Chapter 2

1342 Words
"T-Teka naman po! Hindi ko alam ito!" naguguluhang sambit ni Ivory at bahagyang napaatras.  Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ano ito?! "Wait, what are you saying, Ivory?! Aren't you the surrogate that I hired?!" Agad na umusbong ang kaba sa kanyang dibdib.  Ito na nga ba ang sinasabi niya! Nag-iwas siya ng tingin. Hindi siya makatingin kay Xamuel! Para siyang kakainin nito nang buhay! "H-Hindi ko po alam ang tungkol diyan…" pikit matang sabi niya.  Narinig niya ang maririing mura ni Xamuel na mas nagpagapang ng kaba sa buo niyang katawan.  "Fuck. Then what are you doing here and who are you?! Get the fuck out! Shit!"  Mabilis siyang napatingala at nanlaki ang kanyang mga mata. "T-Teka sir! Tatanggalan niyo ako ng trabaho?! Wag po! Wag po, please. Hala, sir. Sorry po! Please, please kailangan na kailangan ko ito, please!" Halos lumuhod siya sa harap nito at magmakaawa. Tiningnan lang siya ni Xamuel na bakas pa rin ang galit sa mukha.  "P-Please, sir. P-Please… kaya ko pong magbuntis! Kaya ko po. Wag niyo lang po akong tanggalan ng trabaho p-please… kailangan na kailangan ko i-ito…"  She suddenly felt her eyes sting. Kumurap kurap pa siya para lang hindi bumagsak ang mga luhang nagbabadyang lumabas.  'Hindi pwedeng mawala sa'kin to! Ayoko nang bumalik kay tiyang!' "P-Please, sir. P-Please po…" Nakagat niya ang kanyang labi nang pumiyok siya.  Xamuel let out a frustrated sigh before looking at her intently.  "Look, I don't know who you are, Miss. At hindi basta basta ang ipagbubuntis mo! You will bear my child, my heir. At hindi ako makakapayag na kahit sino na lang ang kunin ko." Mas lalong nabahala si Ivory.  "Sir, please! Please po! Kailangan ko po talaga! A-Aalagaan ko po ang baby niyo! Hindi po ako magpapabaya. Gagawin ko po lahat ng rules niyo. P-Please po kailangan ko lang talaga ng trabaho…"  Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi nang maramdaman niyang  may tumulong luha sa kanyang mga pisngi. Mabilis siyang yumuko at pinahid iyon. She heard Xamuel's frustrated sigh again.  "Stay here. I'm gonna talk to my secretary," malamig na sabi nito bago siya iniwan doon.  Silang dalawa na lang ng doktora at hindi siya makatingin dito dahil sa kahihiyan. Nanatiling nakayuko lang siya hanggang sa ang doctor na ang lumapit sa kanya. "Umupo ka muna, miss," anito at iginiya siya sa couch sa gilid. Nagpasalamat lang siya at naupo roon.  She keeps her glance on the floor. She's fidgeting her hands. Halos hindi rin mapakali ang kanyang mga paa. The think of losing the job scares the hell out of her. Ayaw na niyang bumalik sa skwater! Hindi niya na alam kung kakayanin niya pa ang pagmamaltrato roon.  Pigil ang hikbing hinayaan niyang lumabas ang kanyang luha. Bahagya niya pang inilugay sa gilid ang kanyang mahaba at straight na buhok para hindi siya makita ng doctor.  Then she thought about what Xamuel said. Surrogate. Surrogate ang kailangan ng lalaki. Iyon ang trabahong kailangan niyang pasukan kung sakali. Nasapo niya ang noo.  Natatakot siya at nagulat din dahil hindi niya naman inakalang ganoon pala ang trabahong inaalok nito pero mas nananaig ang kagustuhan niyang makawala sa impyernong skwater na iyon. Lahat gagawin niya para lang makawala doon. She's that desperate. Kung ito ang magbibigay sa kanya ng buhay na kanyang inaasam noon pa lang, then bakit hindi?  Halos limang minuto ang kanilang hinintay bago bumalik si Xamuel. Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang pagbagsak ng pinto. Ngunit mabilis niya rin iyong iniwas nang magtagpo ang mga mata nila ni Xamuel. "So, what's your plan?" Dinig niyang tanong ng doctor.  Xamuel let out a sigh.  "My secretary said nag decline ang supposed to be surrogate,"anito.  Bahagyang nabuhayan ng loob si Ivory sa nalaman. Wala na siyang kaagaw kaso ang tanong ay kung papayag ba si Xamuel na siya na lang nga ang maging surrogate.  "So, it means walang problema kung si Ivory ang maging surrogate mo, Mr. Cuanco." Napaangat ang tingin niya sa sinabi ng doctor.  'Please, please. Pumayag na kayo…' "I don't want to rush things. Bakit ka nga ba napadpad sa opisina ko, miss? And why the hell are you in my building?"  Agad na umayos nang upo si Ivory at lumunok. Bahagyang nanginginig ang buong katawan niya sa takot. Ibinaling niya ang tingin sa ibaba. Nakakatakot talaga si Xamuel.  "N-Nag-aapply po kasi ako sa baba. Kasama ko ang kaibigan kong si Jasmin. Tapos nag-cr po siya. Ang tagal niya kasi kaya sinundan ko. Nakita ko siyang pumasok ng elevator k-kaya sumunod ako. Nakasabay ko iyong secretary niyo. Wala po akong ideya na sa opisina niyo iyon pupunta. Paglabas ko po hindi ko na alam kung nasaan ako. T-Tapos bigla po kayong lumabas at tinanong ako. Nabigla po ako tsaka desperado na rin. Kailangan ko po talaga ng trabaho ngayong araw. Noong sinabi niyong trabaho, kinuha ko na agad. 50-50 naman kasi kung matatanggap ako sa ibaba. S-Sorry po kung nagsinungaling ako." She pauses and looks at him. Nakagat niya uli ang mga labi nang magsalubong ang mga tingin nila. "P-Please, sir. Gagawin ko po lahat para maayos ang pagbubuntis. P-Please po…" pagmamakaawa niya. Hindi sumagot si Xamuel.  Namayani ang katahimikan sa kanila sa loob ng ilang minuto. Tumikhim ang doktora.  "Xamuel, I think there is no need to worry about her. She seems harmless. Isa pa, mukha naman siyang healthy to bear a baby. Although, we still have to check her medically. You are also running out of time, remember?" Napapikit at yuko na lang si Ivory sa sinabi ng doktora.  'Please po, lord. Please…' Taimtim niyang dasal na sana ay pakinggan. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki. "Okay, fine. But let's postpone that for tomorrow I need to background check her." Mabilis pa sa alas kwatrong umangat ang tingin ni Ivory.  "Hindi na po ako tanggal?" tanong niya. Tumaas ang kilay ni Xamuel. "Not really. I still need to check where you're from. We need to agree with the terms before you sign the contract." Nanlaki ang mga mata niya at halos mapatalon sa sobrang tuwa. "Sir, thank you!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Walang reaksyon si Xamuel. Sa halip ay binalingan nito ang doctor. "We'll be back tomorrow for her check up then let's schedule the in vitro," anito na agad tinanguan ng doctor.  Bumaling ito sa kanya.  "Let's go. We have a lot of things to talk."  *** Bumalik sila sa mansyon na pinanggalingan nila kanina. Walang pagsidlan ng saya sa loob ni Ivory habang binabagtas nila ang daan pabalik. Hindi na siya babalik sa skwater! "What's your full name? Family? Where do you live?" Xamuel asks out of nowhere. Mabilis siyang tumingin dito.  "Ako po si Ivory Perez. Iniwan po ako ng mga magulang ko sa aking tiyahin sa skwater, pero minamaltrato niya naman ako. Kaya nakapagdesisyon po akong umalis na lang. Kailangan ko po talaga ng trabaho at…m-matitirhan." Napahinto siya at kinagat ang pang-ibabang labi.  Xamuel throws her a glance which she immediately dodged.  "It's okay. I like your honesty. And I'll let you stay for the night. Tomorrow, I'll send  you to the townhouse. As long as you're healthy to bear the baby, I'm fine with it. Wala ka naman sigurong history sa drugs?" Agad siyang bumaling dito at paulit-ulit na umiling. Tumango ang lalaki.  "Theft?"  "Wala po. Hindi po ako magnanakaw," agad niyang sabi.  Naningkit ang mga mata ng lalaki. "Transferrable disease? HIV? AIDS?"  "Wala po! Hindi po ako ganyan. Sa skwater lang po ako pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang magpokpok. Kaya wala po talaga." Umiling-iling ulit siya. Tumango naman ulit si Xamuel. "Good. Then we'll have no problem," anito at iniwas na ang tingin. "Nakasakay ka na ba ng eroplano, Ivory?" Agad siyang napatitig dito. "Hindi pa po, sir." Tumango tango ito.  "Get yourself ready. Sasakay ka ng eroplano. I'll be needing your papers as well. We will fly to US." Nanlaki ang mga mata niya. "P-Po?" Lumingon ito sa kanya.  "Ichi-check ka ng doctor ko bukas. Then we will fly to US. Doon isasagawa ang transplant at in vitro."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD