KABANATA 48 SHATTERED GABI nang sabay-sabay kaming nakayayaan sa Restaurant ni Leon. Natapos na kasi ang huling araw ng photoshoot dito sa El Nido kaya ito na rin ang huling gabi namin dito Babalik na kasi ng Maynila ang Red Cosmetic Team, habang magpapaiwan pa dito nang mga ilan pang araw ang magkasintahang Alec at Savinna. Habang ako'y baka mag-stay pa nang ilang linggo sa Puerto Princesa upang buksan na kay Don Anselmo ang usapin tungkol sa pagbili ko ng lupain nila. Tahimik lamang akong pumwesto sa may dulo ng lamesa habang hawak ang aking cellphone. Una ko nang sinabi na kausap ko ang ilang executives kaya hindi na nila ako in-istorbo kahit pa ang totoo ay nag-scroll lang naman ako sa i********:. Nasa dulong bahagi rin ng lamesa sina Tunner at Katarina. Isang beses ko lang sila