Matapos makaligo si Julia binuhat n'ya ito para ilipat sa kama, gagamutin n'ya ang mga tinamo nitong sugat sa buong katawan. Nakabalot lang ng roba ang dalaga at andoon pa rin ang kakaibang nararamdaman para rito. "Kukunin ko lang ang panlinis ng sugat," paalam n'ya rito na magang-maga na ang mga mata sa kakaiyak. Wala itong himik ng lumabas s'ya ng silid. Nakaupo lang ito sa kama at nakasandal sa headboard, naiiyak na naman ito marahil naiisip ang sinapit nito. Tinawagan na rin n'ya si Manang Flor habang pababa ng hagdan para sabihing nasa mansyon s Julia, at dito na muna ito magpapalipas ng gabi. Hind n'ya sigurado kung alam na nito ang sinapit ng pamangkin. Pagbalik sa silid dala-dala na n'ya ang emergency kit at ginawa na rin ng fresh juice si Julia para may mainom ito. "How do you