KABANTA 46 PAIN Bubuka na sana ang bibig ni Tunner upang patotohanan ang kaniyang sinabi ngunit mabilis akong gumitna at sinulyap si Katarina na nakalapit na sa amin. "Si Katarina, siya ang girlfriend n'ya! Tama, he's not my boyfriend!" Pagtanggi ko. Kitang kita ko kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha ni Tunner sa sinabi ko. Doon naman umentra si Katarina matapos ay hinila palapit sa kaniya ang braso ni Tunner. "Yes, I am his girlfriend!" Mas lalong lumuwang ang ngiti sa labi ni Katarina. Lumunok ako kasabay ng pinong kirot dito sa aking puso. Bigla ring nawala ng hilo ko sa cocktail na ininom. "Good then, so you are free tonight?" Baling naman sa'kin ni Leon. Bago sagotin ang sinabi n'ya ay sinulyapan ko muna si Tunner na tila mas lalong nagdilim ang mukha sa tinatakbo ng