bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

book_age16+
122.3K
FOLLOW
2.0M
READ
billionaire
possessive
sex
contract marriage
pregnant
CEO
drama
twisted
virgin
wife
like
intro-logo
Blurb

Ivory Perez's life turned upside down when she landed on the job that she never even expected to do and met the man she never even imagined that she'll bumped into.

***

Dahil sa kahirapan ng buhay, kahit anong trabaho ay pinatulan ni Ivory. Kahit hindi niya pa nga alam kung anong klaseng trabaho, pinatos niya na. Gusto niya lang talagang kumita at makaahon sa eskwater. Huli na nang nalaman niyang ang trabahong kanyang pinasukan ay ang maging surrogate ng isang bilyonaryo. Anong buhay ang sasapitin niya sa piling nito at ng mga kamag-anak ng asawa nitong mga gahol sa pera? She is Ivory Perez and she is the billionaire's surrogate.

chap-preview
Free preview
Prologue
Umaalingasaw ang mababahong kanal at pinagsama samang mga usok ng sigarilyo, pawis at alak. Napangiwi si Ivory. Kinusot niya ang kanyang dalawang mata at pilit na bumangon. Humikab siya at ini-stretch ang dalawang kamay. Panibagong araw na naman sa napakabahong lugar na iyon ang kanyang haharapin. "Ivory! Ano ba't wala ka pang sinaing?! Aba't tanginang bata ka talaga! Palamunin ka na nga lang hindi ka pa kumikilos!" At panibagong talak na naman mula sa kanyang tiyahin. Napasabunot siya sa kanyang ulo sa inis. "Wala na tayong bigas, tiyang!" sagot niya. Maya-maya pa ay narinig niya na ang mabibigat nitong yapak papunta sa kinaroroonan niya. Kasunod noon ay ang pagsabunot at pagkaladkad nito sa kanya palabas ng kanilang barong-barong. "Aray, tiyang! Aray!" daing niya habang kinakaladkad siya nito palabas. "Puta ka! Anong walang bigas, ha?! Bakit hindi ka bumili?! Tangina mo!" "W-Wala po akong pera!" Halos maiyak na siya sa sobrang sakit ng kanyang anit. Mas hinigpitan iyon ng tiyahin niya. "Walang pera?! Aba't naman talaga, Ivory! Nasaan ang pera mo?! Pinanglalaki mo, ha?! Malandi kang bata ka!" "Tiyang, h-hindi! Aray!" Tuluyan nang naiyak si Ivory sa sakit lalo pa noong inihambalos siya ng kanyang tiyahin sa lupa. Mabuti na lang at naitukod niya ang dalawa niyang kamay at hindi siya tuluyang nasubsob. "Putangina ka, wala ka ng naitulong dito! Palamunin ka pa! Bwisit!" talak ng kanyang tiyahin bago siya iniwan doon. Napahikbi na lamang siya. Nagkukumpulan na ang kanilang mga kapitbahay doon. Pagod na pagod na siya. Araw araw na lang ganito ang eksena. Walang araw na hindi siya nakakatanggap ng sabunot o bugbog. "Beshy!" rinig niyang sigaw ng kanyang kaibigan at agad siyang tinulungang tumayo. Agad niyang naramdaman ang hapdi ng kanyang kamay. Nang tingnan niya iyon ay dumudugo na pala iyon dahil sa maliliit na bubog na nasa lupa. "A-Ayaw ko na rito, Jas," iyak niya kay Jasmin. Napabuntong-hininga si Jasmin. "Doon ka muna sa akin," sambit nito at inalalayan siya. "O, tapos na ang drama! Layas na!" baling pa ni Jasmin sa mga chismosang nakikiusyuso sa kanila. Nakayuko lang si Ivory habang inaalalayan siya ni Jasmin. Masikip ang daan doon. Pang-isang tao lang talaga. Dikit-dikit ang mga barong barong na kung magkakasunog ay paniguradong matutupok silang lahat. Ilang barong barong lang naman ang pagitan ng kanila at ng kay Jasmin. "Halika, umupo ka muna riyan at kukuha ako ng gamot mo," bilin ng kanyang kaibigan at sinara ang gawa-gawa nitong pinto. Tahimik siyang naupo sa papag na siyang higaan nila Jasmin. Pagkabukas mo ng pinto ay nandoon na ang tulugang papag. Sa harap ay isang maliit at kahoy na lamesang kainan. Sa bandang likod naman ay maliit na lugar para lutuan at isang sulok na tinabunan ng kurtina ang nagsisilbing CR. Halos lahat ng barong-barong dito ay ganito lang din ang set up. "O, akin na iyang mga kamay mo. Mabuti na lang at may betadine at bulak ako rito." Ibinigay niya ang kanyang kamay sa kaibigan. "G-Gusto ko nang umalis, Jas. T-Tulungan mo naman ako," naiiyak na sabi niya. Tumingala ang kanyang kaibigan at bumuntong-hininga. "Ivy, gustong-gusto kitang tulungan, pero sinasabi ko sa'yo, ang hirap maghanap ng matinong trabaho rito sa Maynila. Lalo pa at hindi naman tayo nakatapos ng kolehiyo. Tsaka isa pa, kung aalis ka, saan ka titira? Kahit naman ma-hire ka sa trabaho, hindi ka agad makakabukod. Ang mahal mahal kaya ng mga pa-renta ngayon. Tsaka wala ka pang magiging sweldo." "Pero anong gusto mong gawin ko, Jas? Ayoko na rito! Sampung taon na akong nagtitiis sa skwater na ito! Hindi ko na kaya iyong pananakit ni tiyang! Ayoko na!" Isa- isa na namang tumulo ang kanyang mga luha. Humikbi siya nang humikbi. Huminga nang malalim si Jasmin. "O, siya sige. Subukan nating maghanap ngayon, okay? Kahit maghapon tayo. Maghanap tayo ng stable na trabaho," pag-alo ni Jasmin. Mahinang tumango si Ivory. "A-Ayoko nang bumalik kay tiyang," umiiling na sabi niya sa kaibigan. Napatango na lang si Jasmin. "Sige, kung sakali man dito ka na matulog ngayong gabi. Tahan na, Ivs. Magiging okay din ang lahat. Tiwala lang." Pagkatapos gamutin ang kanyang mga sugat sa kamay ay pinahiram siya ni Jasmin ng medyo pormal na damit. Pinakain din muna siya nito ng pandesal bago sila umalis. "Siguro naman may malapit na mapag-aapply-an dito, Jas. Para hindi na tayo gumastos ng pamasahe," aniya sa kaibigan. "Ay sana nga, Ivory. Pero kung wala ay mamasahe na lang tayo. Ako na ang bahala sa iyo." Agad siyang napatingin sa kaibigan at tipid na ngumiti. "Salamat, ha," sabi niya. Nahihiya na kasi talaga siya rito dahil sa tuwing walang wala na siya ito ang sumasalo sa kanya. "Asus! Wala iyon! Basta pag sumweldo ka, libre mo ako!" Nagkatawanan sila. "Oo naman! Sure yan!" Bago mag-ikot ay pumunta muna silang computer shop at madaling gumawa ng resume. Si Jasmin ang gumawa ng kanya. Baka raw kasi kailanganin nila iyon. May iba kasing mga trabahong strikto sa ganoon. Si Jasmin na ang nagbayad kaya mas lalo siyang nahiya. Wala talaga siyang pera ngayon dahil inubos ng tiyahin niya kagabi. Wala pa naman siyang raket ngayon. Mas lalo siyang naging desperadong makahanap na ng trabaho ngayon. Kahit ano basta ba marangal. *** Halos dalawang oras silang nag-ikot sa may labasan ng skwater pero nagutom na lang sila at lahat ay wala pa rin silang nakitang trabaho. Kung walang hiring, nauunahan naman sila. Laglag ang kanilang mga balikat na naupo sa bangketa. Inilabas ni Jasmin ang kanilang baong pandesal. "O, kain ka muna." Inabot ni Jasmin ang isang piraso sa kanya. Kinuha niya iyon. Bumuntong -hininga siya at napatitig sa kawalan. "Anong oras na, wala pa rin tayong nahahanap," nanlulumong sabi niya. Tiningnan siya ni Jasmin at tinapik sa balikat. "Ano ka ba naman. Wag ka ngang manlumo. Ang dami pa kayang hindi natin napupuntahan. Doon tayo sa may BGC. Magbakasakali tayo roon. Ako na bahala." Napatingin siya kay Jasmin "Paano kung wala pa rin? Sayang pamasahe." Umirap si Jasmin at hinampas siya. "Ang nega! Think positive kasi!" pag-cheer nito sa kanya. Huminga siya nang malalim at tumango. "Sige. Dapat talaga makahanap na tayo ngayon, Jas." "Tiwala lang, makakahanap talaga tayo!" Tipid siyang ngumiti. Sana talaga. Pagkatapos nilang mamahinga sa bangketa ay sumakay na sila ng jeep papunta sa sinasabi ni Jasmin. Halos malula siya sa taas ng mga building doon. "Para namang hindi tayo matatanggap dito. Ang so-sosyal, o!" sabi niya kay Jasmin. Umirap lang ang kaibigan niya. "Jusko naman, Ivory! Wala namang mawawala ano! Tara na at suyurin natin ang mga building na iyan!" Hinila siya ni Jasmin papunta sa isang building. Cuanco Corporation Lumapit sila sa dalawang guard na nakabantay sa glass door. "Kuya, may hiring po ba diyan sa loob. Kahit ano pong trabaho." Si Jasmin ang nagsalita. "Ah maraming hiring sa loob. Ano bang gusto niyong apply-an?" tanong ng isang guard. Nagkatinginan silang dalawa. "Kahit ano po!" halos sabay nilang sabi. "Ah, pasok lang kayo. May resume naman siguro kayo. May mga nakapila riyan, o. For support personnel iyan. Pila lang kayo. " Pinagbuksan sila ng mga ito Agad na lumiwanag ang mukha nila at excited na pumasok doon. Pigil pigil nila ang kanilang mga ngiti habang naglalakad papuna sa pila. "Okay na ba ako? Okay na?" tanong ni Ivory at pinagpag ang damit. Ganoon din ang ginawa ni Jasmin. Nang feeling nila ay okay na ay pumila na sila. Hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga mukha habang naghihintay kahit pa sobrang haba ng pila. Biglang tumayo si Jasmin. "Teka, Ivs, naiihi ako. Magsi-cr lang ako, ha." Tumingin si Ivory sa kaibigan. "Sige, i-reserve ko ito sa iyo." "Salamat, beshy!" Agad na kumaripas ng takbo si Jasmin. Napailing na lang siya at natawa. Kumunot pa ang noo niya nang nakitang nagpunta si Jasmin sa may elevator. "Anong ginagawa niya roon?" bulong niya sa sarili at umiling. Sumandal siya sa dingding kung saan nakasandal ang upuan nila. Napahikab na siya sa sobrang tagal. Ang dami naman kasing aplikante. Buti na lang at aircon doon. Nilinga niya ang paligid. Bakit ang tagal naman yata ni Jasmin? Napanguso siya at tumingin sa paligid. Binalingan niya iyong isang katabi niya. "Uhm pwede bang pabantay? Susundan ko lang iyong kaibigan ko," aniya. Nagpasalamat siya nang tumango ito tsaka tumayo. Nagdalawang-isip pa siya kung saan pupunta. Napakamot siya sa kanyang ulo at sinundan na lang iyong pinuntahan ni Jasmin kanina. Nag-abang siya sa may elevator. Saktong pagbukas noon ay may pumasok na isang babaeng naka-corporate attire at may hawak hawak na mga papel. Bahagya siyang nataranta pero agad din namang sumunod doon. Nakagat niya ang labi. 'Tama ba itong ginagawa ko? Nasaan ba kasi si Jasmin? Pero dito kasi siya pumunta kanina! Ay bahala na nga!' Huminga siya nang malalim at pumidpid sa sulok ng elevator. Nasa harap niya iyong babae. "Yes sir. I'm on my way already sir." Dinig niyang sabi nito. Yumuko na lang siya. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung saan siya papunta. Sana naman makita na niya si Jasmin! Napaangat ang tingin ni Ivory nang tumunog ang lift. Lumabas iyong babae kaya sumunod din siya. Nalaglag ang panga niya pagkalabas. Dumoble ang kaba sa kanyang dibdib. She looked around pero wala siyang makitang CR. 'Hala, nasaan ako?!' Napatingin siya ulit sa elevator pero nakasara na iyon. Hindi siya marunong gumamit noon! Hindi na siya mapakali sa kanyang kinatatayuan. Sinundan niya nang tingin ang babae at nakita niyang pumasok iyon sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang ang nandoon. Isang malaki na may mahabang lamesa tapos maraming upuan- isang conference hall at iyong pinasukan ng babae. Naka-glass wall ang conference room pero iyong isa ay semento kaya hindi niya makita ang loob. Nakagat ni Ivory ang kanyang kuko sa sobrang kaba. Sana pala hindi na lang siya umalis doon! Hati ang puso niya kung susundan niya ang babae o ano. Sa huli ay aalis na sana siya pero biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinasukan ng babae. Nanlaki ang mga mata niya at natuod sa kanyang kinatatayuan. Kumunot ang noo ng lalaking nasa kanyang harapan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo. Nakaayos ang itim na buhok nito at may dala itong briefcase. Napalunok siya at napaatras. Nakakatakot ang aura nito. Para siyang lalamunin nito nang buhay sa paraan ng pagkakatitig nito. "S-Sorry-" "Are you the applicant?" malalim ang boses na tanong nito. Mas lalo siyang napalunok. "P-Po?" "Tinatanong kita kung ikaw ba ang ipinadala para magtrabaho sa akin." Mabilis na nanlaki ang mga mata niya. "O-Opo!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
888.8K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
602.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook