Chapter 3

2443 Words
Malapad ang ngiti ni Ivory nang magising siya kinabukasan. Niyakap niya ang sarili at ibinalot ang comforter sa kanyang katawan. Impit siyang nagtitili sa unan niya. Para siyang nakalutang sa ulap. Hindi siya makapaniwala. Wala na siya sa mabahong skwater!  At ito pa, makakarating na sita sa America! Ang sabi naman ng boss niya ito na ang bahala sa mga papeles niya. Di niya nga alam paano nito ilalakad iyon sa maliit na oras, pero wala naman kasing impossible sa mga mayayamang may sandamakmak na pera. Napangiti siya sa sarili. Ito na ang simula ng kanyang pagbabagong buhay. This is really it.  Huminga siya nang malalim at agad na bumaba ng kama. Inayos niya iyon gaya ng pagkakaayos noon kagabi.  Pumasok siya sa banyo at agad na naghilamos. Tiningnan niya ang kanyang suot na pinahiram lang noong isang kasambahay ni Xamuel. Pagkatapos mag-toothbrush ay lumabas na rin siya. Pinasadahan niya pa ng tingin ang buong cr na halos bago lahat ng gamit.  Nakarinig siya ng katok sa pinto. "Maam, kakain na raw po sabi ni sir." Dinig niyang sabi ng kumatok.  Mabilis siyang pumunta sa pinto at binuksan iyon.  "Ay salamat po," sabi niya at agad na lumabas. Tumango lang ang kasambahay at naunang bumaba. Nakayukong sumunod lang siya rito.  Napasadahan na niya ng tingin ang buong bahay kagabi pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya rito.  "Nandito na po si maam, sir," sabi ng kasambahay nang makarating sila sa dining. Iniwan na rin siya nito.  Sumulyap siya sa lalaking nasa dulong upuan at naghihiwa ng bacon.  Nag-angat ng tingin si Xamuel. "What are you still doing? Sit." Napalunok siya at agad na napaupo sa katabi noon.  Halos maging tuod pa siya dahil kinakabahan  talaga siya pag sila lang dalawa nito sa iisang lugar.  Tahimik at dahan-dahan siyang kumuha ng ulam at kanin. Baka kasi kung ano na naman ang sabihin nito sa kanya. Halos tunog na nga lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining. Maya maya ay narinig niya itong tumikhim. "I've bought you clothes. Pinadala ko sa kwarto mo. Magbihis ka pagkatapos. I'll bring you to the townhouse already. You'll be staying there pagkauwi natin galing America." walang tingin na sambit nito sa kanya. Lumunok siya at tumango na lang.  Pagkatapos na pagkatapos kumain ay agad siyang nagtungo sa kwartong tinulugan iya kagabibat halos malula siya sa dami ng paperbags sa kama. Isa isa niya iyong tiningnan at nanlaki nag mga mata niya nang mapagtantong halos lahat ng iyon ay branded. Hindi pala halos dahil lahat ng iyon branded! Nakikita niya lang ang mga iyon sa tv o di kaya ay sa social media accounts ng mga artistang minsan ay tinitingnan ni Jasmin.  Naitakip niya ang kanyang kamay sa bibig at hindi makapaniwalang inisa isa ang mga iyon.  'Hala, ang gaganda!' Hindi niya alam kung ano ang susuotin at pipiliin kaya kung anong una niyang makita ay iyon na lang ang inihanda niya. Isang simpleng puting polo dress tapos ay paparesan niya na lang ng isang black belt na may dalawang G sa gitna. May nakita siyang isang flats na puti kaya iyon na rin ang inihanda niya. Pumasok na siya sa banyo at naligo. Binilisan niya pa kahit na gusto niya pa sanang magbabad. Baka kasi sumigaw na namn ang boss niya. Ngayon niya lang napagtantong ang suplado pala nito. Pero bahala na. Ang importante ay may trabaho na siya. Pagkatapos magbihis ay nagsuklay lang siya at bahagyang inayos ang pagkakalugay ng kanyang buhok. Kinagat-kagat niya ang kanyang labi para naman hindi iyon maputla. Saktong tapos na siya at pumasok  naman iyong kasambahay kanina. Napatayo siya.  "Ahm alis na po kami?" tanong niya rito. Tumango lang  ito bago kinuha ang mga paper bags. Agad din siyang tumalima para tulungan ito.  Sabay silang bumaba ng kasambahay habang dala- dala ang sandamakmak na mga paperbags. Naabutan nila si Xamuel sa sala na may katawag. Nang mapansin sila nito ay ibinaba nito ang telepono at binalingan sila. "You ready?" tanong nito. Tumango lang siya.  Naunang maglakad si Xamuel kasunod ang maid tapos ay siya.  "Thank you po," sabi niya sa driver na kumuha ng dala niya. Pinagbuksan din siya nito ng second seat.  Tahimik siyang pumasok doon at as usual ay nanatili siya sa gilid at hindi na umusog pa. Nasa kabilang gilid din kasi si Xamuel.  *** Nakaramdam ng bahagyang pagkahilo si Ivory nang idilat niya ang kanyang mga mata. Tiningnan niya ang paligid at umawang ang kanyang bibig nang makita ang lugar na kinaroroonan nila. Napatingin siya sa katabi niyang sa bintana lang nakatingin.  Nakakalula! Pataas nang pataas ang binabagtas nilang daan.  "S-Sir nasaan po tayo?" kinakabahang tanong niya. Mabilis pa siyang nag-iwas ng tingin nang lumingon ang lalaki.  "My private townhouse," maikling sagot nito. Nag-korteng o ang kanyang bibig.  Ikinalat niya ang paningin sa paligid at nakita niya ang maraming bahay na nadadaanan nila. Ang gagara ng mga iyon! Halos ilang minuto siyang namamangha nang sa wakas ay tumigil din sila sa isang bahay. Halos magkakatulad ang mga kulay at disenyo ng bahay rito kaya para siyang nahilo.  "Let's go," sambit ni Xamuel at naunang lumabas.  Natatarantang lumabas na rin siya.  Sinalubong sila ng  isang nasa mid- 40s na babae mula sa pintuan ng bahay. Tuloy-tuloy na pumasok si Xamuel kaya sumunod na rin siya. Nginitian niya lang iyong babae at sumunod sa amo.  "You will be living here for the next 10 months. Groceries are provided already. No need to worry. Nandito si Manang Sally para samahan ka. Safe sa village na ito. It's a private property at kung wala ka sa registration, hindi ka makakapasok. I will visit you twice a month and will keep in touch with you through phone kaya siguraduhin mong palagi kang nakaabang sa cellphone mo." Bumaling ito sa kanya at naglahad ng isang puting box. Napalunok pa siya nang makita ang logo noon- isang apple. Nanginginig na tinanggap niya iyon.  Tumikhim si Xamuel at tinawag ang babae kanina. "Sally, this is Ivory, the surrogate of my child. I entrust her to you," sabi nito. Tumango ang babae.  "Makakaasa ka, sir," sagot nito. Nahihiyang ngumiti lang si Ivory rito.  "Excuse me, sir. Ilalagay ko lang ito sa kwarto ni maam,"  paalam ni Sally at nilagpasan sila. Dala dala nito ang mga paperbags niya.  Napahinga na naman siya ng malalim. She really feels awkward whenever she's around with Xamuel.  "Let's set up your phone, Ivory." Dinig niyang sabi ni Xamuel kaya agad siyang napatingin dito.  Umupo si Xamuel sa mahabang couch. Mabilis naman niyang inabot iyong cellphone at umupo rin sa  pang-isahang couch na katabi lang ng mahaba.  Pinanood niya ang pagkalikot ng boss niya sa cellphone. Ilang minuto pa ay ibinigay nito iyon sa kanya.  "May manual naman. Kaya mo na yan di ba?" tanong nito. Mabilis siyang tumango at pinaglapat ang mga labi. May nakikita na siyang ganito na ibinebenta ng mga snatcher sa skwater kaya pamilyar na naman siya rito.  Bumuntong-hininga si Xamuel at inayos ang coat nito.  "We'll have a check up this afternoon. Pinaasikaso ko na rin ang mga papeles mo para sa passport at visa. Right after check up, if you're good to go, we'll fly immediately. I just need to report to work so you stay here. I'll fetch you later. You can familiarize the house or have a rest. Marami kang pwedeng gawin. May wifi at TV naman diyan. Naka-save ang number ko diyan. I'll just call you later." Sunod - sunod na tumango si Ivory. Huminga nang malalim si Xamuel bago tumayo.  "Manang Sally, I'll go ahead," paalam nito sa kasambahay nila.  Naiwan sila ng Manang Sally roon. Napanguso siya at sumandal sa sofa. Tiningnan niya ang buong bahay at masasabi niyang ang elegante talaga nito.  'Gaano kaya kayaman si Sir?' Napailing na lang siya. Sa tingin niya, kasing yaman o di kaya naman ay mas mayaman  pa ito sa may-ari ng SM Malls o kay Willie Revillame. Grabe kasi talaga.  "Maam."  Agad siyang napalingon nang tinawag ng kasambahay. "Kailangan ko lang pong mamili ng gulay sa palengke. Iiwan ko po muna kayo," sabi nito. Bahagya siyang natigilan. "Ah sige po. Okay lang po ako rito," sagot niya na lang. Tumango ang kasambahay at umalis na.  Nang maiwan siyang mag-isa ay nagdesisyon siyang mag-ayos na lang ng gamit. Umakyat na siya sa itaas at tiningnan ang mga kwarto. Dalawa lang naman iyon kaya agad niyang nahanap ang kanya noong makita ang mga paperbags niya. Hindi mawala-wala ang kanyang mga ngiti nang makita ang isang malaking cabinet na halis mapuno ng damit. Excited niyang binuksan ang mga iyon at isa isang in-arrange sa malaking built-in cabinet.  Nang matapos siyang mag-ayos ay napaupo siya sa kanyang malambot at malaking kama. Ni minsan sa buhay niya hindi niya akalaing matutupad ang mga pangarap niyang ganito. At nangyari pa sa pinaka hindi niya inaasahang paraan! Huminga siya nang malalim at napabangon. Tumingin siya sa paligid para tingnan kung ano pang magagawa niya pero malinis naman ang paligid kaya hindi na niya kailangang maglinis.  Bumuga siya ng hininga at kinuha ang phone na bigay ni Xamuel. Kinalikot niya lang iyon gamit ang manual at inisa isa ang mga apps noon. Nang napunta siya sa contacts ay tanging number ni Xamuel ang nandoon. Tsaka lang pumasok sa isip niya ang bestfriend na si Jasmin.  Hindi niya pa ito natatawagan! Agad na di-nial niya ang number nitong sinaulo na niya. Noon kasi ay ito palagi ang tinatawagan niya pag may emergency kaya sinaulo na niya talaga ang number nito.  Hindi siya sure kung may load ang sim niya pero sinubukan niya pa rin. Laking tuwa niya nang sumagot ito.  "Hello? Sino ito?" bungad ng kaibigan.  "Jasmin!" masayang bungad niya.  "I-Ivory?" Natawa siya. Halatang nagulat ang kaibigan. "Hala ka! Hoy, bruha! Nasaan ka! Nakakaloka, bigla mo na lang akong iniwan! Hoy! Babaita nag-aalala ako!"  Nakagat ni Ivory ang labi niya nang marinig ang kaibigan. Talagang napag-alala niya ito. Na-guilty tuloy siya.  "Sorry. Sorry na, Jas. Ang dami kasing nangyari, e." Napakamot siya sa ulo, hindi alam kung saan magsisimula. "Aba't magkwento ka! Saan ka ba, ha? Pupuntahan kita!" Agad siyang napalinga sa paligid. Tsaka siya napasapo sa noo. Hindi niya alam ang eksaktong lokasyon nila! Nakatulog siya sa biyahe! "Jas, teka lang ha. Tatawag ako uli, promise. May titingnan lang ako."  "Nako! Siguraduhin mo!" "Oo nga!"  Binaba niya ang tawag at tumayo. Kagat ang kanyang kuko ay nilibot niya ang buong bahay. Saan nga ba siya? Paikot ikot siya sa buong bahay hanggang sa nag-vibrate ang cellphone niya. Tumatawag na naman si Jasmin.  Napabuga siya ng hininga at nagdesisyon na lumabas ng bahay. Nakakita siya ng susi sa may center table kaya kinuha niya iyon bago lumabas.  Nalaglag ang panga niya nang makita ang kahabaan ng kalsadang binagtas nila kanina.  'Lalakarin ko ito? Hindi ko nga alam kung gaano ito kataas.' Napakamot ulit siya sa kanyang ulo. Kinalikot niyang muli ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang kanyang location at muling tinawagan si Jasmin.  "Cuanco Villages, malapit lang sa pinag-apply-an natin." *** "Bakla!"  "Jasmin!" Agad na tumakbo si Ivory at sinalubong ng yakap ang kaibigang si Jasmin. Bahagya pa siyang nailang nang titigan sila ng mga guard sa guardhouse. Dito sila sa entrance ng subdivision nagkita dahil naalala niya ang sinabi ni Xamuel na hindi basta bastang nakakapasok ang mga hindi kilalang tao sa loob. Halos hingalin siya sa paglalakad papunta sa main gate ng subdivision.  "Jusko ka Ivory! Nag-alala ako ha! Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa'yo!" palatak ni Jasmin sa kanya. "Jas, pasensya ka na talaga. Ang dami lang talagang nangyari. Tsaka alam mo namang wala akong cellphone." Ngumuso siya. Pinasadahan siya ng tingin ni Jasmin at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito nang mapansin ang suot at hawak niya. "Bakla! Hala siya! Shet! Ang mamahal nito! Gucci?! Tas iphone?! Hoy,babaita anong nabingwit mo?!" Agad niyang pinanlakihan ng mata si Jasmin at kinurot sa tagiliran.  "Manahimik ka! Ikukwento ko!" saas niya rito. Agad na nag-zip mouth si Jasmin. Hinila niya ito sa may plantbox at umupo sila roon.  Isinalaysay niya kay Jasmin ang mga nangyari simula noong pupuntahan niya sana ito, ang pagkapadpad niya sa opisina ni Xamuel hanggang sa pag aalok nito ng trabaho at ang mismong trabaho na napasukan niya pati na ang sinabi nitong pupunta sila ng US. Wala siyang hindi sinabi. Kilala niya naman si Jasmin at ito ang bukod tangi niyang pinagkakatiwalaan sa buong buhay niya.  Laglag ang panga ni Jasmin sa narinig. "Oh my gosh! Shet asensado ka na nga! Hala naiiyak ako! Tsaka hala makakasakay ka na ng eroplano?! Ano, doon na kayo forever?!" Umarte pa itong nagpapahid ng luha. Natawa siya at sinapak ito.  "Shunga. Hindi. Uuwi kami agad dito pagka-successful na at buntis na ako. Dito ko ipagpapatuloy ang pagbubuntis ko." Mahigpit siya nitong niyakap at nagtalunan sila nang nagtalunan.  Sobrang saya ni Ivory na nakita ang kaibigan.  "Friend, masayang masaya ako para sayo! Nako, iyong tiyahin mo roon sa skwater? Ayon! Nagwawala at hinahanap ka. Syempre di ko sinabi no!" proud na balita nito. Bahagya siyang nanlumo at nag-alala. "Baka mapahamak ka Jas. Alam mo namang adik ang kinakasama noon," sabi niya rito. Umirap lang si Jasmin. "Asus! Wag kang mag alala at lilipat na rin naman ako. Natanggap ako sa pinag-apply-an natin!" Nanlaki ang mga mata ni Ivory at napayakap din sa kaibigan. "Hala! Ang gandang balita, Jas!" "Aba oo naman!"  Malapad na napangiti si Ivory. Kwento naman nang kwento si Jasmin. Parang dalawang araw lang silang di nagkita pero ang dami na agad nangyari. Napailing na lang siya habang nakikinig sa kadaldalan ng kaibigan.  Hindi niya namalayan kung ilang oras na silang nakatambay roon sa guard's house. Nalilibang na rin kasi siya sa mga kwento ni Jasmin. Natigil lang sila sa pagkukwentuhan nang umangat ang harang para sa mga sasakyan- tanda na may papasok.  Mas gumilid silang dalawa para padaanin ang sasakyan. Magkahawak kamay sila ni Jasmin habang tinitingnan ang tinted na sasakyang dadaan. Halos lumuwa pa ang mata ng kaibigan niya katititig ngunit laking pagtataka niya nang huminto iyon sa tapat nila. "Friend, anong problema niyan?" bulong ni Jasmin sa kanya. Siniko niya  ito at tiningnan lang ang sasakyan.  Baka may kausap lang sa kabila. Hindi iyon pinansin ni Ivort hanggang sa bumaba ang bintana ng second seat.  "What the fuck are you doing here?" Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang magkasalubong ang tingin nila ng kanyang boss.  Kunot noong nakatitig sa kanya si Xamuel at halatang hindi nito nagugustuhan ang nakikita. Napalunok siya at napakapit kay Jasmin. "A-Aray friend!" "I am asking you Ivory," malamig at mariin nitong sabi na nagpalingon sa kaibigan niya. Lumunok ulit siya.  "S-Sir Xamuel….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD