KABANATA 41 DATING MAAGA akong pumasok kinabukasan sa opisina. Sa Red Cosmetic ako dumiretso pagkat nagsabi na sa akin si Romeo na sisimulan na ang photo shoot sa El Nido Palawan bukas. Nasa opisina na rin ang ilang kopya ng kuha ni Katarina. Ipinakita ko ang mga 'yon sa aking executives at namangha nga sila sa mga kuha ni Katarina doon. "Ito na ba ang ipapalit mo kay Ms. Reymundo?" tanong sa'kin ng isa sa mga executives ng Red Cosmetic. "Gaya ng sinabi ko sa statement, dahil nag-back-out nga ang dapat ay modelo natin. Wala akong magagawa kundi kumuha agad ng kapalit n'ya. Nakita n'yo naman ang kuha ni Katarina higit na mas maganda at nabigyan ng justice," wika ko at itinaas pa sa kanila ang photo na nakasakay kay Stallion. "Hmm. . . That was her best shot I think." Ngumiti ako sa