"Damn it!" Hiyaw n'ya at tinabig ang mga gamit sa tokador, kung saan n'ya iniupo si Julia kanina, at kayang-kaya n'yang angkinin ito. Hindi n'ya maintindihan kung anong ang nangyayari sa kanya, at bakit nagugulo ni Julia ang isip n'ya ng ganito. Mula ng tumungtong sa mansyon si Julia, nagulo na ang isip n'ya, lalo pang nagulo sa mga mapang akit na kinikilos nito. Kahit anong deny nito alam n'yang inaakit s'ya ni Julia, at alam n'yang ginawa nito ang bagay na 'yon para matakasan ang kahirapan sa buhay. "F*ck!" Mura n'ya at nahilamukos ang palad sa mukha n'ya. Buong buhay n'ya ngayon palang nabulabog ng ganito ang isip n'ya ng isang babae, tanging si Julia palang ang babaing gumulo sa isip n'ya ng ganito. Isama pang sinasabi nitong, s'ya palang ang lalaking nakahawak sa katawan nito, na