MAG-AMA

2041 Words
"Dad," magrereklamo sana si Franco sa pangingialam ng kaniyang ama pero natahimik siya nang tignan siya nito ng masama. "Kahit ikaw pa ang ama, wala kang karapatan na gawin iyon. Pinag-aalala mo siya ng husto. Hindi ako perpektong ama pero kailanman hindi ko kayo tinuruan na maging masamang tao. I've been always reminding the three of you to never follow my footsteps." Bumuntong hininga si Franco saka dinukot ang celphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. "Hello, Joyce..." "How dare you! Dinala mo pa talaga sa girlfriend mo ang anak ko. At ano'ng gusto mong palabasin, huh! Na—" Kumunot ang noo ni Franco. Ang Don naman ay agad inawat si Amanda. "Relax, hija. Pamangkin ko si Joyce. Pinsan siya ni Franco." May multo ng ngiti sa labi ng Don. Natahimik si Amanda, nagyuko siya ng ulo dahil sa pagkakapahiya. Sina Darius at Lily naman ay napangisi na lang. "Pakidala ang bata dito sa mansyon," sambit ni Franco bago pinutol ang tawag. Kahit paano kumalma na si Amanda. Naupo siya sa tabi ni Lily at tahimik na naghintay sa pagdating ni Divine. Si Franco naman ay umakyat ng kaniyang kuwarto para maligo, para kahit paano gumaan ang kaniyang pakiramdam at lumamig ang kaniyang ulo. Sumakit ang ulo niya sa almusal niya —Away at pakikipagtalo kay Amanda. Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala sa natuklasan niya kahapon. Na may anak siya. Tama nga ang kuya Kevin niya. May nabuntis nga siya. Madami siyang naikama na mga babae sa mga nagdaan na taon, pero lahat ng iyon ay ginamitan niya ng proteksyon. Sigurado siya na wala siyang nabuntisan, kaya hindi niya noon inintindi ang sinabi ni Kevin. Not until nakita niya kahapon si Darius na nasa Department store at namimili ng mga laruan. Hindi naman niya ugaling mangialam pero na-curious talaga siya. Sinundan niya ang kaniyang kapatid hanggang sa milk tea shop ni Camila, at nakita nga niya si Amanda kasama ang bata. Hindi niya dinig ang usapan mula sa loob pero base sa nakikita niyang pag-aasikaso ni Amanda sa bata, isama na din ang mga ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang bata, natanto niya na mag-ina sila. Sa kaniyang tantya, mas matanda lang si Rehan dito ng isa o dalawang taon. Agad pumasok sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila ni Amanda ilang taon na ang nakalipas. Muli na namang bumangon ang labis na pagkamuhi sa babaeng nagnakaw ng kaniyang virginity. Damn you, Amanda! Hindi niya ginusto ang nangyari sa kanila ni Amanda, ang kapatid ng babaeng mahal niya, kaya hindi niya lubos akalain na may nabuo sila. Na nagkaanak siya dito. Gusto niyang lapitan ang mag-ina, pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. He came up with a plan. An evil plan. He push through with it, lalo na nang nakita niya na umalis sina Amanda at Lily para mag-party. How dare you, woman! Lumalabas ka para magsaya tapos iniiwan mo ang anak ko! "WHO are you po?" tanong ni Divine nang lapitan niya ito. Tinitigan niya ito ng maigi. Ganoon din ang ginawa ni Divine. Damn! Hawig na hawig sa kaniya ang bata. Hindi maipagkakaila na anak nga niya ito. Bakit hindi man lang sinabi sa kaniya ni Camil ang tungkol dito? At ito kaya ang gustong sabihin ni Amanda noong nilapitan siya nito sa club? Ayaw niya itong makausap at sinadya niya itong pasakitan sa pamamagitan ng babaeng kasama niya. Gusto lang niyang makumpirma ang nasa isip niya. Kung may nararamdaman pa din ba si Amanda para sa kaniya. He can't figure it out lalo at panay naman ang labas nito para mag-party at makipag-flirt. "Kamukha kita. We have the same eyes..." sambit ni Divine na nakapagbalik sa kaniya sa wisyo. Napaawang ang kaniyang bibig. "Ikaw ba ang daddy ko?" Marahan siyang tumango. Ngumiti si Divine at hinaplos ang pisngi ng kaniyang ama. "Daddy ko!" "Sumama ka sa akin." Binuhat niya si Divine. Agad namang yumakap si Divine sa kaniya. "Saan po tayo pupunta?" "Sa bahay," sagot niya dito. Mabilis siyang humakbang paalis, habang buhat-buhat ang kaniyang anak. "Magpapaalam muna ako kay Yaya. At saka wala si mommy, e," awat sa kaniya ni Divine. "Ayaw mo bang makasama si daddy?" nakanguso niyang tanong sa anak. "Gusto po! Pero si mommy. We need to call her po, Daddy." "Sinabi ko na sa mommy mo na isasama kita sa bahay." He lied. "Okay po. I love you, Daddy." He was stunned and it makes his heart melt. Hinalikan siya ni Divine sa kaniyang pisngi. "Ang tagal po kitang hinintay, Daddy," emosyonal na sambit ni Divine. "Sorry, baby, kung ngayon lang nakabalik at nagpakita ang daddy." "It's okay po. Magiging happy family na tayo. Hindi na magiging sad ang mommy ko." Humagikgik ang anak. "Hindi na siya ulit iiyak," dagdag pa niya. Natigilan siya sa sinabi ng kaniyang anak. "Lagi bang umiiyak ang mommy mo?" kuryoso niyang tanong. "Opo, kapag tinatanong ko po siya, ang sabi niya, may naalala lang daw siya na sad story. Pero alam ko po na ikaw ang naaalala niya, namimis ka niya." Pinilig ni Divine ang kaniyang ulo. Ngumuso si Kevin. Gusto niyang kontrahin ang sinasabi ng kaniyang anak kaso baka masaktan niya ito. "Gusto mo bang kumain?" tanong niya sa halip. "Gusto ko po ng cookies at milk. Doon po ba ako matutulog sa house mo, Daddy?" "Oo. Doon tayo sa house ni Tita Joyce muna pumunta. May cookies siya doon. Isa siyang baker." "Wow! Madami din siyang cake?" excited na tanong ni Divine. Tumango siya. "Gusto ko ng cake!" Napangiti siya sa kabibuhan at kadaldalan ng kaniyang anak. Ang bilis niyang napasama ang anak sa kaniya. Paano kung masamang tao ang lumapit sa kaniya? Tiyak na sasama din ito doon. Damn! Pinapabayaan siya ng ina! "Kailan ka pa po dumating daddy? Nagkita na po kayo ni Mommy?" Napakamot siya ng ulo, hindi alam kung sasabihin ba niya na matagal na siyang dumating ng Pilipinas. Tiyak na masasaktan ang kaniyang anak at tatanungin siya kung bakit ngayon lang ito nagpakita sa kaniya. Hindi siya nakasagot. Wala siyang mahabi na salita. "Kung alam ni mommy na dumating ka na. Bakit pa siya umalis kasama si Tita Lily para maghanap ng daddy ko?" What the fvck?! At talagang sinabi pa ni Amanda sa anak nila ang pinaggagawa niya? Hindi ito magandang impluwensya sa anak! At lalong hindi siya makakapayag na may ibang kilalanin na ama ang kaniyang anak. Siya lang ang ama nito! Kapag siya ang nainis, kukunin niya ang full custody ng anak. Dapat lang talaga na bigyan ng leksyon ang babaeng iyon. Mahigpit niyang hinawakan ang manubela at seryosong tumingin sa kalsada. Napansin naman ni Divine ang reaksyon ng kaniyang ama. Nakaramdam siya ng kaunting takot. "Daddy? Galit ka po?" "No, baby. May iniisip lang ang daddy." Ngumiti siya ng matamis sa anak para ipakita na hindi siya galit. Humagikgik si Divine. "Iniisip mo po si mommy? Lagi ka din po niyang naiisip." Unti-unting nawala ang mga ngiti niya sa kaniyang labi. Yeah, bakit nga ba siya hindi makalimutan ni Amanda? Malaki ang kasalanan nito sa kaniya. "WOW! Ang laki naman ng house!" puri ni Divine nang makarating sila sa bahay ni Joyce. "Franco, may anak ka na? Ayos ha!" nakangising tanong ng kaniyang pinsan. "Ganda! Isa nga siyang Antonio!" puri nito pagkatapos titigan ng mabuti at mukha ng bata. Ngumisi naman si Franco dito. "Hello po, my name is Divine. May cookies at cake daw po kayo sabi ni daddy." Humalakhak si Joyce. "Oo, madami." Giniya niya ang mag-ama sa kaniyang kitchen. Kumuha siya ng freshly bake cookies at nag-slice ng cake. "Bakit hindi mo sinama ang mommy niya?" Hindi umimik si Franco. It was then that Joyce realize something. Kailan lang silang nag-usap-usap tungkol sa pagpapamilya, at sinabi ni Franco na wala pa siyang plano at wala itong girlfriend. Hinila niya ito sa gilid. "Kinuha mo ba ang bata na walang paalam?" Hindi pa din sumagot si Franco. "Tapos dito mo pa dinala? Idadamay mo pa ako sa kagaguhan mo!" "Relax! Isasauli ko din naman siya. Bibigyan ko lang ng leksyon ang ina niya." Sinamaan niya ito ng tingin. "Pagkatapos kumain ng bata, ibalik mo na siya sa kanila.” Hindi nito kukunsintihin ang pinsan niya. After eating, nakaramdam na ng antok si Divine. Walang nagawa si Joyce nang dalhin ni Franco ang bata sa guestroom. "MOMMY!" tili ni Divine nang makarating siya ng mansyon. "Anak ko!" Sinalubong ni Amanda nang mahigpit na yakap ang kaniyang anak. Pinupog niya ito ng halik habang umiiyak. "Why are you crying, Mommy?" kunot noong tanong nito sa kaniyang ina. "Namis lang kita, anak." Hindi na lang niya sinabi na labis siyang nag-alala sa anak. Pinili niyang huwag sabihin sa anak na hindi siya pinagpaalam ng ama nito sa kaniya. "I'm sorry," sambit ni Joyce. Pinilit ngumiti ni Amanda dito. Nagkamot ng ulo si Joyce saka binalingan ang kaniyang tiyuhin. "Sorry po, Tito. Pinagsabihan ko naman po siya, kaso matigas ang ulo." Bumuntong hininga ang Don at tumango, bago muling tinuon ang buong atensyon sa kaniyang apo. Hindi maipagkakaila. Antonio nga ito. Paano'ng hindi naisama ang tungkol kay Divine, nang nangalap ng impormasyon tungkol kay Camila ang inupahan niyang private investigator? "Daddy! Iniwan mo po ako," nagtatampo na sambit ni Divine nang makita niyang pababa na ng hagdanan ang kaniyang ama. Mabilis na bumaba ng hagdanan si Franco upang salubungin ang kaniyang anak. Mukhang namiss siya nito agad. "Hinayaan na muna kitang matulog. Babalikan din naman kita agad doon," malambing niyang sagot sa anak na naglalambing. Tumango si Divine at ngumiti. Pagkatapos ay nilibot niya ang kaniyang tingin sa buong paligid. "Hi, Rehan! What are you doing here?" nanlalaking mata na tanong niya sa kaniyang pinsan. "This is where I live," sagot naman ni Rehan. "Hi, Tito Darius! You're also here?" Napanganga siya. She's overwhelmed. "Yes, I also live here. I am your dad's brother." "Wow!" "Tito po talaga kita?" Humalakhak si Darius. Si Franco naman ay pasimpleng tinignan ng masama ang kapatid. Talagang hindi man lang sinabi nito sa kaniya ang nalalaman. Tuwang-tuwa pa ito na asarin siya nang nakaraan na may alam ito na hindi niya alam. "Tita Lily, nandito ka din po. Mag-asawa na po ba kayo ni Tito Darius?" Napangiwi si Lily. Si Darius naman ay agad dinikitan si Lily pero umusod lang si Lily palayo sa kaniya. Ngumisi si Franco. Sana pahirapan siya ng husto ni Lily. Sa ganoon makakaganti man lang siya sa ginawang paglilihim sa kaniya ng kaniyang kapatid. "Brother mo din po ba ang daddy ni Rehan?" tanong ni Divine sa ama. "Yes, baby. You and Rehan are cousins." "Wow! One big happy family po pala tayo!" Pumalakpak si Divine sa sobrang tuwa. Tahimik lang si Amanda sa gilid. Masaya siya para sa anak. May kaunti nga lang siyang nararamdaman na kalungkutan dahil sa ideyang bumabagabag sa kaniyang isipan. Ilang oras pa lang nitong nakilala at nakasama ang ama, pero mukhang nahulog na ang loob nito kay Franco. Paano kung agawin sa kaniya ni Franco ang anak? "This is your grandpa," pakilala naman ni Franco sa kaniyang ama. Bumaba naman si Divine at agad nilapitan ang kaniyang lolo para magmano dito. Kinarga siya ng Don at pinakilala si Jane, ang kaniyang asawa. Hindi na muna nila sinabi na may iba pa siyang lola. Ang ina ng kaniyang ama, dahil baka maguluhan ito. Baka mabigla din siya. "Mag-almusal na muna tayo," aya ng Don."Pagkatapos ay mag-uusap tayo, Amanda, Franco." Tinignan sila ng Don. Kinabahan si Amanda. Para saan? Gusto ba siyang bayaran ng Don para ibigay kay Franco ang kustodiya ng anak? Hindi siya makakapayag. May kakayahan naman siyang buhayin ang anak niya. Maganda din naman ang buhay ng anak sa kaniya. Pakunti-kunti lang ang subo ni Amanda. Wala siyang gana. Hindi din maalis-alis ang kaba sa kaniyang dibdib. Tahimik sila ni Lily. Ang mga Antonio at si Divine ay masaya namang nag-uusap-usap. "Mommy! I'm so happy po! Dito na po ba tayo titira?" Napanganga si Amanda. Hindi siya nakapagsalita. At bago pa man tumanggi si Amanda sa sinasabi ng anak, sumingit ang Don at si Franco. "I'll talk to your mom about it," sabi ni Franco sa anak, habang ang mga mata nito ay na kay Amanda. What? Plano talaga nito na kunin sa kaniya ang anak nila?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD