Chapter 1

1159 Words
Nanatiling nakayukong si Ivory habang kagat- kagat ang kanyang labi. Nilingon niya ang paligid. Ang daming muwebles. May mga iba't ibang antique pang naka-display sa isang sulok. Nakasilid iyon sa isang malaking kabinet na mukhang ipinasadya pa. Marami ring paintings ang nakasabit sa mga dingsing at kumikislap ang magarbo at eleganteng chandelier sa mataas na kisami.  Hindi niya alam kung saang lugar siya. Ang alam niya lang ay nasa bahay siya noong lalaking nag-alok sa kanya ng trabaho. Nakagat niya ang labi. Isa pa iyan sa ipinag-aalala niya. Hindi niya alam kung iyong tinutukoy nitong trabaho ay ang pinag-a-apply-an niya kanina. Nataranta lang talaga siya nang tinanong siya nito at nangibabaw ang pagiging desperada niyang makahanap ng trabaho ngayon araw. Sa tingin niya pa lang kasi sa pila kanina, 50-50 ang tsansang makuha siya.  "Miss..." Agad siyang nag-angat ng tingin at napatayo nang bumungad sa harapan niya iyong lalaki kanina.  "What's your name, Miss?" tanong nito. Napalunok siya. Ewan ba niya. Natatakot siya sa boses nito.  "I-Ivory po s-sir…" Tumango ang lalaki.  "I'm Xamuel Anthony Cuanco, Ivory. CEO and president of the Cuanco Corporation. I'm sure you already know me." Agad siyang nag-iwas ng tingin.  'CEO? Hala siya ba ang boss ng pinag-aapply-an ko sana kanina? Oh my god.' Nakagat niya ang labi at mahinang tumango. Kinakabahan pa rin siya kasi paano kung biglang lumitaw ang totoong ipinadala para magtrabaho rito? Patay talaga siya! "Follow me, Ivory." Tumalikod ito at nagsimulang maglakad. Agad naman siyang napasunod dito.  Dinala siya nito sa isang kwartong puno ng libro. Ang daming bookshelf sa mga gilid. Sa gitna naman ay nandoon ang isang malaking lamesang may swivel chair. May dalawa pang upuan katapat ng swivel chair.  Naupo si Xamuel sa swivel chair. Itinuro nito ang isang visiting chair sa kanya kaya agad siyang umupo roon. Tahimik lang siyang nakayuko at panaka-naka ang tingin sa buong kwarto. May kinukuhang mga papeles si Xamuel sa ibaba ng lamesa.  "Here, Ivory," biglang sabi nito na muntik nang magpatalon sa kanya. Awkward siyang ngumiti rito at tiningnan ang folder na inilapag nito sa harap niya.  Dahan-dahan niya iyong binuksan.  "That is the contract. But before you sign that, I will discuss to you the benefits and the things that you need to do while you're working for me." Mahina siyang tumango.  English ang kontrata. Wala namang problema sa kanya dahil kahit papaano'y marunong naman siyang mag-english.  "In the duration of your work, you will be staying in a townhouse that I will be providing. May makakasama kang isang maid doon. You will have your monthly supplies of grocery, and you will have ten thousand pesos as your allowance. Per month iyan. In return, you just have to be healthy and follow my rules."  Nalaglag ang kanyang panga sa sinabi nito. Ang laki noon! Halos hindi makapaniwala si Ivory sa mga narinig.  "Game po ako!" mabilis na sabi niya na nagpakunot ng noo ni Xamuel. Nagulat yata sa pagka-excited niya. Agad siyang napanguso. "S-Sorry po. Na-excite lang." Tipid siyang ngumiti.  "Okay. If you don't have any questions, let's go to the clinic already." Bahagyang kumunot ang noo ni Ivory pero hindi na rin nagtanong pa at tumayo na lang.  Tahimik at nakayukong sumunod lang siya kay Xamuel. Hindi niya maiwasan ang mapangiti. May trabaho na siya! Sobrang saya niya! Tapos grabe pa iyong mga benefits! Hindi niya akalaing mabibigyan siya ng ganoong offer. Hindi naman siguro ganoon ka -grabe ang trabaho? Well, sanay siya sa trabaho kaya kakayanin naman siguro niya. Ang importante, may bago siyang trabaho at hindi na niya kailangang bumalik sa skwaters! Walang mapagsidlan ng saya si Ivory habang nakaupo sa backseat ng sasakyan ni Xamuel. Wala siyang cellphone kaya hindi niya makausap si Jasmin. Excited pa naman siyang ibalita rito ang masayang balita.  Napatingin siya sa labas at grabe ang pagkamangha niya sa mga building tapos nasa isang magarang sasakyan pa siya na sobrang lamig. Nilingon niya ang kanyang boss na ansa kabilang gilid ng sasakyan. May kausap ito sa cellphone at seryoso ring nakatingin sa labas.  Napanguso siya. Hindi niya maipagkakailang gwapo ito. Ibang iba sa mga nakikita niya sa TV  na matatanda na. Feeling niya kasi nasa mid-20s lang ang binata. Nakakamanghang ang aga nitong magpatakbo ng kompanya.  She pressed her lips and stared at him even more. Ngayon niya lang ito matititigan kasi takot siya rito kanina. He has a fair skin. Matangos ang ilong, halatang may lahi. His hair was in a clean cut style. His jaw was well formed and his lips was naturally reddish. Parang malambot din at kissable. Nakagat ni Ivory ang kanyang labi at mabilis na umiling iling.  'Ano ba iyan! Hoy Ivory! Ugh!'  Naihilamos niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit nito.  "Are you okay?" Halos manigas siya sa kanyang kinauupuan nang marinig iyon. Feeling niya lahat ng dugo niya ay umakyat sa kanyang pisngi. Napalunok siya at napasandal na lang sa gilid.  "O-Okay lang po," sagot niya nang hindi nakatingin dito. Mariin siyang napapikit.  'Nakakahiya!' Hindi na muli pang nagtangka si Ivory na lumingon pagkatapos noon. Nanatili lang siyang nakatingin sa labas o di kaya'y sa ibaba hanggang sa marating nila ang sinasabi nitong clinic.  Walang imik siyang sumunod sa kanyang boss. Nagtataka talaga siya kung bakit sila pupunta rito sa clinic pero baka naman kasi ipapa check lang siya? Narinig niya kasi kay Jasmin noon na may pa medical check up daw talaga ang ibang kompanya. Baka ganoon lang.  Pumasok sila sa isang maliit na kwarto. Agad na tumayo ang doctor na babae nang makita sila.  "Mr. Cuanco," bati nito.  Tumango ang boss niya. "Doc, this is Ivory." Tinuro siya nito. Bahagya siyang ngumiti sa doctor. Ngumiti rin ito pabalik sa kanya.  "Siya na ba?" makahulugang tanong ng doctor kaya kumunot ang noo niya. Mas lalo siyang naguguluhan.  "Yes," sagot ni Xamuel. Doon siya tumikhim.  "Uhm sir, ipapa-check up niyo po ako?"tanong niya. Lumingon si Xamuel sa kanya at tumango.  "Yes. We need to know if you're healthy enough to bear the baby." Napakurap-kurap ang kanyang mga mata at nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Baby?" takang tanong niya.  Xamuel turned to her with his forehead creased.  "Yes, Ivory." "Huh? Bakit may baby? Tsaka anong bear the baby? Magbubuntis ako?" Mas lalo siayng naguluhan. Mas lalo rin namang kumunot ang noo ni Xamuel.  "What are you saying, Ivory? Yes, you're going to bear a baby cause you will be my surrogate." Nanlaki ang kanyang mga mata at nagpalipat lipat ang tingin kay Xamuel at sa doctor. "S-Surrogate?!"  "Yes, Miss Ivory. Mr. Cuanco's wife died a year ago because of a car accident, but her eggs are freezed. All we have to do is to perform an in vitro fertilization to form an embryo. After that we will then transfer that embryo to your uterus. You will bear the child for 9 months and give birth after."  Mabilis na nalaglag ang panga ni Ivory. Ano itong pinasok niya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD