"Sakay."
Agad na tumalima si Ivory nang sabihin iyon ni Xamuel. Nanlaki naman ang mga mata ni Jasmin. Pinisil niya lang ang kamay ng kaibigan at marahang tinanguan na para bang sinasabing okay lang siya. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan niya nang tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan.
Nakagat ni Ivory ang kanyang mga labi nang umandar na ang sasakyan. Halos lumuwa na ang puso niya sa sobrang bilis ng kabog nito. Kung noon ay awkward pag magkasama sila ni Xamuel, ngayon ay natatakot siya. Natatakot siya sa maaaring gawin nito.
'Kasi naman Ivory!'
Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi.
Buong biyahe papunta sa bahay ay nakayuko lang siya. Nang pumarada ang sasakyan ay tsaka lang siya gumalaw. Naunang lumabas si Xamuel. Bahagya pa siyang nagulat nang pabalyang isinara ni Xamuel ang pinto ng sasakyan. Napapikit na lang siya at bumaba na rin.
Sumunod siya rito papasok.
"Ma'am! Nako! Saan po kayo nagpunta?!" alalang bungad ni Sally sa kanya. Mas lalo siyang yumuko lalo na noong tingnan siya nang masama ni Xamuel.
"Who the hell told you to go out and meet someone?! And who the hell told you to give my address to f*****g anyone?!" Dumagundong ang sigaw ni Xamuel sa buong townhouse.
Halos manginig si Ivory sa takot. Kagat kagat niya ang labi para pigilang tumakas ang luha at hikbing kanina pa nagbabadyang lumabas.
"Answer me!" Napaigtad siya sa gulat nang mariing hinawakan ni Xamuel ang kanyang baba at iniangat para magtama ang kanilang mga tingin.
Xamuel's brown eyes pierced through her soul. Matalim siya nitong tinitigan. Napalunok siya.
"S-Sir… k-kaibigan ko po si J-Jasmin. P-Pasensya na po… gusto ko lang pong ipaalam sa kanyang o-okay lang ako. H-Hindi na po mauulit. S-Sorry po…" mangiyak ngiyak niyang sabi.
"You always say sorry, yet you always do it again!"
Doon na tuluyang tumulo ang kanyang mga luha. Bahagya namang na-alarma si Xamuel at agad na binitiwan siya. Nag-iwas ng tingin ang lalaki.
"S-Sorry po, s-sir. Wag niyo po ako t-tanggalin, please…" humihikbing pakiusap ni Ivory. Bumuntong-hininga si Xamuel.
"Kaibigan mo iyon?" malamig na tanong nito. Mahinang tumango si Ivory kahit na hindi siya nito nakikita.
"O-Opo."
"Fine. This is your last warning, Ivory. Ayoko ng mga hindi sumusunod. Everything you do and decide, inform me first. Remember, pinapasweldo kita at dadalhin mo sa sinapupunan mo ang tagapagmana ko. Don't push me to my limits." Halos kilabutan siya sa lamig ng boses nito.
"O-Opo..." Hindi na siya nito pinansin at umalis na.
"Sally, bihisan mo iyan at pakainin ng tanghalian. Aalis kami mamaya." Rinig niyang sabi pa nito bago tuluyang mawala sa paningin niya.
Doon lang siyang nakahinga nang maluwag at napaupo sa sofa. Pinahid niya ang kanyang mga luha at kinalma ang sarili. Lumapit sa kanya si Sally.
"Halika na po maam, ready na ang tanghalian. Ihahanda ko na rin po ang mga gamit niyo," anito sa kanya. Mahinang tumango lang siya at sumunod na rito.
Tahimik siyang kumain ng tanghalian. Mag-isa lang siya. Panay pa ang lingon niya sa sala pero wala naman doon si Xamuel. Si Sally naman ay nasa kanyang kwarto at nag-aasikaso ng kanyang mga isusuot.
Napatitig siya sa hapag. Noon pa lang pinapangarap na niya ang ganitong buhay. Iyong pagsisilbihan at wala na siyang poproblemahin pa. Kaya lang napaisip siya, makakatagal ba siya sa amo niya?
Bahagya siyang lumunok. Naalala niya na naman ang takot niya rito. Kinagat niya ang labi at mariing iniling ang ulo.
'Hindi, Ivory. Kaya mo yan. Wag mo lang siyang suwayin. Mas mabuti na ito kaysa naman bumalik ka sa skwater.'
Bumuntong-hininga siya at tinuloy na lang ang pagkain. Dapat niyang tatagan ang loob niya. Pagkatapos naman ng siyam na buwan ay aalis na siya at makakapagbagong buhay na rin sa wakas.
Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na rin siya sa kwarto niya at naligo. Mabilis lang iyon dahil baka magalit na naman sa kanya ang amo niya. Pagkalabas ng banyo ay isinuot niya ang inihandang bestida ni Sally.
Isa iyong flowy dress na may tatak na LV. Nang matapos na siya sa simpleng pag-aayos ay lumabas na rin siya at bumaba. Naabutan niya si Sally sa dining at nagliligpit ng pinagkainan. Nang dumako ang tingin niya sa living room ay napakunot ang noo niya dahil wala roon si Xamuel.
"Uhm, a-ate nasaan po si s-sir?" tawag niya kay Sally. Lumingon ito.
"Nasa labas maam. Sabi niya nga pala kung tapos na kayo lumabas na kayo kasi may check up kayo." Mabilis siyang tumango at tumalima rito.
Nakayukong lumabas siya. Naang makita niyang nasa loob na ng sasakyan si Xamuel ay mabilis siyang lumapit doon. Agad naman siyang pinagbuksan ng driver. Pumasok siya sa loob at nanatili sa kanyang pwesto.
"Sa hospital, John." Dinig niyang sabi ni Xamuel.
Buong biyahe ay nakatingin at sandal lang siya sa bintana. Halos mag-iisang oras yata silang nasa daan bago makarating sa hospital.
Walang imik lang siyang sumunod sa kanyang boss. Nakita niya ulit iyong doktorang tumingin sa kanya noon. Iba't ibang test ang ginawa sa kanya. Halos ilang oras din silang naghintay ng mga resulta sa kanyang mga test.
Nang makuha nila lahat iyon ay pumasok sila sa opisina noong doktor. Pinaupo sila ni Xamuel sa
dalawang visiting chair sa harap ng doktor.
"Her test results show that she's healthy, Xamuel. There's nothing wrong with her. You can already leave asap. I'll call my sister in US to tell her that we'll proceed with the process immediately." Dinig niyang sabi ng doktor. Nanatili siyang nakayuko.
Medyo pamilyar naman siya sa mga sinasabi nito. Isa pa, nag-search sila ni Jasmin ng tungkol sa surrogacy kaya medyo may alam na rin siya tungkol doon.
"Good. I already got her papers. I'll book a ticket later," sagot naman ni Xamuel. Ngumiti ang doktora.
"I guess we'll be going now, doc. I still have a dinner meeting."
Tumayo si Xamuel kaya tumayo na rin siya. Nakipagkamay ang boss niya sa doktora. Bahagya lang siyang ngumiti rito bago tumalikod. As usual, nakasunod lang siya kay Xamuel at tahimik lang sila.
Ayaw na niyang magsalita at baka kung ano na naman ang masabi niya. Ayaw na niyang galitin ulit ang lalaki. Dahil rush hour ay mas matagal silang nakabalik sa townhouse. Pansin niyang panay ang tingin ni Xamuel sa relo nito at panay pa ang mahihinang mura. Ipinilig niya na lang ang ulo at hindi na ito pinansin baka kung ano na naman ang mangyari.
"You heard the doctor, Ivory. Mag-empake ka na ng mga gamit mo. Sabihan mo rin si Manang Sally. Bukas na bukas, aalis tayo pa-America," bilin nito sa kanya pagkarating nila ng bahay. Tumango siya at bumuntong-hininga na lang bago pumasok na ng bahay.
Naabutan niya si Sally na naghahanda ng hapunan. Nilapitan niya ito.
"O, maam nandito na pala kayo, halina po kayo at kumain," aya nito sa kanya. Ngumiti lang siya at umupo na.
Hinintay niya munang matapos sa paghahanda si Sally.
"Uhm, sabay na po kayo sa akin. Ang lungkot kasing kumain mag-isa," aniya rito.
Tipid niyang nginitian anf kasambahay. Napabuntong-hininga naman ito bago ngumiti at tumango. Umupo ito sa kanyang tapat.
"Nako, maam, ito kain kayo at masarap ang pagkakaluto ko niyan." Bahagyang natawa si Ivory nang paghainan siya nito ng ulam.
"Nako, ako na po," saway niya. Ngumiti lang si Sally at tinuloy ang ginagawa.
"Sabi nga po pala ni sir maghanda raw tayo. Aalis daw tayo pa- America bukas." Tiningnan lang siya ni Sally saka nginitian at tinanguan.
Huminga nang malalim si Ivory.
"Matagal ka na po kay sir, ate?" tanong niya rito. Bahagyang tumigil si Sally at napatigil sa kanya. Nagkibit-balikat siya.
Curious lang kasi siya tsaka para naman kahit paano ay may mapag-usapan sila.
"Ay, medyo po. Ako ang yaya niyang ni Xamuel noong bata pa. Umalis lang ako noong nag-asawa na siya. Pero hindi kami nawalan ng komunikasyon. Kinailangan ko lang kasing asikasuhin ang asawa kong may sakit noon." Kumunot ang noo ni Ivory.
"Saan na po ang asawa niyo?" Malungkot na ngumiti si Sally.
"Wala na siya." Nakagat ni Ivory ang labi.
"Sorry po," nakayukong sabi niya. Ngumiti lang ang kasambahay.
"Okay lang." Natahimik ulit sila.
Nagsimula nang kumain si Ivory.
"Uhm, ganoon po ba talaga kasungit si sir?" Nakagat niya ang labi. Nag-angat ng tingin si Sally at malungkot ulit na ngumiti.
"Sa totoo lang, hindi. Nako, sobrang sweet niyang batang iyan. Napaka-gentleman. Alagang alaga nga niyan iyong namatay niyang asawa. Ni hindi niya iyon pinapadapuan ng lamok. Mabait naman iyang si Xamuel. Nagbago lang naman lahat noong namatay si Maam Mesty. Simula noon naging malamig na ang turing niya sa iba. Hindi na ngumingiti. Naging mainitin ang ulo at mabilis nang magalit. Ulila na rin kasi iyan. Noong namatay iyong mga magulang niya, si Maam Mesty ang naging hugutan niya ng lakas kaya noong nawala ito ay talagang gumuho ang mundo niya. Naaawa nga ako sa alaga kong iyan. Alam ko namang hanggang ngayon ay hindi pa rin iyan nakaka-move on."
Sandaling natigilan si Ivory. Bumuntong-hininga siya. Ang laki pala ng hugot ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng lungkot. Siguro dahil pareho silang wala ng mga magulang at alam niya ang pakiramdam ng nag-iisa. Maswerte lang ito dahil lumaki ito sa marangyang buhay.
Huminga siya nang malalim.
"Kawawa pala si sir."