KABANATA 47 TRUTH Diretso na ako sa silid ko nang gabi na 'yon. Ngunit hindi rin ako mapakali dahil wala naman akong balita tungkol kay Katarina at Tunner. Kanina pa rin ako pabalik-balik sa loob ng aking silid habang sapo ang noo. Bigla kong naalala ang photoshoot bukas. Iniisip ko, baka biglang mag back out ito bukas at matengga ang proyekto. Mabilis ko hinila ang aking cardigan upang puntahan ito sa kaniyang silid. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang nakita n'ya at walang namamagitan sa amin ni Tunner. Malalaki ang hakbang ko patungo sana sa silid ni Katarina ngunit mabilis na sumalubong sa akin si Tunner. "Si Katarina? I need to talk to her," sabi ko at tangka na sana itong tatalikuran nang pigilan n'ya ang braso ko. "Nagpapahinga na sa silid n'ya." Lumingon ako dito na siyang a