Kinabukasan nagising s'yang masakit ang buong katawan, ni hindi n'ya magawang igalaw ang katawan. Mariin n'yang pinikit ang mga mata at pilit na naupo mula sa pagkakahiga sa malaking kama. Ginala n'ya ang mga mata agad n'yang naalala nasa silid s'ya ni Lance. At naalala ang mga nangyari kagabi, muntik na s'yang napagsamantalaan ni Raymond. "Damn him! Kung gugustuhin ko lang mapapakulong ang walanghiyang 'yon," galit na bulong n'ya. Nais n'yang tawagan ang Kuya Dylan n'ya at sabihin rito ang sitwasyon n'ya, at t'yak na may kalalagyan ang Raymond na 'yon, pero pag ginawa n'ya 'yon panigurado iuuwi na s'ya ng kapatid sa San Sebastian. Hindi pa s'ya maaaring umuwi dahil hindi pa tapos ang misyon n'ya, hindi n'ya nakukuha Lance. Si Lance ang umasikaso sa kanya kagabi at gumamot ng mg sug