Nasapo ni Ivory ang noo pagkapasok nila ni Sally ng townhouse.
"Are you okay?" agad na tanong ni Xamuel nang mapansin siyang ganoon. Bahagya pa siyang napaigtad.
"U-Uhmm wala po sir, nahilo lang ako." Tipid siyang ngumiti rito. Tinitigan siya ni Xamuel.
"Ivory, if you feel something bad, you tell me. Do you understand? I don't want you to be in danger. You're bearing my child." Bahagya siyang napatungo at mahinang tumango. Narinig niyang bumuntong-hininga iyong boss niya.
"Manang Sally, please bring the luggages upstairs. Patulong ka na lang po kay manong. Ivory, c'mon ihahatid na kita sa kwarto mo." Hinawakan niya ang braso ng babae kaya bahagyang napaigtad si Ivory.
Hindi na lang siya nagsalita nang inalalayan siya ng lalaki. Hinatid siya nito sa kanyang kwarto at pinahiga pa sa kama. Kinumutan na parang bata at kulang na lang ito na ang magpapikit sa mga mata niya.
"Call me if you need anything, Ivory. I'll just go to the office. I need to fix some things. Don't worrt I'll visit you once in a while." Hinaplos nito ang kanyang buhok. Napatitig naman siya rito.
Unti unti niyang nakikita ang sinasabi ni Sally na maalagaing Xamuel. He's treating her like a fragile glass na isang tabig mo lang ay agad nang mabibiyak.
Tipid siyang ngumiti at mahinang tumango. Bumuntong-hininga si Xamuel tsaka tumayo. Naglakad ito palabas bago dahan dahang isinara ang pinto ng kanyang kwarto. Napatitig tuloy siya doon. Laki ng pinagbago ng boos niya.
Mahigit 4 weeks na simula noong nalaman nitong buntis siya. Hindi sila agad nakalipad pauwi dahil sa advice ng doktor kaya sa LA na muna sila nag-stay. Sa buong stay nila roon ay ramdam na ramdam niya ang pag-aalaga ni Xamuel. Nahihilo at nagsusuka na kasi siya. Kulang na lang ay tabihan siya ni Xamuel buong araw para lang tutukan siya.
Hindi na nga ito nakakapagtrabaho dahil inaalagaan siya. Kaya siguro nagmamadali iyong umalis. Bumuntong - hininga na lang siya at inayos ang kumot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tuluyan nang nagpadala sa antok.
***
Kinabukasan nagising si Ivory na sobrang bigat ang pakiramdam. Tipong babangon na sana siya pero agad din siyang napahiga dahil umiikot talaga ang paningin niya.
Sinubukan niya ulit pero talagang umiikot ang lahat ng nasa paligid niya. Napahawak siya sa kanyang bibig nang bigla siyang makaramdam ng pagduduwal.
'Ano ba ito!'
Kahit na umiikot ang paningin ay napilitan siyang tumayo at magpunta ng banyo. Mabilis niyang binuksan anf inidoro at halos isubsob na ang mukha niya roon. Lahat yata ng kinain niya kagabi ay nailabas niya.
Napangiwi siya sa sangsang ng amoy at agad na kinalabit ang flash ng inidoro. Humihingal na tinabig niya ang mga buhok na humarang sa kanyang mukha.
"Ivory?" Bahagya siyang natigilan at agad na napalingon nang marinig ang baritonong boses na iyon.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Xamuel nang makita ang ayos ng kanyang mukha. Agad itong dumalo sa kanya at walang ano-ano'y binuhat siya. Muling umikot ang kanyang paningin kaya nagpatianod na lang siya. Narinig niya pa ang sunod sunod na pagmumura ni Xamuel habang tumatakbo palabas ng townhouse.
"Manong ang sasakyan bilis!" Dinig niyang sigaw nito. Sinundan iyon ng natatarantang sigaw ni Sally.
"Dadalhin ko lang siya sa hospital, ikaw nang bahala diyan, manang," muling sigaw ni Xamuel bago siya dahan dahang inihiga sa backseat.
Hilong hilo na talaga siya kaya hindi na niya namalayan kung ano na ang nangyari. She's almost unconcious on the way to the hospital. Laking pasalamat niya at hindi na siya naduduwal. Pero talagang hilong hilo na siya.
Tarantang taranta si Xamuel habang dina-dial ang number ng doktor ni Ivory. Panay pa ang lingon niya sa babae na nakapikit na ang mga mata.
Pagkaparada nila sa emergency ay agad na lumabas si Xamuel at binuhat si Ivory pababas.
"Xamuel, what happened?!" salubong ng doktor ni Ivory.
Nasabunutan niya ang kanyang buhok habang nakatingin kay Ivory na nakahiga na sa hospital bed.
"I-I don't know! Naabutan ko siya sa banyo halos isubsob na sa toilet bowl. She's like throwing her stomach out! I panicked so I immediately bring her here." Bumuntong-hininga ang doktor at agad na pinuntahan at ni-check si Ivory.
Naupo si Xamuel sa waiting area habang inaasikaso si Ivory. Ilang sandali pa ay pinalipat na ito sa isang private room.
"Xamuel," tawag ng doktor sa kanya. Bumuntong-hininga siya at saka lumapit dito.
"Is she fine? What about the baby?" he asked. The doctor just smiled.
"She's fine, Xamuel. Actually that was just part of her morning sickness. That's normal. Mukhang masyado kang naging paranoid." Kumunot ang noo ni Xamuel.
"Normal? She almost fainted while vomiting!" he insisted. Ngumiti lang ulit ang doktor at tinapik siya sa balikat.
"C'mon, Xamuel, chill. Everything will be all right. Siguro ganoon lang talaga siya magbuntis. Isa pa kagagaling niyo lang sa travel so baka may slight jetlag pa siya lalo na at hindi pa siya sanay sa ganoon kahahabang biyahe. Pina-swero ko na lang muna siya dahil mukhang dehydrated siya kanina. Just let her finish her IV and then you can take her home already. I'll go ahead, Xamuel." Tinapik siyang muli ng doktor bago ito umalis.
Bumalik ang tingin niya sa babaeng nasa loob ng kwarto at napabuntong-hininga na lang.
***
Naalimpungatan si Ivory nang tumama ang liwanag mula sa bintana ng hospital.
"Uy, gising ka na pala? Nako, gutom ka ba?" Dahan-dahan siyang bumangon at kinusot kusot ang mga mata. Naaninag niya si Sally sa gilid ng kanyang kama.
Tipid niya lang itong nginitian.
"Gusto mong prutas? Ipagbabalat kita. Ano bang gusto mo? Orange o itong apple?" tanong nito sa kanya. Bahagya siyang umayos ng upi at sumandal sa head board.
"Kahit ano na po…" Tiningnan siya nito at nginitian. Pinakita nito ang orange sa kanya.
"Ito na lang para mas maging hydrated ka. Sabi ni doktora, tapusin mo lang muna iyang swero at nang makauwi na tayo. Na-dehydrate ka raw. Kasi namang bata ka, ganyan ka pala magbuntis? Nako, sa susunod, tawagin mo ako ha? Nako, si Xamuel ayon grabe ang pag-aaalala sa'yo!" Bahagya siyang napaiwas ng tingin at napanguso.
Bumalik sa kanya ang pagkataranta ni Xamuel kanina. Nakagat niya ang labi.
"G-Ganoon po ba talaga siya mag-alala?" nahihiyang tanong niya, hindi pa rin tumitingin kay Sally.
"Ay nako, grabe! Iyong nangyari kanina? Walang wala iyon, hija. Noon magkasakit lang si Mesty ay nako, kahit sinat lang iyan itatakbo niya sa hospital. Ganoon ka praning iyon." Bahagyang tumawa si Sally. Ipinaglapat niya ang kanyang mga labi at napahawak sa kanyang tiyan.
'Nako, Ivory, hindi ikaw ang inaalagaan noon. Iyong baby lang ang inaalagaan niya.'
Bumuntong-hininga siya.
"O, ito, kain ka na." Inabot nito ang orange. Tinanggap niya naman iyon.
"Salamat po," sabi niya rito at nginitian ito.
***
Kinahapunan ay pinauwi na rin ng doktor si Ivory.
"Nako, halika. Upo ka muna dito sa sofa at nang makapagluto ako. Magti-tinola ako. Paborito ni Xamuel iyon," sambit ni Sally kay Ivory.
Ngumiti naman si Ivory at tinanguan ito.
"Nako, ikaw ba ay kumakain ng tinola?" tanong pa nito sa kanya. Natawa siya.
"Oo naman po!"
"O, siya sige, teka lang at magluluto ako." Tinanguan niya lang ito bago sumandal sa likod ng sofa.
Kinuha niya ang remote ng TV at ni-on iyon. Hinimas niya ang kanyang tiyan. Medyo hindi na siya nakakaramdam ng pagkahilo at hindi na rin naman siya nasusuka pa. She feels a lot better now.
Nilibang na lang niya ang sarili sa panonood ng TV habang hinihintay na maluto ang tinola ni Sally.
Nasa kalagitnaan ng panonood si Ivory nang marinig niya ang busina ng sasakyan sa labas. Agad siyang napabaling sa pinto. Inabangan niya pa ang pagbukas noon kahit na halos lumuwa na ang puso niya sa sobrang kaba.
Nang bumukas ang pinto ay agad siyang napaayos ng upo. Pumasok doon si Xamuel. Nasa isang kamay nito ang coat.
"Good evening po sir," bati niya rito. Agad namang napatingin sa kanya ang lalaki at agad na lumapit sa kanya.
"Hey, are you fine now?" Bahagya pa siyang napaatras nang hawakan nito ang noo niya. Tipid siyang ngumiti.
"Opo sir. Magaan na ang pakiramdam ko. Salamat nga po pala kanina." Nag-iwas siya ng tingin. Bumuntong-hininga si Xamuel.
"You really got me worried earlier." Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Napatitig pa siya rito. Talagang hindi pa siya nasasanat na ganoon kabait at kalambot ang amo niya. Ang nakikita niya kasi ay iyong boss na masungit at walang paki sa buhay.
Bumuntong-hininga siya at napayuko na lang. Binalot sila ng katahimikan. Kulang na nga lang ay tunugan sila ng mga kuliglig.
"Halina kayo at kakain na!" Sabay silang napatingin sa kusina. Agad namang tumayo si Ivory.
"Uhm sir, halina po kayo," nahihiyang sabi niya rito. Nag-alangan pa siyang mauna sa kusina pero agad namang tumayo si Xamuel.
Tahimik lang silang kumain kahit na dinadaldal sila ni Sally. Ewan ba ni Ivory, awkward lang talaga siya pag kasama ang boss niya. Tapos hindi pa siya sanay sa pagbabago ng ugali at trato nito sa kanya.
"I know you feel awkward. Don't worry, I'll go after we eat. I am just really worried for the baby. I want to make sure that you're okay," sambit nito sa kanya nang minsang pumunta si Sally sa kusina para kumuha ng juice. Nahihiyang nginitian naman niya ito.
"Okay lang naman po sa akin. Naiintindihan ko."