina ako ng anak mo." Bumuntong hininga si Amanda.
"Pero kahit galit ka sa akin, gusto ko pa ding sabihin sa'yo na I'm sorry. I'm so sorry. Wala akong alam. At tama ka sa sinabi mo. Desperada ako at makasarili. All I think is myself."
Humugot siya nang madaming hangin at pinuno ang kaniyang baga, para pigilan ang mga luha na gustong tumulo mula sa kaniyang mga mata.
"Sa mahabang panahon, nagdusa ako thinking that I have ruined your life. Hindi ka nakapagtapos. Nasaktan ko kayo ni Camila. I'm sorry. Pero nangyari na iyon. Gustuhin ko mang hilingin na sana maaayos pa ang lahat alam ko na imposible na. Kahit gustuhin ko man, I know hindi pa din mangyayari ang nais natin. Camila was destined to your brother."
Natahimik si Franco. Taimtim siyang nakikinig sa sinasabi ni Amanda.
"Wala ako sa lugar para pagsabihan ka. Pero dati bago nangyari ang gusot sa pagitan natin, naging magkaibigan tayo."
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na, mag-move on ka na sa kapatid ko. Masaya na siya sa piling ni Kevin. Gagaan ang pakiramdam mo kapag tuluyan mo ng tanggapin at kalimutan siya. Gaya ko, nakapag-move on na din ako, natutunan na kitang kalimutan."
Huminga nang malalim si Amanda at marahan na tinulak si Franco, bago pinihit muli ang door knob.
"I have learn to forget my feelings for you."
Paglabas ng study room, nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa grand staircase ng mansyon.
"MOMMY, magpapakasal po kayo ni Daddy?" tanong ni Divine nang makalapit siya sa mga ito.
Amanda was out of words. Nabigla siya sa tanong ng anak. At sino naman ang nagbigay sa kaniya ng ideyang iyon?
Nakatingin sa kaniya ang anak, naghihintay ng kaniyang sagot. Maging sina Don, Jane, Lily, Darius at Rehan ay nakatingin din sa kaniya at hinihintay siyang magsalita.
Marahang umiling si Amanda. She know that it will make her daughter sad, but she doesn't want to give her false hope. Ayaw niyang magsinungaling dito.
Gusto niya muna itong iuwi ng bahay nila ni Camila para kausapin. Gusto niyang sabihin ang totoong estado nila ng ama ng anak niya. Gusto niyang ipaintindi sa bata ang sitwasyon.
Alam niyang mahirap, pero eventually Divine will understand.
Namuhay naman ito ng ilang taon na wala ang ama. At tanggap nito. Naghahanap siya ng kalinga ng isang ama and Divine also pushes her to have a boyfriend. Ngayon na dumating si Franco at tanggap naman ang anak nila, alam niya na hindi na hihiling pa ng sobra ang anak. Kakausapin lang niya ito ng maigi.
"But why?"
"Because...."
"Bakit hindi mo pakakasalan si daddy?"
"Anak..."
"Why mommy. Di ba po, si Tito Kevin na daddy ni Rehan na anak ni Tita Ninang nagpakasal naman sila?"
Magkaiba naman kasi ang sitwasyon nila. Nakatingin sa kaniya ang lahat. Ang kaniyang anak naman ay namumula na ang mukha at malapit nang maiyak.
Pakiramdam niya tuloy ang sama-sama niya. Oo, masama naman talaga siya.
Lumapit si Franco sa kaniyang anak at agad itong kinarga.
"Daddy, ayaw mo pong i-marry si mommy?" naiiyak na tanong ni Divine sa kaniyang ama. Napatingin si Franco kay Amanda na hindi magawang tumingin sa kaniya.
"Bakit ayaw mo pong pakasalan si mommy?"
"Divine..." tawag ni Amanda sa kaniyang anak.
"Hindi mo po ba siya love?"
Namutla si Amanda. "Am I not made out of love?"
At saan naman natutunan iyon ng kaniyang anak?
"Of course you are made out love!" sagot ni Franco.
"Bakit ayaw mo pong pakasalan ang mommy ko?"
Napahilot na lang ng ulo si Amanda.
"Franco, iuuwi ko na muna siya. Kakausapin ko muna siya ng mabuti."
"At ano'ng sasabihin mo sa bata?" sikmat ni Franco.
"The truth."
"Don't you dare tell anything that will hurt my daughter. Dito lang siya. Iutos mo na lang sa katulong ang mga damit niyo."
"Pero..." Sinamaan siya ng tingin ni Franco kaya nanahimik na lang siya.
Ang kapal ng mukha ng Franco na ito! Parang inaalis na nito sa kaniya ang karapatan niya sa anak, ah!
"So, kailan ang kasal?" Pumalakpak ang Don.
Hindi naman makapaniwalang tumingin si Amanda dito. Akala ba niya naintindihan nito ang sinabi niya kanina?
Tumawa naman sina Lily at Darius.
"Bakit parang nabaliktad na ang sitwasyon ngayon?" biro ni Lily.
Ramdam niya ang pressure kay Amanda. Samantalang si Franco ay tila wala man lang pakialam sa tanong ng Don. Samantalang halos patayin ni Franco si Amanda sa kaniyang mga titig nang nakaraang mga araw.
"Wow! It's a miracle. May forever nga!" natatawang sabi ni Lily.
"Kasalan na ba? Magdesisyon na kayo agad, baka maunahan pa kayo ni Daddy at Tita Jane," biro ni Darius.
"Bakit nasama ako diyan?" takang tanong naman ni Jane. Mahinang tumawa ang Don at dinikitan siya.
"Grandpa, one meter apart," paalala naman ni Rehan sa kaniyang lolo.
Nag-apir ang maglola saka binalingan si Don na nagkakamot ng ulo.
"DITO ka lang muna, ha? Uuwi muna ako sa bahay, kukunin ko ang mga damit mo," bilin ni Amanda sa kaniyang anak.
"Bakit damit lang niya?" singit naman ni Franco sa usapan.
"Ipauna ko na lang na ipadala sa driver ang mga damit mo."
"Akala ko ba dito ka din titira?" tanong ulit ni Franco, pero hindi siya pinansin ni Amanda.
"Kailangan kong pumasok sa work. Tapos bukas ng hapon na ako pupunta dito."
"Plano mo na namang mag-party? May I remind you, hindi ka na dalaga."
"Oo, hindi na ako dalaga, pero I am still single," sagot naman ni Amanda nang hindi na siya nakatiis.
"I can do whatever I want!"
"Subukan mo lang, Amanda. Kakaladkarin talaga kita." Inikutan lang siya ng mga mata ni Amanda.
"Uuwi ka para kunin ang mga damit niyo, pero babalik ka din agad. Ipapaayos ko na ang guestroom na tutulugan niyo."
Aba at sino siya para manduhan ang gusto niyang gawin?
There's no way na susundin niya ang sinasabi nito. Wala naman silang relasyon. Gagawin niya kung ano ang gusto niya.
Magpa-party siya mamayang gabi. Total andiyan naman si Franco na magbabantay sa kanilang anak.
Nakapag-usap na sila ni Lily, may pupuntahan sila mamayang gabi na bagong bukas na club.
Panahon na para sarili naman niya ang intindihin niya. Sa nagdaan na taon, nagdurusa siya sa pag-aakalang nasira niya ang buhay ni Franco. Labis ang pag-aalala niya para dito, tapos ngayon malalaman niya na mayaman naman pala ito. Nagagawa din ang gusto. Nagpa-party at kaliwa't kanan pa ang mga babae.
Gusto din niyang maranasang magka-boyfriend. Gusto din niyang maranasang mahalin at pahalagahan.
'Yung may iintindi at mag-aalaga sa kaniya.
Ngayon na kasal na ang kaniyang kapatid at masaya na sa buhay, siya naman. Gusto din niyang magpakasaya sa buhay. Hindi naman niya pababayaan ang anak niya. Hindi naman siya laging magpa-party. Once a week lang niyang gagawin.